เข้าสู่ระบบWillow
Masaya ang naging lunch ng team at paminsan-minsan ay sumasali ako sa biruan ng grupo pero alam ko naman na nahahalata ng mga kasama ko ang paminsang pananahimik ko.
Hindi ko alam kung ano ang aabutan ko sa aking pag-uwi at sa totoo lang, sumasakit talaga ang ulo ko dahil doon.
“Okay ka lang, Will?” tanong sa akin ni Dylan and nasanay na rin ako sa tawag niyang ito sa akin
“Okay lang ako, boss! Excuse me lang, papahangin lang ako!” sabi ko dahil nakita kong nagdedesert pa ang ilan sa mga kasama ko
Tumango si Dylan at alam ko na ramdam niya na may dinadala ako. Lumabas ako at nagtungo sa pinaka-garden ng restaurant. Naupo muna ako doon at kinuha ko ang telepono ko para matawagan ang kapatid ko.
Nagring ang phone niya at agad naman itong sinagot ni Katrina.
“Kamusta kayo diyan?” tanong ko dahil nag-aalala din ako para sa kanya at kay Simon, ang bunsong kapatid ko
“Okay naman kami, ate! Nasa school si Simon. Ako, mamaya pa yung klase ko!” sagot naman ng kapatid ko
“Si mommy? Nasaan siya?” tanong kong muli dito
“Nasa kwarto niya ate! Kumain lang ng breakfast kanina pero bumalik sa kwarto niya.” sagot nito sa akin
“Hindi ko alam kung kailan ako makakauwi diyan para kausapin si Mommy! Hindi pa ako nagpapaalam sa boss ko!” pagpapaalam ko sa kapatid ko lalo pa at alam ko naman na may tension sa pagitan nila ni Mommy
“Ate, hihinto na lang muna ako sa pag-aaral. Maghahanap na lang muna ako ng trabaho para matulungan kita!” sagot sa akin ng kapatid ko kaya naman bumigat na naman ang pakiramdam ko
Ganitong-ganito din ako noon at ayokong maranasan ng kapatid ko ang hirap na naranasan ko noon.
“Hindi Katrina! Dalawang taon na lang, ngayon ka pa ba hihinto?” galit na sabi ko sa kanpatid ko
“Pero ate…”
“Hindi Katrina! Magtatapos ka ng pag-aaral para mapaganda mo ang buhay mo! Ako na ang bahala sa problema basta ang gawin mo, mag-aral at magtapos!” putol ko sa sasabihin niya kaya hindi na siya kumontra
“Sige ate! Pasensya ka na sa amin!” sabi ni Katrina kaya naman parang piniga ang puso ko
ALam kong iniisip ng kapatid ko na sila ang nagpapabigat ng buhay ko pero hindi yun totoo. Pamilya ko sila kaya hindi ko naman sila pwedeng talikuran.
“ Wala kang kasalanan, okay! Basta makinig ka kay ate at tapusin mo ang pag-aaral mo!” malumanay na ang boses ko dahil ayokong isipin ng kapatid ko na pabigat sila sa akin
“Sige ate! Salamat! Maghahanda na ako at papasok na ako maya-maya!” paalam niya sa akin kaya pinagbilinan ko siyang mag-ingat
Nagpaalam na ako at nung maibaba ko ang tawag ay napahinga ako ng malalim. Nagstay pa ako doon ng ilang sandali at pagpihit ko ay nagulat ako nung makita ko na nakatayo sa likod ko si Mr. Monteverde.
“Sir, a-ano pong ginagawa ninyo dito?” tanong ko at pilit kong tinago ang kabang nararamdaman ko
“I came out to get some air!” sagot niya sa akin at hindi ko nga alam kung kanina pa ba siya doon
“SIge po sir! Papasok na po ako sa loob!” sagot ko sa kanya
“Pwede bang Josh nalang ang itawag mo sa akin?” sabi niya sa akin at napilitan akong ngumiti
“Okay lang po ba yun?” tanong ko at siya naman ang ngumiti
“OO naman! Bakit naman hindi! I am your boss’ friend right?” sabi niya sa akin kaya tumango naman ako
Naglakad siya papalapit sa akin at naupo sa bench habang nanatili akong nakatayo.
