Share

CHAPTER 6

Author: NAOKIS
last update publish date: 2026-02-12 16:21:33

Samantala, habang nakaupo si Calliope sa loob ng study room niya at nakaharap sa laptop niyang kanina pa nakabukas at hinihintay na lang siyang galawin ito, hindi maiwasan ni Calliope ang alalahanin ang araw nang siya ay makapagtapos ng medisina.

Isang buwan pa lamang ang nakararaan at sariwang-sariwa pa sa isip ni Calliope ang lahat, maging ang pakiramdam ay ramdam niya pa rin. Ang palakpakan ng mga taong naroroon habang nakatingin sa kanya nang may paghanga sa mga mata habang binabahagi nga sa lahat ang speech niya ay sobrang sarap sa pakiramdam. Ni minsan, hindi pa naranasan ni Calliope ang pagtuunan sya ng pansin habang nagsasalita. 

Ngunit ng pasukin niya ang mundo ng pagme-medisina, tila binago siya nito; ang dating invisible na asawa ay naging isa sa pinakamagaling sa larangan ng medicine. Maraming humanga kay Calliope, at nang araw din na yun maraming nais na kumuha sa kanya upang doon ipagpatuloy ni Calliope ang journey niya as a doctor.

Malalaking hospital ang nag-aagawan upang makuha ang loob ni Calliope; may mga kompanya rin na nais siyang kunin na personal doctor at may mga pharmacist na nais siyang kunin na specialist.

Gayunpaman, ni minsan hindi nya nabanggit ang pakiramdam at karanasan na yun sa iba, kahit sa sarili nyang asawa. Sa mata ng mga tao rito sa mansyon at sa mata ng mga taong nakakakilala sa kanya bilang Mrs. Almazan, isa lang syang asawang palaging nasa loob ng mansyon at walang ibang alam kundi ang makipagtalo sa asawa niyang si Kael.

Habang ang asawa nyang si Kael naman ay magaling na talaga magpalago ng negosyo noon pa man. Sa edad na deso-otso, nakilala na si Kael bilang top consultant ng Ateneo Manila. At sa edad na bente-tres, siya na ang nag-manage ng kompanyang kasalukuyang kinikilala na best company dahil sa galing niyang mamalakad… kaya maraming nagsasabi na hindi nababagay si Calliope para kay Kael.

Gayunpaman, nakaramdam sya ng hinagpis sa binalita sa kanya ng kaibigan; ayaw niyang masayang ang lahat ng pinaghirapan nya. Nagsikap syang matapos ang pagmemedisina dahil sa anak nyang si Elara kaya hindi sya makakapayag na kunin na lang sa kanya basta basta ang sarili niyang anak.

Halos isang oras si Calliope na tulala sa harap ng laptop niya at pilit pa rin pinoproseso ang text ng kanyang kaibigan. Handa na rin siyang sugurin ang asawa anumang oras ngunit pinipigilan niya lang ang sarili na makagawa ng ikakasira ng reputasyon niya.

Nabalik lang sya sa reyalidad ng biglang tumunog ang cellphone nya. Tumatawag ang kaibigan niyang si Irish.

[“Calliope! Nasa labas ako ng mansyon niyo, may kailangan lang akong iklaro! ”] Nailayo ni Calliope ang cellphone niya ng pasigaw na nagsalita ang kaibigan sa kabilang linya.

Walang gana rin siyang nagtungo sa labas, nang makita niya ang kaibigan ay agad niya itong niyakap.

“I don't know what to do, Irish! ” pag-amin nya sa kaibigan at hindi na mapigilan na maiyak.

“H-Hey, hear me out, okay? Namali ako, sorry! Maling akala talaga yun, Calli! ” nakanguso pang sabi ni Irish.

Bahagya naman na napa-ayos ng tayo si Calliope at tinignan ng mabuti ang kaibigan.

