LOGINWillow
Hindi ako mapakali habang papalapit ang oras ng pagsundo sa akin ni Josh. Sa totoo lang, natatakot ako dahil ayoko dito sa nararamdaman ko para sa kanya.
Hindi naman ito ang unang beses na nakaramdam ako ng ganito at katulad ng dati, I wanted to dismiss it dahil para sa akin, sagabal lang ito sa mga dapat kong gawin sa buhay ko.
College na ako noon nung makilala ko si Henry. Kaklase ko siya at naging malapit kami dahil palagi siyang tumatabi sa akin sa mga subjects na kaklase ko siya. Mabait si Henry at galing siya sa pamilyang may sinasabi pero hindi ko nakita sa kanya ang pagiging mapagmataas.
Nanligaw siya sa akin at kahit alam ko naman na may nararamdaman ako para sa kanya, hindi ko siya sinagot at sinabi ko na maging magkaibigan na lang kami. That was the time na namatay si Daddy at lumutang na ang mga problema namin sa pamilya.
Feeling ko noon, hindi ako fit to be in a relationship dahil marami akong bagahe na pasan. After ko siyang binasted ay naging malayo na siya sa akin. Nasasaktan man ako, wala naman akong magagawa dahil ganun ang sitwasyon ko.
He was my first love….and I have to let him go…
The next school year, nabalitaan ko na lang na nagmigrate na si Henry sa England dahil doon na niya balak ituloy ang kanyang pag-aaral. Nasaktan ako kasi hindi man lang siya nagpaalam sa akin pero inintindi ko kasi alam kong nasaktan ko siya.
I may have sent signals na gusto ko din siya but still, I ended up refusing him.
Nagfocus ako sa pag-aaral ko hanggang makapagtapos ako ng pag-aaral at nung magsimula na akong magtrabaho ay nakilala ko naman doon si Denver. Isa din siyang architect at naging magkaibigan naman kami.
Apat kaming naging magkakaibigan doon. Si Elle, si Marvin at si Denver and we are all fresh graduates from different universities. Maganda ang naging pagkakaibigan namin at nagsimula na nga din si Denver na ligawan ako.
At dahil may trabaho naman na ako, naglakas-loob akong sagutin siya lalo pa at gusto ko naman din siya. He was a very supportive boyfriend at approved din naman siya kay Leonard.
Pero isang taon pa lang kami, napilitan akong makipaghiwalay sa kanya kahit pa masakit at kahit mahal ko siya, wala din naman akong choice.
Birthday ko noon at invited sila sa bahay para sa isang munting salo-salo. Ipinakilala ko si Denver sa Mommy ko at nakita ko naman na pinakiharapan ito ng aking ina. But on the middle of our celebration, dumating ang isang babae sa bahay at nagwawala siya.
Hinahanap niya si Mommy at nung harapin ito ni Leonard, sinabi niyang may atraso sa kanya ang aking ina. Akala ko, may utang dito si Mommy at hiyang-hiya talaga ako dahil nandito ang mga kaibigan ko.
Pero ang malala, hindi pala yun ang dahilan dahil lover daw ng asawa niya ang nanay ko!
Gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko dahil sa pang eeskandalo sa amin ng ginang at nung tignan ko si Denver, nakita ako ang pagaalangan sa kanyang mga mata. Natawa na lang ako sa sarili ko dahil ang taong inaasahan kong magiging sandalan ko, mukhang aatrasan pa ako.
Ang mga sumunod na buwan ay naging mahirap dahil ramdam ko naman ang pagbabago sa nobyo ko kaya para hindi na magtagal, nakipaghiwalay na ako sa kanya. Alam kong nag-iwan sa kanya ng pangit na impression ang nangyari lalo na at may pagka-conservative si Denver.
Ni hindi nga niya ako hinahalikan sa labi sa loob ng mahigit isang taon na magkarelasyon kami. Hanggang sa pisngi lang at tanging paghawak lang sa kamay ang ginagawa niya sa akin.
