Samantala, nang makarating si Calliope sa kwarto ni Elara ay sya naman pagpasok ng anak sa loob na bagong bihis, napangiti siya ng makita ito at agad na lumapit.“Elara, anak. Halika, ku-kwentuhan ka ni mommy ng paborito mong bed story,” nakangiting sabi ni Calliope, ngunit sunod sunod na umiling si Elara at tumingin kay Neneta. “I want my dinosaur, Manang Neneta,” saad pa nito.“Sige, hija, kukunin ko para sayo,” sagot naman ng ginang.Nanatiling nakangiti si Calliope habang hinihintay si Elara na tumabi sa kanya, nang sandaling mahiga si Elara dala ang plushies dinosaur niya ay agad na tumalikod ito kay Calliope. Ang plushies na iyon ay ang regalo niya sa anak ng tumuntong ito ng apat na taon. Ngunit walang kaalam-alam si Elara; ang alam niya ay galing ito kay Amelia.Napabuntong hininga si Calliope at marahan na hinimas ang buhok ng anak; hindi niya rin napigilan na halikan ang noo nito, na siyang dahilan ng pagtulak sa kanya ni Elara.“Don’t kiss me, Mommy! ” Calliope felt tightn
Last Updated : 2026-02-09 Read more