Beranda / Romance / The Billionaire’s Exclusive Maid / Kabanata 31 Being Protective

Share

Kabanata 31 Being Protective

Penulis: Maria Bonifacia
last update Tanggal publikasi: 2026-03-31 22:04:41
Nakataas ang kamay ni Yaya Rosie, hawak ang relo gamit ang dalawang daliri. Kumislap ang brilyante sa ilaw ng chandelier.

“Ayan nga!” sigaw ni Jewel, halos mangiyak-ngiyak pero halatang may arte. “Ayan nga ang nawawala kong watch!”

Nanigas si Gracie.

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Biglang nanikip ang lalamunan niya. Gusto niyang sumigaw, pero walang lumabas.

“Tatawag na ako ng pulis,” banta ni Yaya Rosie. “Para ipakulong ang magnanakaw na ’yan.”

“Hindi akin ‘yan,” basag ang boses niy
Maria Bonifacia

Taos pusong pasasalamat po sa pagbabasa, comments, gifts, at gems! Godbless po!

| 29
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (8)
goodnovel comment avatar
Antonietta Prado Martinez
nice story.
goodnovel comment avatar
Jocelyn Anton
hindi taposn kabanata maganda sana
goodnovel comment avatar
Ria Me
maganda tlga ung bidang lalaki d2 kc laging nanjan.
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Billionaire’s Exclusive Maid   Kabanata 34 Very Efficient Maid

    Saglit na katahimikan.Tumayo si Jayden. Lumapit sa bintana, nakatalikod. Parang pinipili ang salita.“I have no plans of ruining her life,” sabi nito sa wakas. “She chose her path.”Napakurap si Gracie.“But…” dugtong ni Jayden, mas malamig, “I’ll make sure she’ll be happy and protected.”Protected.Parang may tumama sa dibdib niya. Kasi biglang pumasok sa isip niya, ganito pala magmahal ang isang Jayden Valencia? Yung hindi kanya, pero binabantayan pa rin? Nagmamahal mula sa malayo.Nag-vibrate ang phone ni Jayden. Sinulyapan niya ang screen, tapos kumunot ang noo.May pumasok na message mula kay Tanya at mabilis nitong nireplyan.Bumukas ang office.“Sir, they’re ready,” sabi ng assistant.Jayden’s jaw tightened. He looked her.“Come,” sabi niya. “You’re coming in.”Nang pumasok sila sa boardroom, nakatutok ang lahat ng mata, mga investors, executives, at staff.Ramdam niyang hindi lang tsismis ang kapalit ng pagiging malapit kay Jayden. Pero kakapit siya para sa pera at pangarap.N

  • The Billionaire’s Exclusive Maid   Kabanata 33 Always Beside Him

    “Nagtatrabaho lang po ako,” mahinahon na sagot ni Gracie, pilit nakatayo nang tuwid kahit nanginginig ang dibdib niya.Mabango ang air freshener, pero mabigat ang hangin sa pagitan nila ni Tanya.Tinaasan siya nito ng kilay, saka ngumiti nang marahan. ‘Yung ngiting hindi mo alam kung ano ang pakay.“Jayden is mine,” sabi ni Tanya, mababa ang boses pero matalas. “Kaya dumistansya ka sa kanya.”Napasinghap si Gracie, pero pinigilan niyang umurong. Hindi siya pwedeng magmukhang guilty. Hindi siya pwedeng magmukhang kabit. Hindi siya pwedeng magmukhang… anything, except employee. Walang dapat makaalam ng relasyon nila ni Jayden base sa pinirmahan niyang kontrata.Pero hindi niya napigilan ang sarili.“Hindi po ba… may asawa na kayo?” lumabas sa bibig niya, bago pa niya mahabol.Tumalim ang tingin ni Tanya, parang biglang nagbago ang temperatura sa loob ng comfort room.“Matalas ang dila mo,” anito, halatang nasaktan ang ego. “Pipiliin mo ang kalaban mo, ha?”Nilunok ni Gracie ang kaba. “Hi

  • The Billionaire’s Exclusive Maid   Kabanata 32 Her Uniform

    “Why are you protecting her?” tanong ni Donya Margie.Hindi kumurap si Jayden. “Mom, she’s my personal maid. Masyado kayong advanced mag-isip.”Bahagyang ngumiti ang Donya. “Nagtatanong lang ako. If you like her, walang problema.” Sumulyap ito sa hagdan kung saan nakatayo si Gracie, pilit nagkukubli sa anino. “Tanya is already married. Time to move on.”Tumigas ang panga ni Jayden. “Mom, I’m busy.” Tumayo siya, ayaw patagalin ang usapan. “Let’s talk some other time.”“Busy,” ulit ng Donya, halos pabulong. “Sige, anak.”***Kinagabihan, halos hindi na gumana ang katawan ni Gracie sa pagod. Pagbalik niya sa kwarto, bumagsak siya sa kama. Nakatulog siya nang hindi man lang nakapagdasal.Kaya nang may kumatok kinaumagahan, pupungas-pungas siyang bumangon.“Annie?” tawag niya habang binubuksan ang pinto, akala niya ay dumating na ang kaibigan.Pagbukas niya, nanlaki ang mata niya.Si Sir Jayden.Naka-long sleeves, maayos ang buhok, parang pagkabango-bango. Sa kamay nito, may garment bag at