Ang katwiran niya, hindi pa daw kami kasal kaya naman mas minahal ko siya kasi alam ko na iginagalang niya ako.
Pero nauwi din ang lahat sa wala dahil na naman sa magulong pamilya ko!
Napapitlag ako nung makarinig ako ng katok sa pinto at nung sulyapan ko ang relo ay nakita kong alas-siyete na nga ng gabi. Nag-unahan na naman ang mga kalabog sa dibdib ko knowing na si Josh na ang kumakatok sa labas.
Mabuti na lang, malayo dito ang apartment ng mga boys kaya naman hindi malalaman ni Leonard ang tungkol sa dinner na ito.
Huminga muna ako ng malalim bago ko binuksan ang pinto at nakita ko nga na si Josh ang nasa labas.
“Good evening, Willow!” nakangiting sabi niya sa akin at hindi na nga bumalik sa normal ang tibok ng puso ko
“Good evening, kunin ko lang nag gamit ko!” sabi ko sa kanya dahil wala naman akong balak na papasukin siya sa loob
Tumalikod na ako at kinuha ko ang bag ko saka ako muling lumabas ng bahay. I locked the door at sumunod na ako kay Josh na naglakad na papunta sa kotse. He opened the door at nagpasalamat naman ako sa kanya.
I looked at him as he jogged on the other side of the car at masasabi ko na gaya ni Dylan, hindi maikakailang alagang-alaga ni Josh ang katawan niya. Kaya siguro maraming nababaliw sa kanila pero ibahinako ni Josh.
This night, kung may pakay siya sa akin, I will turn it down immediately.
Hindi siya makakabuti sa akin at dahil alam ko naman ang reputasyon niya, hindi ko isusugal ang sarili ko.
“Saan tayo?” tanong ko kay Josh at nakita ko naman na ngumiti siya sa akin
“Somewhere!”
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya pero nandoon ang excitement na hindi ko naman maikakaila.
Nagpatuloy lang si Josh sa pagddrive hanggang sa makarating kami sa isang kilalang resort dito sa Palawan.
“Anong ginagawa natin dito?” tanong ko sa kanya at kahit paano, kinakabahan naman ako
Ang sabi niya, dinner pero bakit dito niya ako dadalhin.
“Relax baby! May surprise ako sa iyo!” sagot sa akin ni Josh as we entered the place
“Private ang resort na ito at dahil gusto kong magdinner tayo sa tabing dagat, dito ko naisipang magpunta.” he parked the car at agad siyang lumabas ng kotse para umikot papunta sa side ko
He opened the door at inilahad niya ang kamay niya sa akin kaya wala naman akong nagawa kung hindi tanggapin iyon.
Hindi ko alam kung ako lang ang nakakaramdam ng tila kuryenteng dumadaloy sa palad ko sa pagdantay ng kamay niya sa akin at kung noon ay binawi ko ang kamay ko, ngayon, hindi ko naman magawa dahil hawak ito ng mahigpit ni Josh.
Naglakad kami papasok hanggang sa marating namin ang bahagi ng resort na malapit sa dagat. May nakita akong mesa doon at nakaramdam ako ng kakaiba upon seeing the place.
Dinala ako ni Josh doon at inalalayan pa niya akong makaupo sa silya.
“I hope you liked it!” sabi niya nung siya naman ang makaupo at hindi ko napigilan ang sarili ko na mapangiti
“The place is beautiful!” sabi ko habang nililibot ang paningin ko sa paligid
“Maganda talaga!” he said at nung mapatingin ako sa kanya ay titig na titig siya sa akin with those gorgeous blue eyes
Napansin siguro ni Josh ang pagkailang ko kaya naman sinenyasan na niya ang waiter at nagsimula na siyang magserve ng pagkain sa amin. Feeling ko, nasa fine dining restaurant kami dahil kumpleto ang meal mula sa appetizers, salad, main dish and of course, desert.
Masarap ang pagkain at sa palagay ko, malaki ang nagasta ni Josh dito.
