LOGINPasado alas otso na nang gabi ng makauwi si Kael kasama ang anak nila na si Elara; iginiya pa nito ang anak papunta sa kwarto.
Nanatili naman na nakamasid si Calliope sa ginagawa ng kanyang mag-ama, napangiti pa siya ng makita ang hawak nitong doll habang namumungay ang mga mata, hudyat na antok na antok na ang anak.
Nang makalapit si Calliope sa kinaroroonan ni Kael at Elara, pinigilan niya ang sarili na yakapin ang anak dahil alam niya naman na ayaw nito sa kanya, sigurado naman na itataboy lang siya nito ngunit trahidor ang kanyang sarili sapagkat namalayan niya na lang na nakaupo na siya sa sahig.
“Elara,” malumanay nyang tawag sa anak.
“Ayaw kong hawakan mo ako, Mommy,” Elara pouted. Mabilis din na sinubsob ang mukha nito sa dibdib ni Kael.
Nakaramdam ng sakit si Calliope; ang limang taong gulang nyang anak ay itinataboy sya, masyado itong na-brainwash ng kinikilala nyang tita na si Amelia. Ang kabit ng kanyang asawa…
Sa loob ng tatlong taon hinayaan niyang maging malapit si Elara at Amelia sa kagustuhan na maging maayos ang kanilang pamilya; ayaw niyang magkaroon ng broken family ang anak nya, ayaw niyang iparanas ang hirap ng pagiging broken family, ngunit tila yata kasalungat ng nararanasan nya. Mukhang sya pa yata ang extra sa sarili nyang pamilya dahil mas close pa ang mag-ama nya kay Amelia.
Sa loob ng tatlong taon ay naging bulag siya sa lahat, naging binge at pipe siya upang hindi humantong sa hiwalayan, masyado nyang iningatan ang pamilyang meron siya na dapat pala noon pa hinayaan na lang niya na masira, noon pa na siya pa ang hinahanap ng kanyang anak.
Sa loob ng tatlong taon tiniis niya ang lahat, alang-alang sa pagmamahal niya kay Kael. Masyado siyang naging manhid; hindi siya bumoses kahit may karapatan siya sapagkat mas nananaig ang kagustuhan niyang manatili sa taong mahal niya at huwag sirain ang sagradong pangako na binitawan niya sa harap ng altar at sa harap ng maraming tao.
Mas lalong ayaw niyang ma-disappoint sa kanya ang kanyang papa.
Tipid na ngumiti si Calliope sa anak at tumingin sa gawi ni Manang Neneta na naroon na pala. “Manang Neneta, paliguan mo muna si Elara bago mo syang patulugin,” bilin nya sa ginang.
“Yes, ma'am,” sagot ni Neneta.
Samantala, nang makaalis si Calliope sa kwarto ni Elara, muling bumalik ang sigla ng bata habang kausap ang ama na aliw na aliw din na nakikinig kay Elara.
Laman ng balita si Kael, tinagurian siyang mapagmahal na ama sa kanyang anak sa kabila ng hectic nyang schedule bilang CEO.
Sang-ayon naman si Calliope sa balitang yon, sapagkat kung tatanungin ng madla si Kael kung sino ang pinaka importanteng tao sa kanya, siguradong nangunguna rito ang kanilang anak na si Elara.
Inihilig ni Calliope ang ulo sa pader at malakas na bumuntong hininga at muling nalunod sa mga ala-ala ng nakaraan niya.
Eight years ago, Kael was involved in a car accident, and Kael was in a coma for several years in a hospital owned by the father of Calliope. Die-hard crush nya si Kael nang mga panahon na yun. Sa sobrang pagkagusto nya sa lalaki, tumigil siya sa pag-aaral ng walang pag-aalangan, upang manatili sa tabi ni Kael.
Hindi naman nasayang ang sakripisyong ginawa ni Calliope sapagkat nang magising si Kael tinanggap niya ang pagmamahal ni Calliope kahit hadlang ang ina nito. Pinakasalan pa rin ni Kael si Calliope at nagkaroon sila ng anak na babae na nakapagpa-pakumpleto sa pamilyang nila.
Ngunit nang tumungtong ng dalawang taon ang anak nilang si Elara, napapadalas ang business trip ni Kael sa labas ng bansa.
Halos dalawang taon ang inabot bago niya narealize na ang kanyang sariling anak ay may kinikilalang ibang ina, ito si Amelia, isang sikat na piyanista, talentado sa larangan ng sining, at ang first love ni Kael.