“Anong ibig mong sabihin? Saan ka namali? ” 

“Sa text ko, hindi naman talaga pala ikakasal yun or whatever! Sorry,” napaawang ang labi ni Calliope at malakas nyang tinampal ang balikat ni Irish.

“Bwisit ka rin ano? Talagang pinatagal mo pa ng isang oras para bawiin yun? Tinagurian ka pa naman na pinakamagaling na abogado, pero false information ang binigay mo sakin! ” Singhal nya pa…

Nag peace sign naman si Irish at napakamot pa ng ulo. “Sorry na, medyo lutang lang ako kanina.”

“Tsk, e kung hindi dahil yun don, e bakit magkasama ang dalawa? ” 

Iginiya ni Calliope si Irish papasok ng mansyon habang naghihintay ng sagot. Inutusan niya rin ang nadatnan niyang katulong na maghanda ng maiinom nila.

“Actually, may client meeting kasi ako today, and I didn't expect to see them sa private room at may mga foreign business man na kausap, katabi ni Kael ang bruhildang kabit, nakahawak pa sa bewang ang asawa mo, nakakainis! Kulang na lang sugurin ko sila at sampahan sila ng kaso na R.A. 9262 (VAWC) at Concubinage (Art. 334 of the Revised Penal Code). What do you think, Calliope? ” 

Nanatili naman na tahimik si Calliope hindi dahil hindi siya nakikinig kundi dahil na-touched siya sa sinabi ng kaibigan. Hindi kasi showy ang kaibigan niya, at hindi rin ganito ka daldal, ngunit pagdating sa kanya sobrang protective, bagay na ikinatuwa ng puso niya.

“Saka na, Irish. Ang mahalaga hindi nila kukunin sakin si Elara dahil ibang usapan na yan. Hayaan mo na sila kung anong gawin nila,” malumanay na sabi ni Calliope.

Sunod sunod naman na kumurap si Irish at hinawakan pa ang noo ni Calliope at ang leeg nito. 

“W-Wala ka namang sakit, anong nangyari sayo? Sinong humampas ng bonggang bongga sa ulo mo para ganyan na lang kung maka-react? Hindi ikaw yan, Calli! Alam kong hindi ikaw yan! Ilabas mo si Calli, kung sino ka man na sumapi sa katawan ng martyr na babae na to! ” Hinampas-hampas pa ni Irish ang ulo ni Calliope…pinigilan naman ito ni Calliope at inirapan.

“Mukha mo! Anong akala mo sa mansyon na ‘to, haunted house? E kung pahipakin kita ng gamot sa kabaliwan mo? ” mataray pa na sabi ni Calliope sa kaibigan.

“Wow, okay ka lang talaga? Don't worry, Calli! Alam kong mamahalin ka rin ni Kael, now not but…never! ” Humagalpak pa ng tawa si Irish habang sinasabi yun.

Sumama naman ang timpla ng mukha ni Calliope, hindi dahil sa sinabi ni Irish kundi dahil sa ingay nito na sanhi nang pagtinginan ng mga katulong na naroon lang sa malapit sa kanila.

“Manahimik ka nga! Alalahanin mo abogado ka, dapat serious mood ang atake mo, hindi mukhang tambay sa kanto kung makatawa, nagmumukha ka ng cheap na abogado.”

“Hoy, yang bunganga mo, Calliope! Cheap ka dyan! Baka gusto mong kasuhan kita, umayos ka.”

“Sige, kasuhan mo at sisiguraduhin kong kapag nagkasakit ka walang tatanggap sayo na hospital para gamutin ka, banned ka tamo.” Namutla naman ang mukha ni Irish at kumurap-kurap pa.

“Wag ganon, best! Mas importante ang health kesa sa iba! Kaya, sana ma-adopt mo sa sarili mo lahat ng natutunan mo d'yan sa pagme-medicine mo, okay? Ang sabi ng doctor, take care of your health before anything else? Kaya bago mo alalahanin yang manloloko mong asawa, unahin mong alalahanin yang sarili mo para hindi tuluyang mabaling sa iba ang atensyon ni Elara. Look at you, malapit ka ng malosyang.”

