ホーム / Romance / Hired to Serve, Forbidden to Love / Chapter 31 — A Dangerous Taste

共有

Chapter 31 — A Dangerous Taste

作者: sweetjelly
last update 公開日: 2026-03-15 01:41:53

Calessia

Pagbalik namin sa ICU, tahimik na ulit ang buong floor.

Hindi na kagaya kanina na may mga nurse na naglalakad at may maririnig kang mahihinang usapan sa station.

Ngayon, halos kontrolado na ang lahat ng galaw. Maliwanag pa rin ang ilaw sa hallway, pero parang mas lumamig ang buong paligid.

Siguro dahil hindi na hawak ni Marc ang kamay ko. Kaya ramdam ko na ang lamig.

Paglabas namin ng elevator, cellphone na niya ang hawak. May kung ano siyang binabasa habang naglalakad.

Ako ang naunan
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター
コメント (1)
goodnovel comment avatar
Nan
Kalaban na naman ang humaharang sa kanila,paano nila yan maiwasan,dilikado na hindi nila alam kong sino ang kanilang kalaban
すべてのコメントを表示

最新チャプター

  • Hired to Serve, Forbidden to Love   Chapter 45—Not Yours to Touch

    Napigil ko ang hininga ko. Parang natutuyo rin ang lalamunan ko. Ni ang laway ko, hindi ko malunok.Hindi ko rin alam kung saan ko dapat ituon ang mga mata ko.Sa mukha niya ba?Sa zipper niya?O, sa sahig na gusto kong lamunin na ako.Napakurap ako nang marinig ko ang singhap niya.“Kaya mo naman pala… nagpatulong ka pa,” mahina kong sagot.Hindi ako umalis, pero ang mata ko, sa mga daliri ko sa paa, napako.Hanggang sa narinig ko ang mahinang tunog ng zipper. Hindi ko alam kung ibinaba o tinaas niya.Mas lalo akong napayuko.“Next time, don’t touch or meddle with things that aren’t yours.”Wala akong naisagot.Pero sa isip ko, pinagmumura ko siya. Kung hindi niya ako inutusan, hindi ko ’yon mahahawakan.At saka, alam ko namang hindi ’yon akin. Hindi kailanman magiging akin.“Calessia...”“Hmm?” sagot ko. Napapikit pa ako sandali bago ko inangat ang ulo ko.Pero hindi ako sa mukha niya tumingin. Sa balikat niya. Mas safe ’yon. Hindi ko nakikita ang ekspresyon niya.“Breathe. You look

  • Hired to Serve, Forbidden to Love   Chapter 44—Careful What You Touch

    CALESSIABawat hakbang ni Marc palapit, napapaurong din ako.Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses akong kumurap, baka sakaling mawala ang nagbabagang talim ng tingin niya.Hanggang sa hindi ko namalayang nasa likod na ako ni Lola.Doon ako nagtago. Ikinubli ang mga mata kong pilit niyang sinasalubong.Napahawak pa ako sa mga balikat ni Lola.“Come with me, Calessia…” Mababa ang boses niya, pilit na pinapakalma, pero bumabakas pa rin ang galit.Hindi ako kumilos. Napahigpit pa ang kapit ko sa balikat ni Lola nang makita kong umangat ang kamay niya.Gustong hawakan ako.“Marc!”Pumutok ang boses ni Lola sa pagitan namin. Hindi malakas, pero sapat para mapahinto siya.Hindi ko nakikita ang mukha ni Lola, pero alam kong tinaasan niya si Marc ng kilay.Kumurap-kurap si Marc, sinusubukang burahin ang maasim na ekspresyon sa mukha niya.“Bakit ka ganyan makatingin kay Calessia?” tanong ni Lola.Napalunok si Marc. Hinuhuli na naman ang mga mata ko habang pinipisil ang tiyan niya.“Masakit

