Hindi ko inasahan na sa lugar na ’yon niya ako dadalhin.Sa kotse pa lang, nakita ko na ang malawak na gusali ng Manila Ocean Park.“Bakit dito mo ako dinala?” tanong ko nang makababa kami ng kotse. Nakatutok ang mata ko sa entrance ng gusali.“You like fish,” sagot niya, kasabay ng mabilis na paglalakad.Napaawang ang labi kong sumunod sa kanya. Paano niya nalaman na mahilig ako sa isda?Nang makapasok kami, tumambad ang higanteng aquarium. Halos sakupin nito ang isang buong pader. Daan-daang isda ang sabay-sabay na dumaan sa harap ko. May kulay kahel, may pilak, may tila kumikislap na asul. Para akong batang tuwang-tuwa sa nakikita. Hindi ko mapigil ang ngiti ko.“Wow…” bulong ko, hindi ko na alintana kung naririnig ba ako ni Marc. Dito niya ako dinala, kaya hindi naman siguro masamang maging masaya ako kahit ngayon lang, kahit sandali lang.Hindi siya nagsasalita, pero ramdam kong nasa likod ko siya.Lumipat ako sa kabilang bahagi ng salamin. Kapag malapit kasi siya, parang hindi
Read more