“I hope you liked the food, Willow!” sabi niya habang umiinom siya ng wine
“Oo naman! Thank you kasi nag-effort ka talaga!” sagot ko naman sa kanya
“Kailangan yun para naman maimpress ko yung ka-date ko, tama!” he said in a jolly tone kaya naman naisip kong magtanong sa kanya
“Ginagawa mo ba ito sa lahat ng babaeng nakikilala mo?”
Umiling si Josh at bago niya ako sagutin ay uminom siyang ulit sa kanyang wineglass.
“Hindi Willow!”
“Talaga? So ibig sabihin, first time mo?” tanong ko at alam ko namang hindi siya nagsasabi ng totoo
“Yung pakikipag-date, of course, hindi! Pero yung ganitong effort, first time!” sagot niya sa akin kaya napangisi ako
“Weh! Hindi nga!” pang-aasar ko at natawa naman siya
“Alam ko naman hindi ka maniniwala eh. I know, kahit papaano, may mga narinig ka na tungkol sa akin at hindi ko naman idedeny yun.”
“Na babaero ka?” tanong ko at huli na para pigilan ko ang aking bibig
ALam ko naman na masyado ng personal yun pero pinili pa rin niya akong sagutin.
“Hindi ko naman idedeny na yun nga ang kumakalat na balita, Willow! Hindi lang sa akin pero sa aming magkakababata! Kasama na dun si Dylan! Pero ang masasabi ko, hindi ko gawain ang manakit ng babae. I mean, never pa akong nagkaroon ng commitment sa kahit na sinong babae at kung may nakakasama man ako, it’s jut for …alam mo na siguro ang ibig kong sabihin!” paliwanag niya sa akin
Nag-isip ako saka ako seryosong tumingin sa kanya.
“So, isa ba ako sa mga babaeng yun?” tanong ko at agad naman siyang umiling
“Hindi ako mage-effort na magpunta dito sa Palawan para makilala ka kung ganun lang ang gusto ko, Willow!” sabi niya sa akin
“Ibig mong sabihin….”
“Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagpunta dito sa Palawan Willow! Hindi ako yung tipo ng tao na maraming pasakalye kaya naman sinasabi ko na agad sa iyo ang totoo.”
“You expect me to believe that, Josh? Kanina lang tayo nagkita kaya paano mo nasabi yan?” tanong ko sa kanya dahil obvious naman na nagsisinungaling siya
“Lasing ka nga!” he mumbled pero naintindihan ko naman yun
“What?”
Natawa si Josh at ipinaliwanag niya sa akin kung bakit niya nasabi ang bagay na yun at halos lumubog na ako sa kinakaupuan ko dahil sa pagkakapahiya.
Well, hindi ko naman kasalanan iyon kasi lasing ako, tama?
“Hindi ko din alam kung anong dala mong gayuma at kahit na sa videocall lang kita nakita, I felt the need that I want to see you in person!” sagot niya sa akin at natameme na ako
He held my hand kaya naman napatingin na naman ako sa kanyang mga mata.
“I will not lie about my life, Willow! Hindi ako perpektong tao but in all honesty, I can say that I am willing to commit myself kung bibigyan mo ako ng pagkakataon. I really like you, Willow! Sana, hayaan mo akong makilala ka at ipakilala na din ang sarili ko sa iyo!”