Hinahangaan siya ni Elara at tila mas matimbang pa ito kumpara sa kanya na sariling ina.
Ganon rin kay Kael, hindi man nito maamin na nagsisisi sya na pinakasalan nya si Calliope, ay ramdam ni Calliope na hindi na ito masaya sa relasyon nila, na tila napipilitan na Lang itong pakisamahan si Calliope.
Muling naramdaman ni Calliope ang pagka durog ng kanyang puso, ni wala siyang magawa para maibsan ang sakit. Gustong gusto niyang maghiganti kahit alam niyang mali. Gustong gusto nyang iparamdam kay Kael at Amelia ang sakit na pinaramdam nito sa kanya, ngunit hindi nya alam kung paano? Hindi nya alam kung sa paanong paraan nya ipaparanas ang sakit.
Pinahid ni Calliope ang butil ng luha sa mata niya at bumaba upang uminom ng tubig, ngunit nang akmang pabalik na siya sa kwarto niya nang marinig niya ang boses ni Kael na tila may kausap sa telepono.
“Yeah, I know. I'll remind her to brush her teeth,” masiglang sabe ni Kael sa kausap. Napairap si Calliope sa narinig.
“Talagang kailangan na updated ang kabit nya sa ginagawa ng anak ko, ano? Sabagay, baka naghihintay na lang siya na iwan ko sila ni Elara, pero nagkakamali siya, hinding hindi ako makakapayag na maging masaya sila, iiwan ko lang siya kapag nakuha ko na ang loob ng anak ko,” taimtim na sabi ni Calliope sa sarili at pinagkrus ang dalawang braso habang nanatiling nakamasid kay Kael.
“Remember to apply the medicine to your finger, follow the instructions, and don't be willful.”
Napangiwi si Calliope at napairap muli; tila sanay na sanay na si Kael sa panlalandi sa iba habang pamilyado itong tao.
At hindi na kailangan pang manghula ni Calliope kung sino ang kasama nila sa dinner bukod kay Elara; palagi nilang ginagamit ang anak para makapag landian, at mukhang sanay na sanay na rin ang anak niya sa scenario na yun. At ito ang isang paraan ni Amelia para mapalapit sa kanya si Elara, bagay na ikinainis ni Calliope.
“Hinding hindi ko na hahayaan pa na mas mapalapit pa ang loob nyo ng anak ko, babawiin ko ang dapat ay para sa akin, babawiin ko ang anak ko at isasampal ko sayo yang manlolokong Kael na yan balang araw.”
Hindi na pinakinggan pa ni Calliope ang pag-uusap ni Kael at Amelia; naglakad na sya papunta sa kwarto nya ngunit bago pa man sya makapasok ay tinawag siya ni Kael.
Hinarap ni Calliope si Kael at lihim na minumura ang sarili. Hindi nya kasi maiwasan na pagmasdan ang mukha ng asawa; masyado itong gwapo para hindi sya mahumaling, bagay na dapat iniwasan niya noon pa.
“May virtual conference meeting ako ngayon, kaya doon ka muna sa kwarto ni Elara, baka kasi late na ako makauwi,” malamig na sabi ni Kael kay Calliope, tanging pag tango lang ang tinugon ni Calliope rito.
Habang nakatingin naman si Kael sa kalendaryo at napabuntong hininga.
“Today is the 8th; I’ll come to your room after the conference,” sabi pa ni Kael bago naglakad paalis.
The 8th is the day they shared the room.
Nagkaroon sila ng kasunduan ng isang beses ay umiyak si Calliope dahil hindi na sila nagtatabi matulog ni Kael, at kahit ang karaniwang ginagawa ng mag-asawa ay mukhang sawa na si Kael. Kaya para makabawi, naglatag ng kasunduan si Kael; may schedule sila kung kailan sila magtatabi sa kama at magtatalik.
1st, 8th, 16th, and 28th of each month. As long as nasa bahay si Kael, pinupunan nya ang obligasyon nya bilang asawa ni Calliope.
Ngunit hindi na ngayon, nagsisisi si Calliope na nagawa niyang iyakan ang bagay na yon, ayaw nya na muling maulit pa kaya agad nyang hinabol si Kael.
Hinawakan niya ang braso ni Kael at ikinatigil nito sa paglalakad at kunot noo siyang hinarap.
