LOGINSa pagkakarinig ng salitang iyon, tila ba bumalik ang enerhiya ni Adrian at marahas siyang napatayo mula sa kanyang silya.
Mabilis na nagbago ang timbre ng kanyang boses, naging mabilis, may panginginig, at puno ng umaapaw na pag-asa. “Anak ko ba si Bunbun? Siya ba ang munting prinsesa ko?”
Bahagyang natigilan ang assistant. Lumunok muna ito ng laway bago nag-atubiling sumagot sa isang mababang tono. “P-President... base po sa inilab
"Ano?!"Halos mailuwa ni Zoe ang puso niya sa gulat habang pabagsak na tumayo mula sa sofa. "Lili! Sinong may kasalanan sa 'yo?! Yung walanghiyang Adrian ba na naman na 'yan?!"Nanginginig ang boses ni Lia, bawat kataga ay may kalakip na pait. "Suot ni Wendy... suot niya yung wedding dress na dinesenyo ko, Zoe. Ginamit nila nang walang pahintulot ko iyon. Lalabanan ko sila. Ididemanda ko sila ng copyright infringement.""Gago talaga!" Marahas na ibinato ni Zoe ang unan sa sahig, halos mag-apoy ang mukha niya sa galit. "Adrian, papatayin talaga kitang hayop ka! Kaya pala pinagawa sa'yo yung damit para sa kuto niya?! May mas isasama pa ba ang lalaking 'yan?! Hindi ko na kaya, Lili, reresbakan ko na ang dalawang impaktong 'yan ngayon din!"Sariwa pa sa alaala ni Zoe kung gaano kasabik si Lia noong binuo ang disenyong iyon. Gabi-gabi itong puyat, may ngiti sa mga labi
Humanga ang lahat. Ang dalawang beses na pag-aalay ng buhay ni Wendy ay sapat na para gawin siyang isang santa sa mata ng publiko. Agad na nagkumpulan ang mga mikropono kay Wendy."Miss Imperial! Ano po ang nagtulak sa inyo para itaya ang buhay ninyo nang dalawang beses para kay President Serano?"Yumuko si Wendy, nagkunwaring nahihiya habang may matamis na ngiti. "Dahil mahal ko siya. Kapag totoong mahal mo ang isang tao, mauunawaan mo ang kasabihang: mahalaga ang buhay, pero mas mahalaga ang pag-ibig. Para kay Adrian, ibibigay ko ang lahat, basta maging ligtas lang siya."Muling nagpalakpakan ang mga tao. Sino nga naman ang hindi maaantig sa ganoong uri ng pag-ibig?Ngunit sa ilalim ng mga tela ng nakalaylay na gown, marahas na binalot ng kamay ni Adrian ang pulso ni Wendy. Puno ng banta at walang katulad na bagsik ang kanyang mga mata. "Wendy, pinipilit mo ba talaga akong pakasalan ka?"
Bago pa man lubos na makababa ang mikropono sa bibig ni Adrian, niyanig na ng matitinding tili ang buong bulwagan."Mr. Serano! Totoo po ba? Nandito ba talaga ang mapalad babaeng tinutukoy niyo ngayon?" sigaw ng isang mamamahayag mula sa unahan, bakas ang pananabik sa boses. "Baka naman po puwede ninyong ipakilala sa amin kung sinong mapalad na diyosa ang nakabihag sa puso ng isang Adrian Serano!"Bumuka ang bibig ni Adrian para sumagot, ngunit sa isang kurap, biglang nagdilim ang buong paligid. Sabay-sabay na nagmura ang ilang bisita sa gulat.Clack.Isang matalim na spotlight ang bumasag sa kadiliman, nakatutok ito mismo sa dulo ng bulwagan. Bumukas ang naglalakihang pinto, at doon, sa gitna ng liwanag, nakatayo si Wendy.Suot niya ang isang purong puting wedding dress. Sa bawat kaunting galaw niya, sumasayaw ang mga dyamanteng nakatahi roon, tila nag-iiwan ng sariling kislap sa hangin. Nap
Bahagyang napasinghal si Wendy at tinitigan si Lia mula ulo hanggang paa habang may mapang-aping ngiti sa kanyang mga labi. "Nakakaawa ka, Lia. Ang dami mong isinakripisyo, pero sa huli, naghabol ka lang pala sa anino na mawawala rin kapag sumikat na ang araw. Sa pagod at hirap na naranasan mo, wala ka man lang consolation prize."Isang malaking kasinungalingan kung sasabihin ni Lia na hindi siya nasasaktan sa tuwing binubuklat ang mga mapapait na alaalang iyon. Katotohanan naman talaga na ginamit siya ni Adrian bilang panangga at kalasag para lang protektahan ang kaligtasan ni Wendy. Malaki ang isinakripisyo niya para marating ng Serano Group kung nasaan man ito ngayon. Umabot pa nga sa punto na ipinagbili niya ang tanging natitirang alaala ng kanyang yumaong ina para lang sa kumpanya.Naramdaman ni Lia ang mabilis na kirot sa kanyang puso habang iniisip ang tangang babaeng 'yon sa nakaraan na handang ibigay ang lahat para lang kay Adrian.
