Nakuyom ko ang mga kamay ko sa gilid ng hita ko. Hindi ko alam kung yuyuko ba ako o iiwas ng tingin.“Anong ginagawa mo po, sir…” nauutal kong sabi. Gusto ko siyang itulak, pero naduduwag ako nang umangat ang sulok ng labi niya kasabay ng unti-unting pagliit ng distansya namin hanggang ramdam ko na ang init ng hininga niya sa mukha ko.Nalalanghap ko na rin ang amoy niya. Mabango. Parang citrus na bagong hiwa. Presko, malinis, amoy mamahalin.“Don’t move,” malalim ang boses niya. Madiin, parang tinatanim sa tainga ko.Bumilis ang tibok ng puso ko at sinunod ko ang utos niya. Hindi ako gumalaw. Ni hindi ako kumurap.Ilang beses na kaming nagkalapit nang ganito. Ilang beses na rin niya akong tinitigan, mas matindi pa, mas matalim. Pero ngayon lang tumitibok nang ganito kalakas ang puso ko, sa puntong parang naririnig ko na.Umangat ang kamay niya. Parang balak niya akong hawakan. Ngunit bago pa man lumapat ang palad niya, huminto siya, ikinuyom ang kamay, at saka huminga nang malalim.Ba
Read more