  • Hired to Serve, Forbidden to Love   Chapter 43—His Weak Spot

    Pinilit kong pumantay sa bilis ng lakad ni Marc para hindi niya ako mahila habang napapalingon sa babaing iniwan namin na nakanganga pa rin.Nang tuluyan kaming makalayo, saka ko marahang iginalaw ang kamay ko.Namamawis na ako sa sakit.Doon lang siya napalingon sa akin. Niluwagan niya lang ang hawak sa kamay ko; hindi bumitiw.“Let’s just transfer to another restaurant,” sabi niya. Hindi lumingon sa akin.Nanahimik lang ako.Kaya lang, imbes na sa restaurant kami pumasok, sa isang fast food kami napunta.Hindi ko alam kung aware ba siya. Lutang siya, eh.Pagkaupo namin, saka lang siya napatingin sa paligid. Nanlaki ang mga mata niya.“Why are we here?” tanong niya, halatang hindi komportable sa dami ng tao.Nagkibit-balikat lang ako. “Sumusunod lang ako sa’yo.”Bigla siyang tumayo. Pero agad kong hinawakan ang kamay niya.“Nandito na rin lang tayo. Dito na lang tayo kumain. Gutom na rin ako.”Napilitan siyang umupo.Ako naman ang tumayo para um-order.Panay ang sulyap ko sa kanya hab

  • Hired to Serve, Forbidden to Love   Chapter 42 —Stuck With Him

    CALESSIANapasinghap ako nang magising akong mukha ni Marc ang bumungad sa akin. Nakalapat pa ang mga kamay ko sa mabuhok nitong puson.Bigla akong napapigil ng hininga. Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko, maingat ang bawat galaw para hindi siya magising.Mabuti na lang at mahimbing ang tulog niya.Unti-unting bumalik sa alaala ko ang ginawa ko kagabi.Uminom ako ng dalawang tableta ng sleeping pills, umaasang matatakasan ko siya kahit sandali.Pero mali pala.Mas naging madali para kay Marc na dalhin ako rito sa kwarto niya.Nang sa wakas ay naangat ko ang kamay ko, hinawi ko naman ang kumot sa katawan ko. Umusog ako palayo sa kanya. Halos hindi humihinga. Pero bigla siyang tumagilid at yumakap sa akin.Napahinto ako. Napigil ko na naman ang hininga ko.Napatingin ako sa mukha niyang malapit sa akin, saka sa braso niyang nakapatong sa tiyan ko.Hindi ko na alam kung paano ako makakaalis sa yakap niya nang hindi siya nagigising.Pikit-mata kong inangat ang braso niya para makaalis.

  • Hired to Serve, Forbidden to Love   Chapter 41 — Where You Belong

    MARCPagkatapos ng meeting, dumiretso ako sa bahay matapos kong makatanggap ng tawag na nandoon na si Lola.Pinabalik ko ang secretary ko sa opisina.Pagdating ko sa bahay, agad akong sinalubong ng mga staff. Sinabi nilang nasa kwarto na si Lola.Hindi na ako nagsalita. Dumiretso ako roon.Pagbukas ko ng pinto, agad napako sa akin ang tingin ng lahat.Nandoon si Lola, si Dr. Alvarez, si Dina, at si Calessia na agad ibinalik ang atensyon niya kay Lola.“Marc,” bati ni Dr. Alvarez habang isinasabit sa leeg ang stethoscope niya.Lumapit ako at pinisil ko ang balikat niya, pero ang tingin ko ay kay Calessia na.Inaayos niya ang kumot ni Lola bago ngumiti. “La, I’ll step out for a bit. You should rest.”Tumango si Lola at marahang tinapik ang kamay niya.Nang tumayo si Calessia, humakbang din ako palapit sa kanya. Sinadya kong salubungin siya.“Calessia…”Hinawakan ko siya sa balikat at walang pag-aatubiling hinalikan ko siya sa pisngi.Ramdam ko ang paninigas niya. Hindi siya gumalaw. Hind

  • Hired to Serve, Forbidden to Love   Chapter 40 —Giselle Merdula

    MARCNasa kalagitnaan ako ng executive meeting sa conference room ng kumpanya.Quarterly strategy review para sa expansion ng logistics division namin.Nandito ang core team. Ang CFO naming si Revaz, ang operations head na si Aragon, ang marketing director na si Melanie, at ilang senior managers na may hawak ng regional branches.Sa harap namin, naka-project ang presentation tungkol sa planong pagpasok sa dalawang bagong distribution hubs sa Visayas.Malinaw ang graphs at maayos ang projections.Pero wala roon ang isip ko.Paulit-ulit na bumabalik sa akin ang nangyari kanina.Ang hitsura ni Calessia. Ang galit sa mga mata niya habang binabato ako ng mga salita.Napahigpit ang hawak ko sa ballpen. Bahagyang umigting ang panga ko.Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at nagawa ko iyon sa kanya.Siguro dahil galit pa rin ako.Siguro dahil pinakialaman niya ang bagay na ayaw kong hinahawakan ng iba.“Sir?”Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko ang boses ng secretary ko sa gilid

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status