LOGINWillow
“Saan kayo nagpunta ni Josh kagabi?”
Napaangat ang mga mata ko ng marinig ko ang sinabi ni Dylan. Hindi ko alam na may alam siya tungkol sa paandar ng kaibigan niya kagabi.
“Ha?!” patay- malisyang sagot ko and I saw how that wicked smile formed in the corner of his lips
“I know my brother very well, Will! Hindi yun magpapakahirap na magpunta dito kung wala siyang ibang pakay maliban sa pagdalaw sa akin!” sagot sa akin ng boss ko
“Sinabi ba niya?” tanong ko pero umiling naman si Dylan
“Huli ka balbon!”
Napasimangot ako dahil hinuhuli lang pala ako ni Dylan at natawa na lang siya dahil nagtagumpay naman siya.
“Mabait naman si Josh! May topak lang din gaya ko!” sabi pa niya and I rolled my eyes at him
“Ano naman ang ibig sabihin niyan, Dylan?” tanong ko sa kanya
“Ang ibig kong sabihin, kung magugustuhan mo si Joshua, okay naman siya! Mabait siya, gwapo, responsable, magaling na negosyo at….”
“At babaero gaya mo!” pagtatapos ko sa sentence ni Dylan kaya napakunot ang noo niya na nauwi sa pagtawa
“Grabe ka naman!” sagot niya sa akin kaya tumikwas ang kilay ko
“In case you forgot, Dylan, ikaw ang magsabi nun. Ikaw Ang nagkwento sa akin na ganun kayo, so bakit ako magtitiwala sa kaibigan mo?” prangkang siya ko sa kanya
Hindi naman siya kumibo kaya napailing na lang ako.
“Tsk! Sige na, umalis ka na diyan sa mesa ko kasi may gagawin pa ako!” pagtataboy ko sa kanya dahil nakaupo siya sa desk ko
“Sinabi ko ba yun?” bulong niya
At talagang nagmaang-maangan pa!
Pabalik na si Dylan sa desk niya nung tawagin ko siya dahil naalala kong kailangan kong magpaalam para sa pag-uwi ko sa Maynila.
“Sasagutin mo na siya?” malokong baling niya sa akin kaya pinandilatan ko siya ng mata
Mabuti na lang talaga, kaming dalawa lang ang nandito sa office namin dahil kung hindi, katakot-takot na buska ang maririnig ko lalo na mula kay Leonard
“Hindi! Asa naman to! Magpapaalam lang sana ako na kung pwede, umuwi ako ng Manila sa Friday.” sagot ko sa kanya
“Bakit?” tanong niya
“May kailangan lang akong ayusin doon!” sagot ko dito
Kahit naman close na kami, wala akong naikwento sa kanya tungkol sa problema ko sa pamilya ko.
Ang tanging alam lang niya, ako ang breadwinner sa amin at pinag-aaral ko pa ang dalawang kapatid ko.
“Sumabay ka na sa akin sa Sabado. Luluwas din ako kasi kailangan kong magreport kay Daddy. Isasama ko naman talaga kayo ni Leonard para doon!” sagot niya sa akin
Hindi ko pa nakikilala ng personal ang Daddy ni Dylan na si Mr. Anton Drake Samaniego pero marami na din akong nabasa tungkol sa kanya.
Bilyonaryo at isang magaling na negosyante noong panahon niya.
“Ganun ba?” tanong ko at naisip ko na okay lang yun dahil sayang din naman ang pamasaheng matitipid ko
“Narinig ko yata ang pangalan ko!”
Dumating na pala si Leonard at nakita ko na may dala siyang bouquet ng pulang Rosas.
“Aga mo namang manligaw?” ani Dylan habang nakatingin sa dala ng aming kaibigan
“Ako? Hindi no! Para kay arki to!” ani Leonard dahil ganun niya ako tawagin lalo pag inaasar niya ako
“Sa akin? Bakit? Anong okasyon?” tanong ko kaya nanlaki ang mata ni Leonard
“Iniisip mo ba na sa akin galing ito! Kadiri ka, arki!” anito kaya tinaasan ko siya ng kilay
“Ayos ah! Parang luging-lugi ka naman sa akin!”
