Share

CHAPTER 2

Author: NAOKIS
last update publish date: 2026-02-09 17:48:00

Makalipas ang tatlong araw masaya si Calliope dahil naging successful ang operasyon para sa paglinis ng lungs ng anak nyang si Elara at nakikita nya rin ang improvement ng pag galing nito.

Nanatili siya sa tabi ng kanyang anak hanggang sa tuluyan itong gumaling. Sa tuwing titingnan niya ang maputlang mukha ng anak niya at nanghihina nitong katawan, hindi niya maiwasan na maawa rito.

“Hindi mo deserve ‘to anak,” bulong nya pa.

Maya-maya pa naramdaman nya ang pag vibrate ng cellphone nya kaya agad nya itong kinuha sa bulsa, ngunit muli nya itong ibinalik nang makita nya kung sino ang nag text. 

“Hey,” iyon lamang ang nakalagay sa text message ng magaling nyang asawa. 

Sa simpleng hey ramdam ni Calliope ang pagiging arogante ni Kael, perks of being a zillionaire.

Walang balak na replyan ni Calliope ang asawa; mas gugustuhin niya pang magdamag na bantayan ang anak kesa makipag-usap sa aroganteng si Kael.

Samantala, habang nag-iinit ng tubig si Manang Neneta nang mag-ring ang cellphone niya, nataranta pa siya nang makitang ang amo niyang lalaki ang tumatawag.

“Hello, sir? ” bungad ni Neneta matapos niya itong sagutin.

“Hey, Neneta, may nangyari ba dyan sa bahay habang wala ako? ” 

Sandaling natigilan si Neneta at nanginginig itong sinagot. “W-Wala po, sir. Nasa Pilipinas na po ba kayo? ” Nanginginig pa na ani ni Neneta habang nakahawak sa dibdib.

“Nasa Airport pa lang,” sagot ni Kael.

“Okay po, mukhang sobrang busy niyo, huwag ho kayong mag-alala, maayos ang lahat dito sa bahay.” 

Hindi gusto ni Neneta na magsinungaling ngunit yun lamang ang tanging paraan para hindi maabala ang amo sa inaasikaso nito sa ibang bansa.

Matapos patayin ang tawag, nakahinga ng maluwag si Neneta at napa-patanong pa sa kanyang sarili. “Bakit kaya ayaw ni Ma'am Calliope na ipaalam kay Sir Orion ang tungkol sa kalagayan ni Elara? ” Naguguluhan pa rin si Neneta sa desisyon ni Calliope ngunit pinagsawalang bahala niya na lamang ito.

Samantala, habang hawak-hawak ni Calliope ang kamay ng kanyang anak ay halos matumba na siya sa sobrang antok, namumula na rin ang kanyang mga mata, ngunit hindi siya pwedeng matulog, nais niyang siguraduhin sa sandaling magising si Elara ay siya mismo ang mabubungaran ng anak.

Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak ni Elara; she looks like she's having a nightmare. “Daddy… Tita Amelia, natatakot ako.”

Pinisil ni Calliope ang kamay ng anak at mapait na ngumiti. “Nandito lang ako, anak.” 

Pinigilan ni Calliope ang maluha at marahang hinaplos ang kanyang anak upang kumalma at bumalik sa pagtulog.

Hindi nya inaasahan na sa kabila ng nangyari tanging ang ama lang nito at ang kabit ng asawa ang hinahanap; ni minsan hindi nya maramdaman na kailangan sya ng anak nya, ni minsan hindi nya maramdaman kahit isang beses na maging ina sapagkat kahit ang sarili niyang anak ay tinataboy sya.

Mas pipiliin pa nito ang kabit ng asawa bilang maging ina kesa sa kanya na siyang nagluwal sa bata.

Hindi nya masisi ang anak, sapagkat kasalanan nya rin naman. Sa ilang taon nilang magkasama sa i-isang bahay, hinayaan nyang malayo ang loob ni Elara sa kanya sa sobrang pagmamahal nya kay Kael. Halos hindi nya na napagtuunan ng pansin si Elara dahil sa asawa nya. 

Takot at pagsisi ang naramdaman ni Calliope sa sandaling yon. Takot na baka hindi na magiging maayos ang relasyon nila ni Elara biglang mag-ina at pagsisi kung bakit naging sunod-sunuran lang sya sa asawa at nagpaka-martyr sya rito.

Samantala, makalipas ang isang linggo tuluyan nang gumaling si Elara, na siyang pinagpasalamat ni Calliope, at nakauwi na rin sila sa mansyon kung saan muling umusbong ang galit ni Calliope.