JoshuaIlang taon na din ang nagdaan at masasabi ko na naging masaya ang bawat araw na kasama ako ang aking pamilya. They are my life at sila ang dahilan kung bakit mas naging pursigido ako to be the best person that I can be.Graduation ngayon ni Xander sa college at sobrang proud kami sa kanya ng kanyang Mommy Willow dahil naging mabuti siyang anak at Kuya sa mga kapatid niya. Kumuha siya ng kursong Business Management dahil gusto daw niyang makatulong sa kumpanya at doon ako natutuwa dahil nakikita ko ang kagustuhan niyang bumawi sa amin sa pagkupkop namin sa kanya.Miracle Blesilda is already in her first year in highschool at matalino din ang anak ko na ito. She has been a consistent honor sa school niya at sobrang proud na proud kaming Mommy niya sa kanya.Nasundan pa si Miracle and we named our son, Justine Xianne, which is obviously from my name at siya ay walong taong gulang na. Nasa elementarya na din siya at gaya ng Kuya at at nila, he has been making us proud of his achiev
WillowNakatingin sa akin si Kuya Diego habang inilalapag ko ang mga pagkain na dala ko sa kanya sa pagdalaw ko sa kanya sa kulungan. Ilang buwan na ding nakakulong ang kapatid ko magbuhat nung mabuwag ang grupo ng aking ama na isa palang notorious na sindikato.Involved sila sa drugs, kidnapping at carnapping at matagal na silang tinutugis ng pulisya. Gaya ng sinabi ni Kuya bago kami maghiwalay, isinuplong niya ang sarili naming ama matapos niyang itakas ang kanyang Mommy at ang isa pa naming kapatid na si Pamela sa lugar kung saan sila ikinulong ng aming ama.Labis na poot ang naramdaman ko noong malaman ko ang tungkol sa bagay na yun. Hindi masaya si Kuya Diego sa ginagawa niya pero dahil ginagamit na panakot ni Amadeo ang Mommy at kapatid nito, napilitan siyang pasukin ang sindikato maprotektahan lang ang mga ito.Mabuti na lang, nalaman na niya kung saan sila itinago ng aming ama kaya naman nung masiguro niyang ligtas na ang mga ito ay saka niya isinuplong ang aming ama.Pero hi
WillowPasado alas tres nung makarating ako sa bahay namin at ganun na lang ang gulat ng guard on duty nung makita niya ako.“Ma”am Willow!” “Kuya Bert, ako nga po!” Inaasahan ko na bubuksan niya ang gate pero nagulat ako kasi hindi naman siya kumikilos.“Kuya Bert, pakibuksan po ang gate.” sabi ko dito at nakita ko ang pag-aalangan sa mukha niya“May problema po ba?” “Eh Ma’am, pasensya na po! Ang bilin po kasi ni Sir, huwag magpapasok ng kahit na sino.” nagulat ako sa sagot niya sa akin at pinigilan ko na lang na magalit “Hindi naman ako kung sino lang, Kuya Bert! Nakalimutan niyo ba na diyan ako nakatira?” “Eh yun po kasi ang bilin ni Sir!” tila nahihiyang sagot niya sa akin kaya naman nagtaka ako kung bakit ako pagbabawalan ng asawa ko na pumasok sa sarili kong bahay“Nandyan ba si Josh? Kuya Bert, baka pwedeng makausap!” tanong ko at nakita ko ang Lito sa mukha nito“Mang Bert….” pamimilit ko “Eh Ma’am, wala po sila Sir dito!” he answered me at hindi na nga ako sumagot Ku
WillowDalawang araw na nawala si Diego at tuluyan na akong nawalan ng pag-asa na makakaalis pa ako dito.Naisip ko na baka nagbago na ang isip niya patungkol sa pagtulong sa akin o kaya naman ay hindi talaga niya balak gawin yun.Maaring nilinlang niya lang ako para hindi na ako lumaban.Narinig ko ang pagbukas ng pinto at hindi ko na ito nilingon. Alam ko naman kasi na ang kasambahay lang ito at dadaluhan na naman niya ako ng pagkain.Simula ng umalis si Diego, sa kwartong ito na ako nanatili. Nagpupunta si ang kaibigan ni Amadeo para I check ako at kahapon nga, sinabihan niya ako na ingatan ang sarili ko at magpalakas dahil tuloy na tuloy na ang operasyon.Mukhang si Amadeo nga talaga ang ama ko dahil perfect match kami.For once, I prayed na sana, hindi kami mag-match. In that way, papauwiin na niya ako pero sa nalaman ko, tinanggap ko na lang ang kapalaran ko.Ang mahalaga, makakabalik pa ako sa pamilya ko pagkatapos ng lahat.“Willow…..”Nanlaki ang mata ko at agad akong napali