Balak sana niyang magsumbong at magpaawa kay Adrian, pero hindi niya inasahang siya pa ang unang bubulyawan nito. Hindi man lang siya nakapagsalita.Sa tindi ng galit ni Wendy, pakiramdam niya ay sasabog na ang kanyang mga baga.Ano ba talagang nasa isip ni Adrian? Gusto ba talaga nitong makipagbalikan kay Lia?Umiiyak at humihikbi si Wendy sa cellphone. "Ayan, binaluktot mo naman ang intensyon ko. Pumasok lang naman ako rito para matulungan kang alagaan at gabayan si Nolan."Malamig at walang kahit anong katiting na emosyon ang boses ni Adrian. "Hindi na ako tanga, Wendy. Sa tingin mo ba talaga, hindi ko alam kung anong maruming agenda ang pinaplano mo?""Adrian! Ginagawa namin 'to ni Ninang para protektahan si Nolan! Si Lia mismo ang nagkumpirma kanina, babaligtarin niya ang mundo para lang agawin sa'yo ang custody ng bata! Kapag nakuha niya si Nolan, mawawalan ng taga
Ikinaway ni Noah ang shake kay Wendy. "Papasok na po ako sa klase." Matapos sabihin iyon, mabilis siyang tumalikod at umakyat sa hagdan.Pagdaan niya sa tapat ng opisina ni Lia, kusa siyang napatigil at dahan-dahang naglakad nang mabagal. Dahil alam niya... alam niya na ang paboritong inumin ng kanyang ina noon ay ang mango graham shake mula sa shop na ito. Napakainit ng panahon ngayon, gusto rin kaya nitong uminom ng malamig?Dahan-dahang itinulak ni Noah ang pinto ng opisina nang walang nililikhang tunog. Sa isang tingin, agad niyang nakita si Lia na mahimbing na nakasandal sa mesa habang natutulog, at si Bunbun naman ay natutulog din sa maliit na higaan sa gilid, nakabalot ng isang munting kumot.Dahan-dahan siyang pumasok at maingat na ipinatong ang shake sa ibabaw ng lamesa ni Lia. Kinuha niya rin ang isang coat na nakasabit sa may dingding at dahan-dahang ipinatong sa balikat ng ina.Habang papalapit siya kay Lia, i
Ang makita ang eksenang iyon ay nagdulot ng matinding kirot sa dibdib ni Adrian. Hindi lang dahil sa napakahusay mag-alaga ni Leonard kina Lia at Bunbun, kundi maging ang sarili niyang anak na lalaki na kilala sa pagiging arogante at mailap ay ganito na kalambing sa ibang lalaki. Kapag ipinagpatu
Kinaumagahan, isang sunod-sunod na katok sa pinto ang pumukaw sa katahimikan ng apartment.Si Noah na kakalabas lang ng banyo ang nagtatakbong nagbukas nun. Nang makita si Adrian na nakatayo sa labas at may bitbit na mga plastic bag, bahagya itong nagulat. "Anong ginagawa mo
Nang marinig ang mga salitang iyon, pagod na napahilot si Adrian sa kanyang noo. "Kahit anong mangyari, hindi na matutuloy ang kasal namin ni Wendy. Magpadala ka ng tao para imbestigahan kung may naging ugnayan ba siya sa mga sindikato noong nasa ibang bansa pa siya.""Pinagd
Dahil sa salitang “Daddy,” pakiramdam ni Lia ay biglang nanlambot ang kanyang mga tuhod sa tindi ng kaba.Mabilis siyang lumapit at marahas na hinila si Bunbun para yakapin nang mahigpit. "Uncle mo 'yan, baby, hindi mo siya Daddy. Ang Daddy mo ay nasa bahay pa ni







