CALESSIAPilit kong nilunok ang sakit na parang umakyat hanggang sa ulo ko.Kumirot ang sugat ko. Parang mabibiyak ang ulo ko.Pero hindi ako puwedeng magpadala sa sakit. Kailangan kong mahanap ang kahon na ’yon.Pinahid ko ang luha gamit ang likod ng kamay ko, saka ko hinaplos ang pisngi ko, sinisigurong walang bakas ng kahinaan.Kailangan wala.Kailangan hindi nila makita.Paglabas ko ng elevator, diretso akong naglakad. Hindi lumilingon, parang walang ibang napapansin sa paligid.“Ms. Calessia, saan po kayo pupunta?” narinig kong tanong.Hindi ako tumigil.Walang pagdadalawang-isip akong lumabas.“Ms. Calessia, ang sugat niyo po, umuulan—”Kahit naririnig ko ang mga boses sa likod ko, nagbingi-bingihan ako. Pinili kong huwag pansinin ang kahit sino.Napangiwi ako nang bahagya, pero hindi ako huminto nang sinalubong ako ng malamig na hangin at malakas na ulan.Ilang segundo lang, nabasa na ang buhok ko, ang damit ko, pati ang balat kong kanina pa nanginginig sa pinipigil na emosyon.
Read more