Galit para sa mga alaala ng pagiging martyr ng asawa niya at pagiging tanga pagdating kay Kael. 

“Manang Neneta, pakibantayan muna si Elara, matutulog muna ako,” bilin nya sa matanda at pumanhik na sa kwarto nila ni Kael.

Binagsak ni Calliope ang sarili sa napaka lambot na kama at sa sandaling yun doon niya lamang naramdaman ang pagod at matinding antok na tiniis niya sa hospital upang bantayan ang anak. 

Samantala, napabuntong hininga naman si Neneta habang minamasdan si Elara.

“Swerte mo na kay Ma'am Cali, sobrang maalagain na Ina, pero bakit kailangan pang magtiis ng mommy mo na bantayan ka mag-isa e nandyan naman ang daddy mo, diba? Nakakaawa talaga si Ma'am Calliope; sana Elara matutunan mo rin na mahalin ang mommy mo kagaya ng pagmamahal niya sayo,” marahan na bulong ni Neneta sa alaga.

Makalipas ang limang oras nagising si Calliope dahil sa lakas ng tunog ng alarm clock niya. Inayos niya ang kanyang sarili at agad na lumabas ng kwarto; nakasalubong niya pa si Manang Neneta na tila kakatapos pa lang maglinis.

“Manang Neneta, nasa si Elara? ” 

“Kasama po ni Sir Orion,” sagot ng ginang.

“Anong oras dumating si Kael, Manang? ” taas kilay nyang tanong.

“Bandang alas dos po ng hapon, agad nya pa po na inaya si Elara na kumain sa labas. Nais nyo po ba na sumunod sa kanila, ma'am, Calli? ” 

“Hindi na, hayaan mo sila,” sagot ni Calliope at agad na dinial ang number ng asawa; naka-ilang beses pa itong ring bago tuluyang sagutin.

“Wala si Orion dito, sinamahan si Elara sa washroom, may kailangan ka? ” 

Napakagat ng pang-ibabang labi si Calliope at pinipigilan ang sarili na sagutin ang babae sa kabilang linya; agad niya ring pinatay ang tawag at napa kuyom ang kamao.

Napapikit pa si Calliope upang pakalmahin ang sarili; ang lalaking pinakasalan niya kahit tutol ang ama niya ay tila mali; maling lalaki ang napili niya. Maling lalaki ang pinakawalan niya ng mga sagradong pangako sa harap ng altar.

At ang lalaking dahilan kung bakit tinalikuran niya ang pagmemedisina ay siyang rason kung bakit durog na durog ang puso niya. Ang isang cold-hearted zillionaire na si Orion Kael Almazan ang sumira ng mga pangarap niya.

Naalala pa niya ang araw ng mismong kasal niya; muli siyang tinanong ng ama niya kung sigurado ba siya kay Kael at kung hindi ito magsisi sa huli.

Mapait na ngumiti si Calliope. “Don't worry, Pa, hinding hindi ako magsisi,” yan mismo ang ni Calliope sa ama.

Sagot na sana pala ay hindi niya na pinakawalan pa, sapagkat tila lahat ng meron sya ay isinuko nya para sa lalaking kailanman hindi makita ang halaga nya.

Tila bumalik sa ala-ala ni Calliope ang mga nakaraan kung saan dapat hindi siya nagpa dalos-dalos ng desisyon.

Naalala pa ni Calliope kung paano niya nahuli ang asawa na nagloloko. 

Dalawang taon na ang nakakalipas ng mahuli niya si Kael sa kwarto ng kanilang anak na si Elara, lihim nitong pinapa-kausap sa anak ang first love niyang si Amelia. Hindi lingid sa kaalaman ni Calliope ang past ni Amelia at Kael, ngunit para sa kanya malaking insulto iyon dahil pati anak niya dinadamay nila sa panloloko.

“Sana pala noon pa ay natauhan na ako, bakit kailangan ko pang maranasan ito ng sobrang tagal? ” mapaklang usal ni Calliope sa sarili.

Sinampal lang sya ng reyalidad ng sandaling isugod nya ang anak sa hospital, nagsisi sya sa pagpapakasal nya kay Kael. Nagsisi sya sa padalos-dalos nyang desisyon.

Kaya naman, dumating na ang punto na sarili nya naman muna ang uunahin nya, sarili nya naman muna ang mahalin nya. Dahil na-realize niya na ang pakasalan ang lalaking hindi ka naman mahal ay magsasanhi ng relasyong hindi kailanman pinangarap ni Calliope, ang pagsasama nila tila isang pilit na kontrata kung saan may schedule kung kailan sila magtatalik.

“Nakakasakal na… ang pagpapakasal sa lalaking walang pakialam sa asawa ay parang isang torture sa babae,” saad ni Calliope.