Natawa na din si Dylan dahil simula na ng asaran namin ni Leonard.
“Leonard, aalis tayo ng Saturday morning ha. Kailangan nating magreport kay Dad at birthday na din niya sa Sunday.” ani Dylan at siyempre, hindi naman kami pwedeng tumanggi dahil boss pa rin namin siya
“Okay!” sagot naman ni Leonard
“O siya, manligaw ka na!” pang-aasar ni Dylan kaya agad namang lumapit si Leonard sa mesa ko
“Naku boss! Hindi pa nasisira ang ulo ko! Di sana noon ko pa niligawan yan kung sakaling may gusto ako sa kanya!” anito sabay lapag ng bulaklak sa mesa ko
“Pinapabigay nung delivery man! Ako na ang pumirma kasi sabi ko, baka ihampas mo sa mukha niya yang bulaklak na yan!”
Nalukot ang mukha ko sa sinabi ni Leonard kaya agad naman siyang tumalikod lalo at nakita niyang naiinis na ako.
Tinitignan ko ang bulaklak at ayoko namang mag-assume pero feeling ko, kay Joshua galing ang mga ito. Wala akong nakitang card kaya iginilid ko na lang ito hanggang sa marinig kong may pumasok na mensahe sa cellphone ko.
Kinuha ko ito at nakita ko na si Joshua ang nagpadala ng message sa akin.
“Thank you for the lovely night, Willow. Hindi na ako nakapagpaalam sa iyo dahil nagkaroon ng emergency meeting ang board and I need to be there. Rest assured, I will see you again so please, wait for me! I really, really like you! I hope the flowers I sent you makes you smile. Please think of me! Always, Joshua!”
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng lungkot dahil pagtapos ng date namin kagabi umuwi na pala siya ng Maynila at hindi na nga nagawang makapagpaalam sa akin.
Of course, naiintindihan ko naman yun. At sa tingin ko nga, ang mga bulaklak na padala niya ang pambawi niya.
Napahinga ako ng malalim dahil hindi ko alam kung okay lang ba na ientertain ko si Joshua. Nadala na ako sa ilang beses na kailangan kong isuko ang mga lalaking minahal ko dahil sa kumplikasyon ng pamilya ko.
Marami akong kailangang gawin para sa pamilya kong nakaasa sa akin at ang umibig ulit ay tila malabo na para sa akin sa ngayon. Nakakatawa lang dahil nung makilala ko si Joshua, may problema na naman ang pamilya ko at sa palagay ko nga, senyales na ito.
Ibinalik ko na ang atensyon ko sa trabaho at pinilit ko ng kalimutan ang masayang gabi na yun pero paulit-ulit naman itong nagsusumiksik sa isip ko. Aaminin ko naman na nag-enjoy ako sa date namin ni Joshua at kahit sandali lang, kahit paano ay nakilala ko siya.
Alam ko naman na hindi sapat ang isang gabi para makilala ko siya ng lubusan pero sa sandaling pag-uusap naan namin ay naramdaman ko na mabuti siyang tao. Pero wala naman halaga yun dahil sa sitwasyon ko ngayon, pakiramdam ko, mahihirapan akong makahanap ng lalaking mauunawaan ang kalagayan ko.
Isa akong anak na maraming pasan na responsibilidad sa kanyang mga balikat.
Baka nga siguro, hindi para sa akin ang pakikipagrelasyon.
O baka naman, pwede na basta maging okay na ang lahat at sa tingi ko, malayo pa yun.
Hanggang hindi nagbabago si Mommy, hindi matatapos ang problema at ngayong naalala ko na naman ang problemang daratnan ko sa Manila, sumasakit na ang ulo ko!
Itinabi ko na ang telepono ko at hindi ko na sinagot ang message ni Joshua sa akin. Bahala na siya kung ang magiging dating nito sa kanya ay hindi ako interesado sa paglapit niya sa akin.