Sandali naman na natigilan si Calliope at bigla siyang natahimik, tila muli siyang hinampas ng malaking kahoy sa ulo dahil sa sinabi ni Irish.

Ni minsan, hindi nya magawang ma-treat ang sarili nya, hindi nya magawang ayusan o bilhan ng bagong damit. 

“Time to treat yourself right, Call. Palagi ko naman sinasabi yan sayo, right? You deserve that; gusto mo ako pa bumili ng mga needs mo at mukhang hindi ka naman binibyan ng pera ni Orion.” 

“No need, I have my own money. I don't need to rely on him my own needs.” 

Totoo naman ang sinabi nya, may sarili syang pera na naipon nya habang nag-aaral siya noon; ni minsan hindi niya ito ginagalaw, for emergency needs lang talaga yun.

“Kaya siguro hindi ako magawang isama ni Kael sa mga meeting niya dahil nagmumukha na akong Lola, ano? ” mapaklang niyang sabi sa kaibigan.

Para kasi kay Kael, hindi siya presentable na isama sa mga gatherings; kabit niyang si Amelia ang presentable para sa kanya.

Amelia is an internationally renowned pianist, a darling of the fashion world, and a spokesperson for the jewelry industry—any one of these qualities makes Orion Kael Almazan stand out.

“Walang ganon, Calliope! Alam mo, binibiro lang kita, okay? Hindi ka losyang! Ang kailangan mo lang ay matinding pag-aalaga sa sarili, kaya samahan mo ako sa spa sa Saturday. Mag shopping din tayo, nakakamiss yung bonding natin! At alam mo bang gusto kang ma-meet ni Hanz, yung puppy love mo at first love mo?” 

“Sayo na lang yan, hindi pa nga nahihilom yung puso ko benebenta mo na ako sa iba.” 

“Grabe sa benebenta te, tunog bugaw ako dyan aba, umayos! ” Pareho silang natawa sa sagot ni Irish.

Nagpatuloy pa ang pag-aasaran nila hanggang sa hindi nila namalayan na naroon na pala si Kael sa harap nila.

“O-Oh, nandyan na pala ang asawa mo,” sarkastikong sabi pa ni Irish.

Lihim naman na napangiwi si Calliope. 

“Ang aga mo naman yatang umuwi? May naiwan ka ba? ” tanong nya sa asawa.

Umiling naman sa kanya si Kael at nagsalita. “You need to come with me.” 

“Bakit naman? Ano na naman ang kailangan mo sa akin? ” 

“What? Saan nangga-galing yang sagot mo, Calliope? Samahan mo akong mamili ng susuutin ko sa mascara party for next day.” 

Napasipol naman si Irish habang pinapanood ang dalawa na nagsusukatan ng tingin.

“Sama ka na, Calli, aalis na rin ako,” singit pa ni Irish at tuluyan nang umalis.

Samantalang ayaw naman magpatinag ni Calliope, tinatamad siyang lumabas at ayaw niya rin na makasama si Kael nasusura lang siya sa mukha nito.

Ngunit napangisi siya nang may maisip siyang siguradong ikaka-excite niya sa pamimili.

“Fine, sasamahan kita pero sasamahan mo rin akong mamili ng bagong damit at make up.” 

Napataas naman ang kilay ni Kael. “Bakit? Para saan naman? ” Tanong pa nito sa kanya.

“Because I want to,” sagot ni Calliope.

“Are you planning to seduce me, Calliope? ” Agad naman na umiling si Calliope at dahan-dahan na lumapit sa lalaking nasa likod ni Kael at kanina pa nakikinig sa usapan nila.

