"Bat1 na kayo?" tanong ni Mama habang inilalapag ang mga pinamili sa lamesa. "Opo, Ma. Bat1 na po," sagot ko, hindi makatingin nang diretso sa kanila. Ramdam ko pa rin kasi ang init sa pisngi ko mula sa muntik nang mangyari kanina. Si Liam naman, matapos ibaba ang tawag ng Daddy niya, ay agad na lumapit kay Mama. "Tita, tulungan ko na po kayo sa kusina. Nagluto na rin po ako ng tinola para kay Ash kanina, pero baka gusto niyo pong magluto ng iba para sa hapunan." "Aba, marunong ka palang magluto, hijo? Sige, tulungan mo ako. Gusto ko sanang mag-gisa ng gulay," sagot ni Mama na halatang tuwang-tuwa sa pagiging bibo ni Liam. Habang nasa kusina sila, naupo muna ako sa sofa, pinapanood silang dalawa. Ang sarap sa pakiramdam na makita ang boss ko, ang lalaking kinatatakutan sa opisina, na seryosong nagh1hiwa ng bawang at tumutulong sa nanay ko. Paminsan-minsan ay nagkakatuwaan sila, naririnig ko ang tawa ni Liam na sumasabay sa mga kwento ni Mama. Pakiramdam ko, hindi na lang
Last Updated : 2026-04-16 Read more