Mas mabuti na nga siguro yun dahil sa ngayon, loaded pa ako with my job and my family.
Dumaan ang maghapon at walang tigil ang pagpapadala ni Joshua ng mensahe sa akin pero tiniis ko talagang hindi ito sagutin. Although in my heart, alam kong unfair yun at dapat sabihin ko na sa kanya na huwag ng ituloy ang balak niya.
Pero parang hindi naman umaayon ang puso ko pag naiisip kong gawin yun.
Gusto ko din ba siya?
Hindi ko alam!
********
Pagkatapos ng meeting namin sa opisina ng mga Samaniego noong Sabado ng umaga ay hinatid na ako ni Leonard sa bahay namin.
“Samahan ba kita?” presinta nito bago ako bumaba ng kotse niya
“Hindi na! Kaya ko na yan!” sagot ko naman sa kanya
“Baka kasi saktan ka na naman ni Tita!” nag-aalala na saad ni Leonard kaya huminga ako ng malalim
Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ni Leonard na sa twing nagtatalo kami ni Mommy ay sinasaktan niya ako. Pero pinipili kong hindi lumaban dahil nanay ko pa rin siya.May paggalang pa rin ako sa kanya bilang Mommy ko kahit pa alam kong gahibla na lang ang kapit nito at malapit na ding bumigay.
I smiled at my best friend at agad naman niya akong niyakap.
“Tawagan mo ako agad pag may problema!” tumango ako at agad ko ng binuksan ang pinto ng kotse
Feeling ko kasi, maiiyak na naman ako dahil sa bigat ng loob ko.
Hinintay muna ako ni Leonard na makapasok sa loob ng gate nago niya pinaandar ang kotse. Ito na lang ang tanging natira sa amin mula sa mga namana ni Mommy sa aking Lolo.
Mabuti nga, hindi pa niya naiisipang ibenta o isangla ito pero hindi ko inaalis ang posibilidad na pwede yung mangyari. Baka nga magulat na lang ako isang araw, may kukuha na ng bahay na ito.
Hindi na ako kumatok at agad kong binuksan ang pinto at naabutan ko si Mommy na nagkakape sa dining area.
“O Willow, uuwi ka pala, hindi ka nagpasabi!” ni Mommy habang nakatingin sa akin
“Ate!” sabi naman ni Katrina na noon ay pababa ng hagdan
“Nagsumbong na pala sa iyon yang kapatid mo!” ani Mommy na tila hind naman na-bother sa biglaan pag-uwi ko
“Mommy, ano na naman ba itong pinasok mong gulo?” deretsa kong tanong sa kanya
Hindi na kailangang pahabain pa dahil iisa lang naman ang kahahantungan nito.
Away…
“Bakit Willow? Ano, baligtad na ba ang mundo? Ikaw na ang Nanay?” sarkastikong tanong nito sa akin
“Mommy naman! Hindi pa ba kayo natuto sa mga nangyari sa atin noon? Pati ba naman ang pang-tuition ni Katrina, pinakialaman ninyo?” galit na tanong ko sa kanya
Takot namang humawak sa aking ang kapatid ko at alam kong natatakot na siya sa pagtaas ng boses namin.
“Hoy Willow! Huwag mong sabihin na porke ikaw ang kumikita sa pamilyang ito, may karapatan ka ng pagtaasan ako ng boses! Baka nakakalimutan mo, anak lang kita!” bulyaw sa akin ni Mommy pero sa totoo lang, sanay na ako dito
Ganun naman siya eh! Inuunahan niya ng galit!
“Mommy, hindi ko nakakalimutan na nanay kita! Pero sana naman, umakto kayong nanay sa amin! Gawin niyo naman ang tama!” sagot ko kay Mommy ay napatayo na nga si Mommy at agad akong nilapitan
“Ang kapal ng mukha mong bata ka! Anak lang kita! At kung binubuhay mo man kami, pwes, pasensya ka kasi responsibilidad mo yan!”
