Tahimik ang naging biyahe namin pauwi sa apartment ko. Nakadungaw lang ako sa bintana ng kotse ni Simon habang pinapanood ang mga nagtatakbuhang ilaw ng lungsod, pero ang isip ko ay naiwan pa rin sa bar, partikular sa naging eksena namin ni Gab. Nang itigil ni Simon ang kotse sa harap ng apartment ko ay hinawakan niya ang siko ko bago ako tuluyang makababa. "Don't overthink this, Claire," seryoso pero malumanay niyang bilin. "You did the right thing. Kailangan niyang matutunan na hindi ka isang gamit na pwede niyang iwan at balikan kung kailan niya gusto. Matulog ka nang mahimbing, okay?” "Salamat, Simon. Pasensya ka na talaga ulit," pilit ang ngiting sagot ko bago bumaba. Pagkapasok ko sa loob ng madilim kong apartment, hindi ko na nagawang magpalit ng damit. Diretso akong humiga sa kama at doon ay muling bumuhos ang mga luha ko. Ang bigat sa dibdib. Gusto kong panindigan ang galit ko, pero tuwing naiisip ko ang huling tingin ni Gab bago siya tumalikod, parang dinudurog ang puso
Last Updated : 2026-05-26 Read more