Blangko at walang kahit anong emosyon ang isinalubong sa kanya ng mukha ni Lia. Naalala niya ang nangyari sa paaralan noon, ganito rin ang naging mga bitaw ng salita ni Adrian, na parurusahan nito ang babae. Ngunit sa isang pagbabanta lang ng pagpapakamatay ni Wendy, mabilis pa rin itong tumakbo sa ospital para magsalin ng dugo. Ang tinatawag nitong parusa ay mas lalo lamang nagpapalakas ng loob ng demonyitang iyon. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Lia. “Kung paparusahan mo man siya o hindi, President Serano, usapan ninyo iyan ng nobya mo. Ang akin lang ay para ipaalala sa’yo, sa oras na magpakita ng kadungisan sa harap ko ang babaeng iyon, sisiguraduhin kong hindi lang dalawang sampal ang aabutin niya sa’kin. Kaya ko ding kumitil ng kung ano mang mahalaga sa kanya.” “Hindi na iyon mauulit, Lia... pleae, bantayan mo si Bunbun ngayon, baka sipunin siya dahil sa lamig ng tubig.”
Read more