“Everything alright? Narinig kitang may kausap kanina…”
“So nakikinig ka pala?” putol ko sa sasabihin niya kaya napalingon naman siya sa akin
“Hindi ko sinasadya..” he said kaya napahinga naman ako ng malalim
Hindi ko alam kung naiinis ako dahil sa pakikinig niya sa usapan namin ng kapatid ko o kung dahil iba ang kalabog ng puso ko sa twing malapit siya sa akin kaya minabuti ko ng magpaalam sa kanya.
“Babalik na ako sa loob!”
“Are you scared of me?” tanong niya sa akin kaya naman napakunot ang noo ko
Natatakot nga ba ako?
Hindi! Pero mas mabuti ng umiwas dahil hindi ko gusto ang nararamdaman kong ito.
“Bakit naman ako matatakot sa iyo?” matapang na sagot ko
Tumayo si Josh at lumapit sa akin at hindi ko nga alam kung bakit hindi ako nakagalaw lalo nung titigan niya ako sa aking mga mata.
“Yes you are, Willow! Kasi kung hindi, hindi ka iiwas sa akin!”
He even smirked habang nakatingin sa akin at sa totoo lang, hindi ako makahinga. Pero hindi ako pwedeng makaramdam ng ganito. Hindi pwede lalo na at alam ko naman ang kalibre ng mga kagaya ni Josh.
Kilala siya, including Dylan of course sa pagiging maloko sa mga babae.
“Hindi ako umiiwas!” maikling sagot ko dahil sa totoo lang, I am lost for words
“Have dinner with me tonight!” sagot ni Josh sa akin kaya halos malaglag ang panga ko
“What?”
“Have dinner with me tonight kung hindi mo talaga ako iniiwasan!: hamon niya sa akin kaya napailing na lang ako
“Hindi pwede!”
“Bakit hindi pwede?!” pangungulit niya sa akin
“Kasi hindi pwede! AT may karapatan akong tumanggi!” inis na sagot ko
“May magagalit ba?” pangungulit niya kaya naman nakaisip na ako ng paaan para tigilan na niya ako
“Yes! Si Leonard!” patawarin ako ng Diyos sa pagsisinungaling ko but I guess effective naman dahil natahimik siyang bigla
Pero mali pala ako doon dahil muli na namang ngumisi ang lalaking nasa harap ko.
“Bakit naman magagalit si Leonard? Boyfriend mo ba siya?”
“H-ha?” nabigla ako sa tanong ni Josh at bahagya akong nalito
“Willow…”
Mas lumapit sa akin si Dylan and his face is inches away from me. I can smell his perfume at feeling ko, lalabas na ang puso ko sa lakas ng tibok nito. Napalunok pa nga ako habang nakatingin sa mata ni Josh at ang nakakainis, whenever our eyes locks, tila ako namamagneto sa kulay dagat niyang mga mata.
“Hindi mo boyfriend si Leonard kaya hindi siya magagalit! Bestfriend mo siya and I guess, okay lang naman sa kanya kung makikipag-dinner ka sa akin. Kung gusto mo, ipagpapaalam kita sa kanya?”
Mukhang nagtanong na nga itong lalaking ito kaya naman nalaman niyang kaibigan ko lang si Leonard. Halos mapugto ang hangin sa katawan ko nung haplusin ni Josh ang mukha ko habang hindi naghihiwalay ang mga mata namin.
“Seven o’clock! Hihintayin kita sa labas ng apartment mo!” sabi pa niya kaya muli akong napalunok
Napapikit ako ng mariin nung iwan niya na ako a feeling ko, doon na ako nakahinga ng maluwag.
Ano bang nangyari???
Natampal ko na lang ang noo ko dahil na rin sa nangyari at mukhang wala na akong kawala sa invitation niya.
‘Dinner lang yun, Willow! Hindi ka dapat kabahan!’ bulong ko sa sarili ko pero ang totoo, gusto ko ng sumigaw dahil sa inis na nararamdaman ko
Hindi pwedeng maulit ang nangyari noon! Ayoko na dahil masasaktan lang ako!
I collected myself at bumalik na ako sa loob. Nag-uusap pa sila at nakita kong nagbabayad na si Josh kaya naman for sure, aalis na din kami. At ganun na nga ang nangyari.