“But I think I have a reason to make myself sexy and seductive because I have a target now,” nakangising sabi pa ni Calliope sabay hawak sa panga ni Primo. Ang matalik na kaibigan ni Kael.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • PRESCRIPTION FOR REVENGE: THE ZILLIONAIRE'S HUMBLE PLEA   CHAPTER 13

    However, nanatiling tahimik si Calliope nang hindi makasagot si Kael hanggang sa bigla na lamang itong naubo.“I’ll hang up now, Amelia. Take care,” si Kael na Ang bumasag sa katahimikan sa loob ng kwarto.“Okay then, I'll wait for you, Kael," malambing na sabi ni Amelia na ikinangiwi ni Calliope. "Bye, Elara. I love you."“I love you too, Tita Amelia. Bye."Listening to her daughter's intimate interaction with Amelia, Calliope felt a sharp pain in her chest and could hardly breathe. When she pushed open the door, a smile had already appeared on her face."Elara.""Mom, Dad, and I are going abroad for a trip. Do you want to come with us?" Elara asked earnestly, tilting her little face up.In Elara’s little heart, she hoped that everyone who was kind to her and loved her would play with her."Elara, Mommy and Daddy are going to talk for a bit. Can you go play in the toy room first?" Calliope asked, rubbing her daughter's head.Elara nodded her little head. "Okay!" After saying that, sh

  • PRESCRIPTION FOR REVENGE: THE ZILLIONAIRE'S HUMBLE PLEA   CHAPTER 12

    Calliope felt a pang in her heart. Although she no longer cares about her husband and she doesn't love him anymore. Anger still lingered.This time, hindi na makakapayag pa si Calliope na isama ni Kael ang anak nilang si Elara sa US at hindi siya makakapayag na mapalapit lalo ang loob nito kay Amelia at ma brainwash ang anak niya ng kiridang yon.Nang sumapit ang gabi, napangiwi si Calliope nang makita niya si Kael na nasa dining area at kumakain kasama ang anak niya; hindi niya nais makasabay ang asawa na kumain, kaya nanatili siyang naroon lang sa may pinto kung saan tanaw na tanaw niya ang nakangiting si Elara.“Mommy, come here and join us! ” nakangiting pag-aya sa kanya nang anak nya nang sandaling mapatingin ito sa gawi niya.Wala nang nagawa si Calliope kundi lumapit sa hapag kainan; tumabi siya kay Elara at malayo sa asawa.“What are you doing? Bakit dyan ka umupo? ”Puna ni Kael sa kanya.Pekeng ngumiti si Calliope. “Bawal ba akong tumabi sa baby ko? Baby, oh ayaw nang daddy m

  • PRESCRIPTION FOR REVENGE: THE ZILLIONAIRE'S HUMBLE PLEA   CHAPTER 11

    On the next 3 days, Calliope's relationship with her daughter Elara improved considerably. After all, pinalaki nya ang anak nya nang may mabuting asal at mabuting puso simula pagkabata nito. Natuon man sa iba ang pagmamahal ng kanyang anak, ngunit hindi naman mababago ang katotohanan na hindi mabilis mawala ang pagmamahal ng isang bata sa kanyang ina. As long as consistent si Calliope pagsuyo sa anak nya at persistent siyang makuha ulit ang loob nito ay sigurado naman sya na babalik at babalik ang tiwala sa kanya nang kanyang anak.On Friday, halos buong maghapon na nagkulong si Calliope sa kwarto nya sa third floor dahil tinatapos nya ang pagsusulat ng kanyang proposal. Ngunit nang makaramdam siya nang uhaw ay sandali siyang bumaba sa first floor para kumuha ng tubig ng madatnan niya ang asawa na gumagawa ng tea.Hindi na lamang ito pinansin ni Calliope, ngunit humarap sa kanya si Kael na nakataas ang kilay.“Still Angry? ”tanong ni Kael at bakas sa boses nito na hindi ito natutuwa s