“Pagod ako ngayon, kaya matutulog ako ng maaga, gawin na lang natin next time,” sabi ni Calliope at binitawan ang braso ni Kael at walang pasabeng iniwan ito.
Samantalang naiwan naman na tulala si Kael at hindi niya maintindihan kung bakit tumanggi si Calliope kung gayong siya pa ang unang nagpapaalala sa kanya noon tungkol sa schedule na yon.
“Ano ba talagang nangyari ng araw na wala ako rito sa bahay? ” tanong ni Kael sa sarili at napahilot sa sintido.
W-What? S-She's your what? ”Pag-uulit ni Kael," ngunit hindi na ito pinansin pa ni Calliope at bumalik na sa kinauupuan nya.Muling nalunod si Calliope sa mga senaryo na posibleng mangyari kapag dumating na sila sa poder ng biyanan niya.Malapit na niyang makita muli ang biyenan at sister-in-law niya na talaga namang malaking balakid sa relasyon nila ni Kael noon para kay Calliope.Sariwa pa ang ala-ala kay Calliope 8 years ago nang maaksidente si Kael nang siya ay 12 years old at na coma ito; sobrang nanginginig na tinungo non ni Calliope ang hospital kung saan nagtatrabaho ang papa niya and kung saan naka-admit si Kael, and nang panahon na yun ay nag-volunteer si Calliope na alagaan si Kael. Sa sobrang devastated ng mother-in-law ni Calliope that time, ay agad niya itong napapayag.Kaya ang ending, tila naging mas nurse pa si Calliope kung umasta sa pag-aalaga kay Kael; walang pagkukulang at walang humpay na pag-aalaga ang ginawa niya, na tila isa siyang mapagmahal na babaeng ginaga
Halos isang linggo ang lumipas na hindi man lang nagkatinginan nang diritso sa mata sila Calliope at Kael, pareho silang umiiwas sa isa't isa.Umiiwas si Calliope dahil sa sobrang inis sa sarili; hindi niya dapat pinatulan si Kael at dapat naging mahinahon lang siya sapagkat nakakasiguro siya na nakakahalata na ang asawa sa pagbabago niya.Samantalang si Kael naman, umiiwas ito kay Calliope sa hindi malamang dahilan; hindi niya maintindihan kung bakit sa tuwing makikita niya si Calliope ay nakakaramdam siya ng hiya at tila may kung anong kumakaripas sa buong sistema niya.Samantala, kasalukuyang araw nang lunes ngayon, at nasa airport na sila kasama ang anak na si Elara. Sunod-sunod ang pagbuntong hininga ni Calliope nang maramdaman niya ang mga tingin ng mga taong nasa paligid; sikat ang asawa hindi lang sa business world, kaya hindi na siya nagtataka pa, ngunit hindi pa rin niya maiwasan mailang dahil alam naman ng lahat na hindi si Calliope ang madalas na kasama ni Orion sa bawat f
Marahang inalis ni Calliope ang kamay ni Kael sa braso niya, at siya na mismo ang humila sa asawa palabas ng kwarto ng anak nila; dumiritso siya sa veranda malapit lang sa kwarto niya at isinalampak si Kael sa railings.“Anong trip mo, Kael? "Hindi na napigilan pang ipakita ni Calliope ang pagkainis sa asawa dahil hindi siya sanay sa inakto nito sa harap niya; hindi ganun ang Kael na kilala niya, at hindi ito iiyak dahil lamang sa hindi niya ito pinansin. Kadalasan pa nga ay si Calliope pa ang nag dedemand kay Kael na bigyan siya ng kahit konting atensyon noon.“You’ve changed, Calliope. Bakit ganon? Ilang linggo na rin kitang bihira pansinin, pero hindi ka na nagrereklamo, hindi ka na pumupunta sa kwarto ko para magdabog hanggang sa mapansin kita. Bakit ganon, Calliope? Bakit parang nagbago kana? Totoo ba talaga na may nagugustuhan ka ng iba? ”“Ano bang pinagsasabi mo, Kael? Hindi ba't ikaw na rin ang nagsabi na nakakasawa na ang pagiging demanding kong asawa? Nakakasawa na ang pal