Nagpasalamat ang lahat sa kanya at siyempre ganun din naman ang ginawa ko at pasimple pa siyang kumindat sa akin kaya pakiramdam ko, namumula ang pisngi ko.
Magkasabay na kaming lumabas ni Leonard at kahit kating-kati na akong tanungin siya kung ano ang napag-usapan nila ni Josh ay hindi ko ginawa. Hihintayin ko na lang siyang magtanong sa akin.
“Babalik na muna ako sa hotel, bro! I need a beauty rest!” narinig kong sabi ni Josh kay Dylan at tumawa lang naman ito
“Ano ka babae?” pang-aasar ni Dylan dito
“May date ako mamaya!” sagot ni Josh at para akong nanghina kaya bigla akong napakapit kay Leonard
“Okay ka lang?” tanong ni Leonard at tumango naman ako saka ako nagpatuloy na maglakad
“Gago! Kakadating mo lang, date na agad!” sagot ni Dylan na tila hindi naniniwala sa sinabi ni Josh
“Seryoso ako, bro! Ang totoo niyan, hindi lang naman ikaw ang dahilan kung bakit ako nagpunta dito!” sabi ni Josh
“Babae?” ani Dylan at dahil nauuna naman kami ni Leonard ay hindi ko makita ang reaksyon ng mukha ng magkaibigan
“Yes bro! Huwag kang magtampo pero, siya talaga ang dahilan kung bakit ako nandito!”
“Akala ko pa naman nag-aalala ka sa akin kaya ka nandito! Yun pala, may babae ka na namang pakay!” ani Dylan kaya natawa naman si Josh
Natahimik ang dalawa at hindi ko napigilan ang sarili ko kaya lumingon ako sa kanila. Josh was whispering to Dylan at kung hindi pa ako hinila ni Leonard ay hindi pa mawawala sa kanila ang atensyon ko.
Diyos ko naman, Josh! Ano naman kaya ang ichini-chika niya sa boss ko!
Narating na namin ang kotse at pagpasok ko ay naghihintay ako ng komento mula kay Leonard pero wala naman itong nabanggit.
“Kailan mo ba balak umuwi ng Manila?” tanong sa akin ni Leonard kaya nawala kay Josh ang isip ko
“Baka bukas or sa makalawa!” sagot mo dito
“Gusto sana kitang samahan pero alam mo naman na kailangan ako dito!” sagot sa akin ni Leonard kaya hinawakan ko ang kanyang kamay
“I will be fine! Don’t worry about me!” alam ko na nag-aalala sa akin ang kaibigan ko pero kaya ko naman na ang sarili ko
“Sigurado ka ba? Baka mamaya, saktan ka na naman ng Mommy mo!” sabi pa niya kaya natahimik na lang ako
Ilang beses na bang nagawa ito ng Mommy ko sa akin sa twing nagtatalo kami?
“Sanay na ako! Hayaan mo na yun!” matapang na sagot ko at naramdaman ko ang pagpisil ni Leonard sa kamay ko
“Hanggang kailan mo ba titiisin yan, Willow! Hindi na tama! Ang dami ng magagandang bagay ang nawala sa iyo dahil sa kanila!” sabi ni Leonard pero nakuha ko pa ring ngumiti
“Kasi pamilya ko sila, Leonard! I have my obligations bilang anak at kapatid!’
Narinig kong nagmura si Leonard ng mahina at hindi ko nalang pinansin. Naisip ko na din naman ang tanong niya pero kahit ilang beses kong tanungin ang sarili ko, bumabalik pa rin ako sa sagot ko.
Pamilya ko sila at may obligasyon ako sa kanila.
