Samarah’s POV “This is nice,” aniya habang umiinom ng juice mula sa baso niya. Nakatanaw lang kami sa papaakyat na araw habang nakaupo sa buhanginan. “Nagustuhan mo ba ‘tong egg sandwich?” tanong ko habang inabutan pa siya ng isang slice. “Yeah, it’s just like how your Mom used to make it.” Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya, “Hindi naman gumagawa ng egg sandwich si Mama ah? Ikaw ah? Kaninong mama yan?” Pinanliitan ko siya ng mga mata. “Yes she did! Mama Grace! Naalala mo dati nung buhay pa sya palaging egg sandwich ang baon mo tapos tag isang slice tayo?” Nagulat ako dahil naalala niya pa yon. Sobrang bata pa namin noon, saglit tuloy akong napatittig sa kanya at napangiti. “Naalala mo pa pala yun?” Tumingin ako sa dagat. Ang sarap sa pakiramdam nito. Malayo kami sa lahat, walang responsibilidad, hindi nag-aalala sa pwedeng sabihin ng iba, walang naninira, at hindi komplikado ang lahat. “Tandang tanda ko pa yun, hindi kasi kita magets that time.” “Bakit naman?” “Eh
Read more