Bumalik si Calliope sa sarili nyang kwarto, at doon nya inilabas lahat ng inis para kay Kael. Gusto niyang paghahampasin ang asawa, ngunit pinigilan nya ang sarili dahil hindi nya pa pwedeng gawin yon; hindi pa pwedeng mahalata ni Kael ang unti-unting pagbabago nya. Kailangan niyang mag-ingat hanggat hindi pa niya lubusang nakukuha ang loob ni Elara; hindi pa siya pwedeng iwan si Kael hangga't mas lamang parin sa puso ni Elara ang ama.Habang patuloy na hinahagis ni Calliope ang unan nang mag-ring ang cellphone niya, agad niya itong kinuha nang mabasa ang pangalan ni Zaniel, ang itinuturing niyang nakatatandang kapatid na lalaki.Pinakalma muna ni Calliope ang sarili bago sinagot ang tawag. “Hello,” Ang masayang boses ni Zaniel ang agad na narinig ni Calliope. “Calli, how are you? What's your decision? Have you decided to join the plan? ”Napakagat labi si Calliope bago siya nagsalita. “H-Hindi pa yata, Kuya Zaniel; may kailangan pa akong mas unahin. Pwede mo ba akong bigyan ng maram
However, nanatiling tahimik si Calliope nang hindi makasagot si Kael hanggang sa bigla na lamang itong naubo.“I’ll hang up now, Amelia. Take care,” si Kael na Ang bumasag sa katahimikan sa loob ng kwarto.“Okay then, I'll wait for you, Kael," malambing na sabi ni Amelia na ikinangiwi ni Calliope. "Bye, Elara. I love you."“I love you too, Tita Amelia. Bye."Listening to her daughter's intimate interaction with Amelia, Calliope felt a sharp pain in her chest and could hardly breathe. When she pushed open the door, a smile had already appeared on her face."Elara.""Mom, Dad, and I are going abroad for a trip. Do you want to come with us?" Elara asked earnestly, tilting her little face up.In Elara’s little heart, she hoped that everyone who was kind to her and loved her would play with her."Elara, Mommy and Daddy are going to talk for a bit. Can you go play in the toy room first?" Calliope asked, rubbing her daughter's head.Elara nodded her little head. "Okay!" After saying that, sh
Calliope felt a pang in her heart. Although she no longer cares about her husband and she doesn't love him anymore. Anger still lingered.This time, hindi na makakapayag pa si Calliope na isama ni Kael ang anak nilang si Elara sa US at hindi siya makakapayag na mapalapit lalo ang loob nito kay Amelia at ma brainwash ang anak niya ng kiridang yon.Nang sumapit ang gabi, napangiwi si Calliope nang makita niya si Kael na nasa dining area at kumakain kasama ang anak niya; hindi niya nais makasabay ang asawa na kumain, kaya nanatili siyang naroon lang sa may pinto kung saan tanaw na tanaw niya ang nakangiting si Elara.“Mommy, come here and join us! ” nakangiting pag-aya sa kanya nang anak nya nang sandaling mapatingin ito sa gawi niya.Wala nang nagawa si Calliope kundi lumapit sa hapag kainan; tumabi siya kay Elara at malayo sa asawa.“What are you doing? Bakit dyan ka umupo? ”Puna ni Kael sa kanya.Pekeng ngumiti si Calliope. “Bawal ba akong tumabi sa baby ko? Baby, oh ayaw nang daddy m
On the next 3 days, Calliope's relationship with her daughter Elara improved considerably. After all, pinalaki nya ang anak nya nang may mabuting asal at mabuting puso simula pagkabata nito. Natuon man sa iba ang pagmamahal ng kanyang anak, ngunit hindi naman mababago ang katotohanan na hindi mabil
Napataas ang kilay ni Calliope sa winika ni Primo; hindi siya makapaniwala sa itinuran nito. Kilala niya si Primo; loyal siyang bestfriend pagdating sa asawa niyang si Kael, kaya palaisipan sa kanya ang tinuran nito.“Are you drunk? Or maybe you’re challenging me dahil inutusan ka ni Kael? Sinusubu
Marahas na hinila ni Kael si Calliope palayo kay Primo, nagliliyab din ang mata nito sa galit.“What the hell are you doing, Calliope? Are you trying to cheat in front of me? ” Nakakalokong ngumiti si Calliope at tumango. “Yun ba ang dating sa’yo, Kael? Siguro? At least harap-harapan, diba? Hindi
Samantala, habang nakaupo si Calliope sa loob ng study room niya at nakaharap sa laptop niyang kanina pa nakabukas at hinihintay na lang siyang galawin ito, hindi maiwasan ni Calliope ang alalahanin ang araw nang siya ay makapagtapos ng medisina.Isang buwan pa lamang ang nakararaan at sariwang-sar