WillowHindi ako mapakali habang papalapit ang oras ng pagsundo sa akin ni Josh. Sa totoo lang, natatakot ako dahil ayoko dito sa nararamdaman ko para sa kanya. Hindi naman ito ang unang beses na nakaramdam ako ng ganito at katulad ng dati, I wanted to dismiss it dahil para sa akin, sagabal lang ito sa mga dapat kong gawin sa buhay ko.College na ako noon nung makilala ko si Henry. Kaklase ko siya at naging malapit kami dahil palagi siyang tumatabi sa akin sa mga subjects na kaklase ko siya. Mabait si Henry at galing siya sa pamilyang may sinasabi pero hindi ko nakita sa kanya ang pagiging mapagmataas. Nanligaw siya sa akin at kahit alam ko naman na may nararamdaman ako para sa kanya, hindi ko siya sinagot at sinabi ko na maging magkaibigan na lang kami. That was the time na namatay si Daddy at lumutang na ang mga problema namin sa pamilya.Feeling ko noon, hindi ako fit to be in a relationship dahil marami akong bagahe na pasan. After ko siyang binasted ay naging malayo na siya sa
WillowMasaya ang naging lunch ng team at paminsan-minsan ay sumasali ako sa biruan ng grupo pero alam ko naman na nahahalata ng mga kasama ko ang paminsang pananahimik ko. Hindi ko alam kung ano ang aabutan ko sa aking pag-uwi at sa totoo lang, sumasakit talaga ang ulo ko dahil doon.“Okay ka lang, Will?” tanong sa akin ni Dylan and nasanay na rin ako sa tawag niyang ito sa akin“Okay lang ako, boss! Excuse me lang, papahangin lang ako!” sabi ko dahil nakita kong nagdedesert pa ang ilan sa mga kasama koTumango si Dylan at alam ko na ramdam niya na may dinadala ako. Lumabas ako at nagtungo sa pinaka-garden ng restaurant. Naupo muna ako doon at kinuha ko ang telepono ko para matawagan ang kapatid ko.Nagring ang phone niya at agad naman itong sinagot ni Katrina.“Kamusta kayo diyan?” tanong ko dahil nag-aalala din ako para sa kanya at kay Simon, ang bunsong kapatid ko“Okay naman kami, ate! Nasa school si Simon. Ako, mamaya pa yung klase ko!” sagot naman ng kapatid ko“Si mommy? Nasa
WillowI am busy at work dahil may mga changes na kailangang gawin sa design ng ipinapatayong projects ng Samaniego’s Pride dito sa Palawan.Dalawang buwan na din ako dito at masasabi ko naman na masaya ang stay ko dito lalo na at kasama ko ang kaibigan ko na si Leonard na siyang Engineer ng project na ito.Idagdag pang nakasundo din namin ang aming boss na si Dylan Glenn Samaniego.Mabait siyang boss at parang magkakabarkada nga lang kaming lahat dito at dahil ako ang nag-iisang babae sa team, masasabi ko na inaalagaan naman nila ako.Napalingon ako nung pinakilala ng boss namin ang bagong dating na kaibigan niya na galing Maynila.Kilala ko naman siya but not personally really dahil kahit paano, naikekwento na siya sa amin ni Dylan.And I can say na famous din sila sa business world dahil sa husay nila sa negosyo.Joshua Xenn Monteverde!Napangiti ako nung magtama ang mga mata namin at saka ko binalikan ang trabaho ko dahil gusto kong matapos ito agad.Plano kong humingi ng ilang a
JoshuaKakarating ko lang sa bar ng mga Samaniego kung saan kami magkikita ng kababata kong si Helious at ni Kuya Mitchell. Alam kong late na ako sa usapan namin dahil galing pa ako sa isang hotel kasama ang sekretarya kong si Bangs.It’s been a while since we had this fubu thing at para sa akin naman ay okay lang ito dahil nga no strings attached ang tema ng relasyon namin. We are both professional in the office pero pag nasa ibabaw na kami ng kama, her name says it all.She really bangs!Napangiti ako at dala ko pa nga ito nung makaupo na ako sa couch.“Sorry, late ako!May overtime!” sabi ko sa kanila kaya napailing na lang si Kuya Mitchell“Hanggang kailan mo ba idadahilan yan, Joshua?” sita niya sa akin at nagkibit-balikat na lang akoAlam ko naman na hindi siya naniniwala sa akin dahil pareho lang naman kaming lahat. Ilang babae na nga ba ang nagdaan sa amin and I guess, maswerte lang sila dahil nakilala na nila ang babaeng nakapagpatino sa kanila.Ako? Hindi ko alam! Baka nasa