“OO Mommy, alam ko yun! Pero kayo? Yung responsibilidad ninyo bilang nanay namin, nagawa niyo ba? Nanay lang kayo sa pangalan pero hindi niyo kami iniintindi!”
Isang sampal ang pinadapo ni Mommy sa mukha ko kaya napaiyak naman ang kapatid ko.
“Ate…’’
Mapait akong tumingin sa aking ina at sa totoo lang, malapit na talaga akong mapuno!
Konti na lang, susukuan ko na ang pagiging anak niya!
“Magbihis ka na KAtrina! Pupunta tayo ngayon sa school mo!” galit na utos ko sa kapatid ko at sumunod naman ito habang si Mommy, kaswal lang na bumalik sa mesa at ipinagpatuloy ang pagkakape niya.
Joshua“Mason, kamusta ang asawa ko?” tanong ko sa kababata ko after an hour of waiting in the emergency roomSumunod na din dito ang parents ko pati nasi Simon at si Trina at kasama ko silang naghihintay sa labas ng kwarto. Mommy is praying the rosary silently with Annie at nakaalalay naman sa kanya ang aking ama na alam kong nag-aalala din para sa aking asawa.“Kuya…huwag ka sanang mabibigla!” sabi ni Mason sa akin at doon pa lang, para na akong papanawan ng ulirat“Mason, bakit? Kamusta si Willow?”tanong ni daddy at nakita ko ang paghugot ni Mason ng malalim na paghinga bago siya sumagot“Gaya ng sinabi ko kay Kuya kanina, malala na ang kundisyon ni Willow dahil hindi niya tinanggap ang treatment na kailangan niya. Her organs are failing at naapektuhan na din noon ang baga niya and worse, umakyat na sa utak niya ang kumplikasyon. I am sorry pero, under coma si Willow and we have to intubate her para tulungan siyang huminga!” Napapikit ako at para akong mahihilo at mabuti na na lan
JoshuaKasalukuyan akong nasa labas ng simbahan dahil tumawag si Mason para bigyan ako ng update tungkol sa kalagayan ng aking asawa.“Kuya, we need to move fast! Hindi na maganda ang kalagayan ni Willow based on the last blood test result na ginawa sa kanya.” Napapikit ako lalo at binalot ng takot ang buong pagkatao ko! Hindi ako handa at kahit kailan hindi ako magiging handa!“Masyado ng kalat ang lason sa katawan niya and sooner or later, pwede siyang bumigay kaya kailangan na nating gawin ang treatment!” sabi pa ni Mason at nagsimula na akong mapaluha“Mason, hindi ko….hindi ko alam kung anong gagawin ko!” sagot ko sa aking kababata“Our time is running out, Kuya! If Willow doesn’t get treatment, pareho silang mawawala ng bata!” Mason said and that is too heartbreaking for meMasakit mawalan ng anak pero mas hindi ko kakayanin kung sabay silang mawawala sa akin ng asawa ko.“Let me know, Kuya! Alam kong mahirap pero tatagan mo ang loob mo!” sabi ni Mason at tumango na lang ako
Willow“Tita Willow….kamusta po kayo?” Napatingin ako sa pinagmulan ng munting tinig na iyon at nakita ko si Xander at ang asawa ko. May dalang bulaklak si Xander at napangiti ko after seeing his face.Kung may nakikita man akong pagbabago ngayon sa kanya, yun ay ang pagiging natural ng ngiti niya.Hindi katulad noon na tila ba may kinatatakutan ito. Alam kong hindi naging maganda ang pakikitungo ko kay Xander noon kaya takot siya sa akin pero naisip ko na mas takot pala siya kay Cherry.“Xander….hi…” nanghihinang sagot ko sa bata at agad naman itong lumapit sa akinInabot niya ang bulaklak na dala niya kaya napangiti naman ako.“Tita Willow…may sakit daw po kayo?” sabi niya sa akin kaya hinaplos ko ang buhok niya“Oo eh!”“Nagpray po ako kay Papa Jesus na sana po gumaling na kayo! Ayoko pong nakikita na umiiyak si Tito Josh!” Napatingin ako sa asawa ko na matamang nakikinig sa amin. “Halika nga dito!” sinubukan kong itaas ang kamay ko but I am too weak at nakita naman ito ng asaw