Joshua“Mommy, kamusta ang anak ko?” tanong ko sa aking ina noong makababa na siya mula sa ikalawang palapag ng mansionTinabihan niya ako sa couch at hinimas ang likod ko dahil alam niyang sobrang bigat ng nararamdaman ko.Pangalawang gabi na ngayon buhat nung mawala si Willow at iyak ng iyak ang anak namin dahil hinahanap siya nito. Hindi namin ito mapatahan ni Annie kaya naman tinulungan na kami ni Mommy. Ang sabi ng kasambahay namin, may lalaking nagpunta sa mansion noong kaarawan ni Miracle at hinanap ang asawa ko.At hindi na nga siya bumalik…Pati ang guard na naka-duty noong panahon na yun ay no where to be found kaya naman doon na ako nag-alala.Sira din ang CCTV na naka-konekta sa gate kaya mas tumindi ang hinala ko na may nangyayaring hindi maganda sa asawa ko.“Nakatulog na si Miracle, iho! Napagod na din siguro sa pag-iyak!” malungkot na sagot ni Mommy“Mom, bakit ganun? Bakit hindi maubos-ubos ang problema naming mag-asawa? Wala na ba itong katapusan?” frustrated na t
Willow“Daddy, ano bang sinasabi ninyo? Wala sa usapan natin yan!” galit na sabi ni Diego pero sinamaan lang siya ng tingin ni Amadeo“Manahimik ka nga, Diego! Ikaw, higit sa lahat ang nakakaalam na hindi ako tumutupad sa usapan! Kaya nga tayo mas yumaman!” sabi naman ng matanda sa kapatid ko“Hindi ako pwedeng mag-donate! May sakit ako!’ sagot ko kaya napatingin sa akin si Diego pero ang dalawang matanda ay tila hindi naman nabigla“Magaling ka na, Willow! And you are a fit donor for your Daddy!” nakangiting sagot ng doctor kaya napakunot ang noo ko“Alam ko ang tungkol sa naging sakit mo, anak! Pero alam ko din na magaling ka na kaya huwag kang gumawa ng kwento!” sabi ni Amadeo kaya lalong naglatang ang galit ko sa kanya “Pinaimbestigahan mo ba ako?” Natawa si Amadeo! Yung tawang kasusuklaman mo!“Negosyante ako, anak! Kailangan alamin ko ang lahat bago ko pa ito pasukin!” “Wala kayong karapatan! Wala kayong karapatan!” sabi ko at napaiyak ako nung lapitan ako ni Diego at yakapi
Willow“Okay ka lang ba anak?” tanong sa akin ni Mommy habang nakaupo kaming dalawa sa salaNandito na ako sa dati kong bahay at may mga bisita na din si Simon na mga kaibigan at kasamahan niya sa trabaho.“Okay lang naman po, Mommy! Bakit ninyo naitanong?” “Willow, hindi man tayo magkasundo noon,
Willow“Saan kayo nagpunta ni Josh kagabi?”Napaangat ang mga mata ko ng marinig ko ang sinabi ni Dylan. Hindi ko alam na may alam siya tungkol sa paandar ng kaibigan niya kagabi.“Ha?!” patay- malisyang sagot ko and I saw how that wicked smile formed in the corner of his lips“I know my brother v
WillowMasaya ang naging lunch ng team at paminsan-minsan ay sumasali ako sa biruan ng grupo pero alam ko naman na nahahalata ng mga kasama ko ang paminsang pananahimik ko. Hindi ko alam kung ano ang aabutan ko sa aking pag-uwi at sa totoo lang, sumasakit talaga ang ulo ko dahil doon.“Okay ka lan
WillowI am busy at work dahil may mga changes na kailangang gawin sa design ng ipinapatayong projects ng Samaniego’s Pride dito sa Palawan.Dalawang buwan na din ako dito at masasabi ko naman na masaya ang stay ko dito lalo na at kasama ko ang kaibigan ko na si Leonard na siyang Engineer ng projec