Nabalik lang sa ulirat si Calliope ng sandaling mag-vibrate ang cellphone niya. Nakita niya ang isang email ng university na pinag-applyan niya kanina.

University na noon pa ay pangarap niya nang makapag-aral. Kaya naman excited siyang pumunta sa third floor kung saan ang study room niya upang basahin ang nakapaloob sa email.

“D-Damn, this email was sent from the laboratory department of a top medical university worldwide,” nanginginig pang sabi ni Calliope.

Marahan nyang hinimas-himas ang kanyang sarili at halos maluha sya dahil sa wakas ma ipagpapatuloy niya na ang pangarap nyang naudlot noon.

Ang pangarap niyang maging doktor, ang pangarap nila ng papa niya.

Napapikit si Calliope ng mata at bumulong. “Pa, tama ka, mas magandang unahin ang pangarap kesa sa pagkakaroon ng pamilya. Thank you for reminding me always.” 

Napangiti pa si Calliope nang umecho ang boses ng papa niya nang huli nilang pagkikita. “Ang aking prinsesa ay hindi dapat maging useless na tao. You must become my pride, Calliope. Kahit kasal ka na, huwag mo pa rin isuko ang pag-aaral; that's the only weapon you have someday! ” 

Sa loob ng anim na taon sinikap ni Calliope na makumpleto ang lahat ng kailangan niyang matutunan na lihim na pinagkatiwala sa kanya ng kanyang ama na kahit isa ay walang nakakaalam.

“Panahon na para ipakita ang bagong Calliope sa harap ng mga taong umabuso sa kabaitan ko,” nakangising sabi ni Calliope habang nagtitipa sa computer.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • PRESCRIPTION FOR REVENGE: THE ZILLIONAIRE'S HUMBLE PLEA   CHAPTER 13

    However, nanatiling tahimik si Calliope nang hindi makasagot si Kael hanggang sa bigla na lamang itong naubo.“I’ll hang up now, Amelia. Take care,” si Kael na Ang bumasag sa katahimikan sa loob ng kwarto.“Okay then, I'll wait for you, Kael," malambing na sabi ni Amelia na ikinangiwi ni Calliope. "Bye, Elara. I love you."“I love you too, Tita Amelia. Bye."Listening to her daughter's intimate interaction with Amelia, Calliope felt a sharp pain in her chest and could hardly breathe. When she pushed open the door, a smile had already appeared on her face."Elara.""Mom, Dad, and I are going abroad for a trip. Do you want to come with us?" Elara asked earnestly, tilting her little face up.In Elara’s little heart, she hoped that everyone who was kind to her and loved her would play with her."Elara, Mommy and Daddy are going to talk for a bit. Can you go play in the toy room first?" Calliope asked, rubbing her daughter's head.Elara nodded her little head. "Okay!" After saying that, sh

  • PRESCRIPTION FOR REVENGE: THE ZILLIONAIRE'S HUMBLE PLEA   CHAPTER 12

    Calliope felt a pang in her heart. Although she no longer cares about her husband and she doesn't love him anymore. Anger still lingered.This time, hindi na makakapayag pa si Calliope na isama ni Kael ang anak nilang si Elara sa US at hindi siya makakapayag na mapalapit lalo ang loob nito kay Amelia at ma brainwash ang anak niya ng kiridang yon.Nang sumapit ang gabi, napangiwi si Calliope nang makita niya si Kael na nasa dining area at kumakain kasama ang anak niya; hindi niya nais makasabay ang asawa na kumain, kaya nanatili siyang naroon lang sa may pinto kung saan tanaw na tanaw niya ang nakangiting si Elara.“Mommy, come here and join us! ” nakangiting pag-aya sa kanya nang anak nya nang sandaling mapatingin ito sa gawi niya.Wala nang nagawa si Calliope kundi lumapit sa hapag kainan; tumabi siya kay Elara at malayo sa asawa.“What are you doing? Bakit dyan ka umupo? ”Puna ni Kael sa kanya.Pekeng ngumiti si Calliope. “Bawal ba akong tumabi sa baby ko? Baby, oh ayaw nang daddy m

