“Kung ganito palagi ang bungad sa akin ng mga tauhan ko, baka tuluyan nang mawala ang galit ko…” bahagyang napangiti si Theariza habang inaayos ang kanyang suot. “Salamat, Analyn. Tara na, pumunta na tayo sa gala celebration ng Montellana Group.” Mahinahon ang kanyang tinig, pero halatang may bigat pa rin ang mga iniisip. Gayunpaman, pinili niyang huwag na itong palakihin—lalo na’t mahalaga ang gabing iyon para sa kumpanya. Sa likod niya, bahagyang yumuko si Analyn. “Yes, Madam CEO,” magalang nitong sagot. Ngunit sa kabila ng maayos na kilos, may lihim na ngiting sumilay sa labi ni Analyn—isang ngiting hindi napansin ni Theariza. Ito na ang huli mong ngiti, Theariza, lihim niyang bulong sa sarili. Sa gabing ito, malalaman na ng lahat ang katotohanan… na isa kang pekeng Theariza. At ang tunay… haharap na sa’yo maya-maya lang. Tahimik siyang sumunod habang naglalakad sila palabas, tangan ang isang lihim na kayang bumago sa lahat. “Makalipas ang ilang sandali, maayos na binabaybay
Read more