Pagkatapos ng event, agad na rin silang umuwi,habang nasa byahe,tahimik sila at nag iisip, parehong tulala na nakarahap sa bintana ng sasakyan,walang kahit na anong ingay ang maririnig na parang may isang pader sa pagitan nilang dalawa. Pagdating nila ng bahay, ang buong akala ni Gea ay makakahinga na siya ng maluwag, nagawa niya ang unang pagsubok bilang si Mrs.Vale. Napabuntong hininga si Gea ng malalim na parang kagagaling lang niya sa isang matinding labanan sa pagitan ng apoy at tubig. "sa wakas, nakauwi na rin." sambit niya.Pero ang inakala niyang makakahinga na siya ng maluwag ay mali pala. Pagkapasok sa pinto, tahimik ang buong bahay, bawat sulok ay wala kang maririnig na kahit anong ingay. Pero ramdam ang bigat ng hangin sa loob na parang walang nakatira. Napaupo saglit si Gea sa sofa at sumandal saglit, iniisip kung nagawa ba niya ng tama ang role niya na pagiging isang tunay na asawa. "Good job tonight," sabi ni Ethan na nakangiti habang nagtatanggal ng tie. T
Last Updated : 2026-02-28 Read more