  • The Billionaire’s Exclusive Maid   Kabanata 31 Being Protective

    Nakataas ang kamay ni Yaya Rosie, hawak ang relo gamit ang dalawang daliri. Kumislap ang brilyante sa ilaw ng chandelier.“Ayan nga!” sigaw ni Jewel, halos mangiyak-ngiyak pero halatang may arte. “Ayan nga ang nawawala kong watch!”Nanigas si Gracie.Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Biglang nanikip ang lalamunan niya. Gusto niyang sumigaw, pero walang lumabas.“Tatawag na ako ng pulis,” banta ni Yaya Rosie. “Para ipakulong ang magnanakaw na ’yan.”“Hindi akin ‘yan,” basag ang boses niya, nanginginig. “Please, maniwala po kayo. Hindi ako magnanakaw.”May mga kasambahay na nagbulungan. May mga mata na umiwas. Yung iba, parang natakot madamay.At sa gitna ng kaguluhan, dumating si Donya Margie.“Mommy!” umiyak si Jewel, mabilis lumapit at kumapit sa braso ng Donya. “Natatakot ako. Hindi na tayo safe sa sarili nating bahay dahil may magnanakaw!”Hinaplos ni Donya Margie ang buhok ni Jewel, pinapakalma ito. “Sshh… okay, hija. Calm down.”Si Gracie, nakatayo lang. Namumutla. Parang

  • The Billionaire’s Exclusive Maid   Kabanata 30 A Hundred Million Offer

    Pinatulog si Gracie ni Jayden sa kama. Pagod na pagod ang katawan at isip niya sa lahat ng nangyari, demolisyon, kontrata, banta ni Andres. Ilang minuto pa lang siyang nakapikit ay tuluyan na siyang nakatulog.Pagmulat niya, umaga na.Tahimik ang condo. Malamig ang aircon. At sa tabi ng kama, may tray, parang eksena sa pelikula.May lugaw na overload sa sahog, may prutas, may tubig, at dalawang tableta na nakapatong sa maliit na platito. May maliit pang sticky note.Nanlaki ang mata ni Gracie. Bumangon siya nang dahan-dahan. May kumirot pa rin sa ulo niya, pero hindi na kasing bigat kagabi.“Gising ka na?”Napalingon siya.Nasa may pintuan si Jayden, naka-grey shirt, sleeves rolled up, hawak ang phone.“Kumain ka para magkaroon ka ng lakas,” sabi niya, parang utos na hindi pwedeng tanggihan.Umupo si Gracie at tumango. “Opo, Sir.”Sumubo siya ng lugaw.“Sir…Hindi ninyo naman po kailangan akong asikasuhin.”Umangat ang tingin ni Jayden mula sa phone. “You’re my responsibility now.”Par

  • The Billionaire’s Exclusive Maid   Kabanata 29 Signing the Contract

    “Sir…” halos pabulong na sabi ni Gracie. “Yung offer ninyo?”Tumango si Jayden. “Exclusive.”Parang nagsara ang lalamunan niya. Naalala niya yung salary, benefits, at signing bonus. Parang lahat ng problema niya, ito na ang solusyon.Pero kapalit nun… matatali siya kay Jayden Valencia.Natatakot siya sa maaaring mangyari.Pero tsaka na niya iisipin. Masaya silang lahat sa lugar dahil hindi na sila mapapaalis.Parang piyesta ang Kalye Pusali.“Boss Jayden!” sigaw ng isang lalaki na pawis pa sa laro kanina. “Laro po tayo ng basletball! Rematch!”“Rematch!” sigaw ng iba. “MVP ka eh!”Nakatayo sa gilid si Gracie. Kanina lang, demolisyon ang usapan. Ngayon, parang may himala. May hiyawan at tawanan.May mahabang mesa na biglang inilabas sa gitna ng kalsada, parang magic. May naglabas ng kaldero ng sinigang. May naglatag ng pancit. May naglabas ng rice cooker. May nanay na nag-ayos ng plastic na upuan. Talo talo na.“Magsasalo-salo tayo!” sigaw ng isang kapitbahay. “Para sa bagong… buhay at

  • The Billionaire’s Exclusive Maid   Kabanata 24 Paying Her Debt

    Kinabahan si Gracie. Parang wala na siyang kawala, pero sa totoo lang, gusto na rin niyang matapos. Gusto na niyang mabawasan ang utang, mabawasan ang bigat sa dibdib niya.Tumalikod si Jayden at naglakad papunta sa maliit na bar counter ng condo.“Gusto mong kumain ng dinner?” tanong nito, hindi m

  • The Billionaire’s Exclusive Maid   Kabanata 20 Being Late

    Nanlaki ang mata ni Gracie.Nabasa niya ulit ang message.Napatitig si Gracie sa orasan sa hallway.8:00 PM.May isang oras pa.Isang oras para maghanda… isang oras para huminga… isang oras para mag-isip.Pero bakit, sa halip na puro takot, may kung anong excitement na pumipintig sa dibdib niya?Par

  • The Billionaire’s Exclusive Maid   Kabanata 19 Taste So Sweet

    Bitbit ni Gracie ang bag at tray ng tsaa, nanginginig ang kamay kahit pinipilit niyang maging kalmado.Kumatok siya.“Come in.”Pinihit niya ang seradura.Nakatayo si Jayden sa loob, naka-white shirt, buhok bahagyang magulo,Tumigil ang mata nito sa mukha niya. Sa noo niyang nakakunot.“Bakit ganya

  • The Billionaire’s Exclusive Maid   Kabanata 18 Jealous of the Girl

    Hindi na siya kumibo.Biglang humugot ng hininga si Jayden.“Ang init, pakiabot nga ‘yun tshirt ko d’yan sa compartment.”Dumukwang siya upang kumuha ng damit.Hinila nito pataas ang damit at tinanggal, parang normal lang, parang wala itong katabi na halos hindi makahinga.Napatigil si Gracie.Ayaw

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status