Halos hindi ako humihinga habang mabusisi niyang sinusuri ang bawat plate na ginawa ko. Kung minsan ay kumukunot ang noo niya, habang ako namay ay heto’t nakatayo lang sa gilid niya, pasimpleng pinag-aaralan ang mukha niya. Sa sobrang lapit namin ngayon sa isa’t isa, kitang-kita ko ang haba ng pilik-mata niya at ang linis ng pagkaka-shave ng balbas niya. Lord, paano naging ganito kagwapo ang isang tao? Hindi na ata siya tao, e. Para siyang anghel sa sobrang guwapo, gosh! "This one," bigla niyang saad habang itinuturo ang Isometric projection plate ko. "Your linework is shaky. Hindi pantay-pantay ang pressure ng lapis mo. Some lines are too bold, others are too faint." Napalunok ako. "Ah, eh... puyat po kasi ako niyan, Boss Architect. Pero tama naman po ang angles, 'di ba?" Hindi siya sumagot. Sa halip ay inilipat niya ang pahina sa sumunod na plate, ang Site Development Planning. D'yan ako pinaka-nahirapan. Sa sobrang hirap ay ibinuhos ko na ang lahat ng natutunan ko sa onlin
Last Updated : 2026-06-04 Read more