Tahimik lang si Mrs. Montale. Ilang segundo siyang nakatingin kay Theariza—diretso, tila sinusuri ang bawat galaw, bawat ekspresyon. “Sigurado ka?” malamig niyang tanong. Bahagyang kumunot ang noo ni Theariza, ngunit agad din niyang pinakalma ang sarili. “Opo…” sagot niya, mahina ngunit kontrolado. “Matagal na po kasi iyon, hindi ko na talaga matandaan kung nasaan—” “Hindi mo matandaan…” ulit ni Mrs. Montale, bahagyang pinuputol ang kanyang sinasabi. Diba dapat mahalaga ang iniwan ng magulang nila sa kanilang anak?! Isang mabigat na katahimikan ang sumunod. Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ni Theariza. Bakit parang hindi siya naniniwala…? May alam ba siya…tungkol sa pagkatao ko,kaya iyon din ang naging dahilan ng pagbagsak ko,kaya hindi niya tinuloy ang halalan?” Dahan-dahan siyang napalunok, pero pinilit niyang panatilihin ang maayos na postura. “May problema po ba sa kwintas na iyon Mama?” tanong niya, maingat ang tono. Saglit na tumingin sa gilid si Mrs.
Read more