  • PRESCRIPTION FOR REVENGE: THE ZILLIONAIRE'S HUMBLE PLEA   CHAPTER 11

    On the next 3 days, Calliope's relationship with her daughter Elara improved considerably. After all, pinalaki nya ang anak nya nang may mabuting asal at mabuting puso simula pagkabata nito. Natuon man sa iba ang pagmamahal ng kanyang anak, ngunit hindi naman mababago ang katotohanan na hindi mabilis mawala ang pagmamahal ng isang bata sa kanyang ina. As long as consistent si Calliope pagsuyo sa anak nya at persistent siyang makuha ulit ang loob nito ay sigurado naman sya na babalik at babalik ang tiwala sa kanya nang kanyang anak.On Friday, halos buong maghapon na nagkulong si Calliope sa kwarto nya sa third floor dahil tinatapos nya ang pagsusulat ng kanyang proposal. Ngunit nang makaramdam siya nang uhaw ay sandali siyang bumaba sa first floor para kumuha ng tubig ng madatnan niya ang asawa na gumagawa ng tea.Hindi na lamang ito pinansin ni Calliope, ngunit humarap sa kanya si Kael na nakataas ang kilay.“Still Angry? ”tanong ni Kael at bakas sa boses nito na hindi ito natutuwa s

  • PRESCRIPTION FOR REVENGE: THE ZILLIONAIRE'S HUMBLE PLEA   CHAPTER 10

    Nang makauwi si Primo, doon lamang nakahinga ng maluwag si Calliope; tinungo niya ang silid ng kanyang anak at nakita itong tila nababagot kakahintay sa kanya.Nakasimangot na tumingin sa kanya si Elara. “Mommy, bakit po antagal mo? I'm so dirty na, please take me to the bathroom and wash my body na po,” malambing na turan ni Elara kay Calliope.Tumango naman si Calliope and iginiya ang anak nya sa banyo.Nang matapos niyang paliguan ang anak ay agad din itong nakatulog dahil sa pagod kakalaro, kaya naman pasado alas nueve y media ay nagsimula na si Calliope sa dapat niyang aralin; hindi niya na rin inalala pa ang asawa kahit batid niyang umalis muli ito nang bahay.Halos yakapin nya ang sarili nang sa wakas ay masatisfied siya sa experiment plan nya for research purposes. Masaya sya na hindi niya ito sinukuan; hindi niya sinukuan ang pangarap niya maging doctor. However, in order to be a good wife all these years, she hid from her husband about her plan dahil alam niyang hindi papay

  • PRESCRIPTION FOR REVENGE: THE ZILLIONAIRE'S HUMBLE PLEA   CHAPTER 9

    Napataas ang kilay ni Calliope sa winika ni Primo; hindi siya makapaniwala sa itinuran nito. Kilala niya si Primo; loyal siyang bestfriend pagdating sa asawa niyang si Kael, kaya palaisipan sa kanya ang tinuran nito.“Are you drunk? Or maybe you’re challenging me dahil inutusan ka ni Kael? Sinusubukan nito kung papatulan ba kita o hindi? Hoy, pakisabi dyan sa bestfriend mong hilaw na hindi ako kagaya niya na kahit alam na nang buong mundo na may asawa na siya, nagagawa nya pa rin i-public ang relasyon nila ng kabit nyang higad.”Tinitigan ni Calliope si Primo matapos niyang sabihin yun; hindi nagbabago ang expression nito habang seryusong nakatitig lamang sa mukha niya. “Hoy Primo, may dumi ba ako sa mukha? ”Itinaas ni Primo ang dalawang kamay nito ng bahagyang hampasin ni Calliope ng mahina ang braso niya. “W-What? Is there something wrong? ” aligagang tanong ni Primo sa kanya.Calliope smirked and raised her eyebrows for the second time. “Sinasabi ko na nga ba, Wala ka sa hulog, la

  • PRESCRIPTION FOR REVENGE: THE ZILLIONAIRE'S HUMBLE PLEA   CHAPTER 8

    Sumilay ang ngiti ni Calliope sa labi habang nakatingin sa kamay ni Primo na nakahawak sa braso niya.“Ikaw? Ano rin sa tingin mo ang ginagawa mo ngayon, Primo? Are you trying to be her hero? Do you have a special feeling for her? ” tanong ni Calliope. Dahan-dahan naman na tinanggal ni Primo ang kamay niya at napaiwas ng tingin, namumula rin ang tenga nito, halatang napahiya.“I just want to avoid attention, you know that Amelia is popular, and she's Orion's friend. You think when Orion finds out that you're fighting with her, he'll just ignore you? No, he's going to be mad with you, and he can hurt you physically.” seryoso ngunit may bahid na pag-aalala na sabi ni Primo.Marahas naman na tinulak ni Calliope si Amelia at malamig na tinitigan ito bago muling humarap kay Primo.“Akala mo matatakot ako? I'm not afraid of him anymore, Primo. Kaya, mind your own business; kung hindi, iisipin kong may relasyon kayo nitong higad na to.” Saad pa ni Calliope.Napaawang naman ang labi ni Primo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status