  • PRESCRIPTION FOR REVENGE: THE ZILLIONAIRE'S HUMBLE PLEA   CHAPTER 10

    Nang makauwi si Primo, doon lamang nakahinga ng maluwag si Calliope; tinungo niya ang silid ng kanyang anak at nakita itong tila nababagot kakahintay sa kanya.Nakasimangot na tumingin sa kanya si Elara. “Mommy, bakit po antagal mo? I'm so dirty na, please take me to the bathroom and wash my body na po,” malambing na turan ni Elara kay Calliope.Tumango naman si Calliope and iginiya ang anak nya sa banyo.Nang matapos niyang paliguan ang anak ay agad din itong nakatulog dahil sa pagod kakalaro, kaya naman pasado alas nueve y media ay nagsimula na si Calliope sa dapat niyang aralin; hindi niya na rin inalala pa ang asawa kahit batid niyang umalis muli ito nang bahay.Halos yakapin nya ang sarili nang sa wakas ay masatisfied siya sa experiment plan nya for research purposes. Masaya sya na hindi niya ito sinukuan; hindi niya sinukuan ang pangarap niya maging doctor. However, in order to be a good wife all these years, she hid from her husband about her plan dahil alam niyang hindi papay

  • PRESCRIPTION FOR REVENGE: THE ZILLIONAIRE'S HUMBLE PLEA   CHAPTER 9

    Napataas ang kilay ni Calliope sa winika ni Primo; hindi siya makapaniwala sa itinuran nito. Kilala niya si Primo; loyal siyang bestfriend pagdating sa asawa niyang si Kael, kaya palaisipan sa kanya ang tinuran nito.“Are you drunk? Or maybe you’re challenging me dahil inutusan ka ni Kael? Sinusubukan nito kung papatulan ba kita o hindi? Hoy, pakisabi dyan sa bestfriend mong hilaw na hindi ako kagaya niya na kahit alam na nang buong mundo na may asawa na siya, nagagawa nya pa rin i-public ang relasyon nila ng kabit nyang higad.”Tinitigan ni Calliope si Primo matapos niyang sabihin yun; hindi nagbabago ang expression nito habang seryusong nakatitig lamang sa mukha niya. “Hoy Primo, may dumi ba ako sa mukha? ”Itinaas ni Primo ang dalawang kamay nito ng bahagyang hampasin ni Calliope ng mahina ang braso niya. “W-What? Is there something wrong? ” aligagang tanong ni Primo sa kanya.Calliope smirked and raised her eyebrows for the second time. “Sinasabi ko na nga ba, Wala ka sa hulog, la

  • PRESCRIPTION FOR REVENGE: THE ZILLIONAIRE'S HUMBLE PLEA   CHAPTER 8

    Sumilay ang ngiti ni Calliope sa labi habang nakatingin sa kamay ni Primo na nakahawak sa braso niya.“Ikaw? Ano rin sa tingin mo ang ginagawa mo ngayon, Primo? Are you trying to be her hero? Do you have a special feeling for her? ” tanong ni Calliope. Dahan-dahan naman na tinanggal ni Primo ang kamay niya at napaiwas ng tingin, namumula rin ang tenga nito, halatang napahiya.“I just want to avoid attention, you know that Amelia is popular, and she's Orion's friend. You think when Orion finds out that you're fighting with her, he'll just ignore you? No, he's going to be mad with you, and he can hurt you physically.” seryoso ngunit may bahid na pag-aalala na sabi ni Primo.Marahas naman na tinulak ni Calliope si Amelia at malamig na tinitigan ito bago muling humarap kay Primo.“Akala mo matatakot ako? I'm not afraid of him anymore, Primo. Kaya, mind your own business; kung hindi, iisipin kong may relasyon kayo nitong higad na to.” Saad pa ni Calliope.Napaawang naman ang labi ni Primo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status