"Hera, keep smiling," bulong ni Nazzer, napansin ang pagbabago sa ekspresyon ko. "Don't look away from the cameras."Pinilit kong ngumiti, pero ang puso ko, unti-unting nadudurog. Pagkatapos ng runway walk, dinala kami ni Nazzer sa gitna para sa isang maikling speech."Tonight is not just about a business launch," panimula ni Nazzer. "Tonight is about a homecoming. Pitong taon akong nawala, pitong taon akong naghintay. And tonight, I am not just launching a brand. I am announcing to the world that my wife and my son are finally home."Isang malakas na singhapan ang narinig mula sa mga bisita. Nagsimula ang bulungan. Iyong mga camera, mas lalong naging agresibo sa pag-flash."Nazzer, what are you doing?" bulong ko, nanlalamig ang mga kamay."Giving them the truth, Hera," sagot niya nang hindi inaalis ang ngiti sa mga labi.Pagkatapos ng speech, agad kaming pinaligiran ng mga reporters. "Mr. Alcantara, is it true? Is Ms. Hera your long-lost wife?" "Ms. Hera, what can you say about this
Read more