WillowNakauwi na kami sa bahay after a weeks confinement in the hospital at kahit na nahihirapan ako, pinipilit kong maging matatag para sa amin ng anak ko.Gaya ng sinabi ko kay Mason, hangga't hindi bumibitaw ang anak ko, lalaban ako!Hindi ko wawakasan ang buhay na nagsisimulang mabuo sa loob ko. I cannot just take medicines dahil buntis ako kaya naman dinadaan ko na lang ang lahat sa pagdarasal.WheneverI I feel pain and discomfort, sa Diyos ako kumakapit. Sa twing nahihirapan ako, sinasabi ko sa Diyos na kung hinahayaan niyang kumapit ang anak ko, sana tulungan niya akong gumaling.“Babe, are you sure you are okay?” tanong sa akin ni JoshNakatakda siyang umalis ngayon para sunduin si Xander at si Annie sa Camiguin. Makikipag-usap din siya sa mga social worker doon na gumawa ng interview noon sa bata. Kasama ni Josh ang lawayer ng pamilya para kumuha ng information na magpapalakas pa sa kasong isasampa kay Cherry at sa kasabwat nito.Nakakulong na si Cherry at nahuli na din ang
WillowPagdating namin sa library ay agad kaming pinauo ni Mommy at nasisiguro ko na ang naging relasyon ni Josh kay Bangs ang pag-uusapan namin ngayon.Hindi na kayo nagulat sa sinabi ni Cherry kanina dahil inaamin naman ito sa akin ni Josh at wala naman akong dapat isipin dahil nangyari ito noong hindi pa kami.At ngayon nga, malinaw na sa akin ang dahilan kung bakit nagawa ni Cherry ang lahat ng ito.Gusto niyang gumanti kasi akala niya, niloko at inagrabyado ni Jonsh ang kapatid niya.“Josh, totoo ba ang sinasabi ni Cherry? Nagkaroon nga ba kayo ng relasyon ni Bangs? Yung sekretarya mo?” Mommy asked at napahinga ng malalim ang asawa ko“Mommy totoo po yun pero hindi naman po seryoso yun! In fact, we were just bedmates! And we are both adults kaya alam naman namin ang ginagawa namin.” paliwanag ni Josh sa Mommy niya“Pero nung dumating si Willow, tinigilan ko na si Bangs! Lalo pa at alam ko naman na may boyfriend siya at kaya lang siya nagstay sa relasyon namin is because of money
JoshuaDinala ko si Willow sa kwarto namin matapos ang lahat ng kasinungalingan sinabi ni Cherry tungkol sa amin.Sinabihan ko si Tito Jerome na ilabas na siya sa mansion si Cherry dahil talagang masasaktan ko ito for spewing nonsense!Si Daddy na ang bahala sa kanya pero hindi ibig sabihin noon na hindi ko na siya haharapin. Mas kailangang kausapin ko muna si Willow ngayon.Pagdating namin sa kwarto ay ipiniksi ni Willow ang kamay niya at nakita ko na umiiyak na siya.Gustuhin ko Mang magalit sa kanya dahil sa kawalang-tiwala niya sa akin ay hindi ko naman magawa dahil naiintindihan ko ito.Tama naman kasi na pag dinadalaw ko siya noon ay parang sinisilihan ang pwet kong makauwi lalo na pag tumatawag si Cherry at sinasabing hindi maganda ang lagay ni Xander.Iyon pala, may masama siyang intensyon at yun ay sirain ang pagsasama naming mag-asawa.“Babe, naniniwala ka ba talaga sa sinasabi ng babaeng yun?! I mean, seriously?” Tumingin lang sa akin si Willow at nandoon pa rin ang gal







