LOGIN"Hera, asawa ko, sandali lang!" habol sa akin ni Nazz, pero dali-dali akong lumabas ng lugar na iyon.Nakarating ako sa labas, ngunit bago pa man ako tuluyang makalayo, hinarang niya ako. Napasinghap ako nang bigla niya akong buhatin na parang isang sakong bigas!"Nazz! Ano ba! Ibaba mo ako!" Pinaghahampas ko ang likod niya, pero tila wala siyang naririnig.Maingat niya akong ipinasok sa kanyang sasakyan at mabilis itong pinaharurot. Nang akma na sana akong magsasalita para muling makipagtalo, biglang kumalam ang sikmura ko, isang tunog na siguradong narinig niya dahil sa sobrang tahimik ng loob ng kotse.Napansin kong ngumiti siya kaya hinampas ko ang braso niya. "Bakit ka nakangiti? Nakakatuwa?""I know a place," nakangiting sabi niya. "We'll go there and order all the food you want.""Hindi! Sa bahay na ako kakain!" tutol ko sa kanya."No, doon tayo."At pagdating namin sa lugar, halos lumuwa ang mga mata ko sa dami ng nakahain na pagkain. Sa tingin ba niya kaya ko lahat '
Bumungad sa akin ang puting kisame nang magising ako at napagtantong nasa ospital ako. Mabigat ang bawat paghinga ko, tila may nakadagan na semento sa dibdib ko. Paglingon ko sa kanan, nakita ko ang puting swero na nakatusok sa aking kamay. Sa kaliwa naman, nandoon siya. Si Nazzer. Nakapatong ang ulo niya sa gilid ng kama ko, hawak ang isa kong kamay kahit natutulog. Mukha siyang pagod na pagod, iyong buhok niya, magulo, at ang mga mata niya, may malalim na itim sa ilalim. Siguro kung sa ibang pagkakataon, baka naawa pa ako. Baka hinaplos ko pa ang mukha niya at sinabing ayos lang ako. Pero nang bumalik sa isip ko ang imahe niya sa restaurant, iyong kamay niya sa bewang ni Monica, ang pagsandig ng babaeng iyon sa balikat niya, isang matinding poot ang bumalot sa akin. Dahan-dahan, nang hindi gumagawa ng kahit anong tunog, binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang daing nang marahas kong hugutin ang IV needle sa likod ng palad ko.
Wala akong gana nang bumangon ako. Ni hindi ko magawang tingnan ang repleksyon ko sa salamin dahil alam kong tanging pagod at pait lang ang makikita ko sa mga mata ko.Nagbihis ako ng isang pormal na black suit at dire-diretsong lumabas ng mansyon nang hindi man lang tinitingnan ang inihandang almusal ni Nazzer sa kusina.Pagdating ko sa opisina, iyong mga empleyado kong dati ay masayang bumabati, ngayon ay nagmamadaling tumungo sa kani-kanilang desk dahil sa talim ng tingin ko."Hazel! Nasaan ang quarterly report?! Bakit hanggang ngayon wala pa sa table ko?!" singhal ko pagkapasok na pagkapasok ko pa lang."Ma-Ma'am, sabi niyo po bukas pa ang deadline—""I don't care about the deadline! Gusto ko 'yan ngayon! At itong packaging design na 'to, bakit ganito kapangit?! Trash this! Ulitin niyo lahat!" sigaw ko sabay balibag ng folder sa harap niya."Pe-pero Ma'am, approved niyo na po 'yan noong nakaraang linggo—""Then I changed my mind! Do I need to repeat myself?!"Napayuko na la
Sa mga sumunod na araw, ganun ang naging takbo ng buhay namin. Kahit anong gawin niyang panunuyo, kahit anong regalo ang ibigay niya, tinatapatan ko lang iyon ng tipid na sagot at pormal na pakikitungo. I was cold, distant, and purely professional. Kapag sinusubukan niyang humalik, umiiwas ako. Kapag sinusubukan niyang mag-open up, ibabalik ko ang usapan sa sales ng Hera's Co.Nasaktan ako ng sobra sa nakita ko, pero hindi pa rin sumasagi sa isip niya na nandoon ako kaya ganito na lang ako makitungo sa kanya.Nakakainis! Gusto ko na lang umalis dito! Bwisit!Isang gabi, matapos ang halos isang linggong cold war namin, pumasok si Nazzer sa kwarto, bagsak ang balikat, nangingitim din ang ilalim ng mata. I was sitting on the edge of the bed, applying lotion, pretending he wasn't there.Bigla niyang hinablot ang bote ng lotion mula sa kamay ko at ibinalandra iyon sa nightstand. "Enough, Hera! Ano bang nangyayari sa'yo?! I've been patient! I've been giving you everything, but you treat me
Matapos ang madamdaming umagang iyon, pakiramdam ko naging mas magaan ang lahat. Every corner of the mansion was slowly filled with Liam’s laughter, while Nazzer never grew tired of showing his love in every moment. Ngunit sa likod ng saya, hindi ko pa rin nakakalimutan ang pangako ko sa sarili, ang buuin ang pangarap kong maging isang perfumer.I really wanted to expand my business, kahit na medyo mahirap kasi kailangan maganda ang timpla. There are a lot of considerations.Isang hapon, naisipan kong dumaan sa opisina ni Nazzer nang hindi sinasabi sa kanya. Gusto ko siyang sorpresahin at personal na ibalita na mag-t-training ako para sa pagiging perfumer. I was carrying my sketchpad, where I had written my first scent notes, excited to show him my progress.Pagdating ko sa Alcantara Strategic Investments, nakasalubong ko ang ilang empleyado na nakangiting yumuyuko sa akin tapos ilang designer since dito rin naka-base ang office ng clothing line nila.Alam na ng lahat kung sino ako pa
Habang iniimpake ko ang huling mga gamit ni Liam, hindi ko maiwasang mapatitig sa bakanteng kwarto ni Harith. Wala na siya doon. Pagkatapos ng gabi ng gala, hindi na siya bumalik, tanging maikling sulat lang ng paghingi ng tawad ang iniwan niya sa lamesa."Mommy, are we going to stay with the tall man now?" tanong ni Liam habang yakap-yakap ang kanyang paboritong stuffed toy."Yes, baby. We’re going to live with... with your Daddy," sagot ko, pilit na ngumiti.Nang bumaba kami sa lobby, nandoon na si Nazzer. Siya mismo ang kumuha ng mga maleta namin at isinakay sa kanyang sasakyan. Walang imik, pero bawat galaw niya, puno ng pag-iingat, na tila ba natatakot siyang bigla akong magbago ng isip.Nasa eksklusibong subdivision sa Forbes Park ang mansyon ni Nazzer, at kahit ang anak namin, halos malula sa laki. Pagpasok namin, laking gulat ko na hindi ito kasing-lamig ng inaasahan ko. Bawat sulok, pinalamutian ng mga paborito kong bulaklak, at iyong amoy, napakasarap sa ilong."Welcome home







