LOGINPagkatapos ay tumalikod at umalis
"Marco..! Marco ..! Sandali!" Sigaw nya ngunit hindi na sya ulit pinakinggan at tuluyan ng iniwan. Napaupo si Gea, napahawak sa dibdib at pilit na hinahabol ang pag hinga dahil sa sakit at bigat ng kanyang naramdaman. Hanggang sa di na nya napigilan ang sarili ,unti unting pumatak ang kanyang mga luha hanggang sa humagulgol na ng iyak sa labas ng ospital sa gitna ng maraming tao na may kani kanya ring problema. Kasabay nang biglang pag buhos ng malakas na ulan, pinunasan nya ang kanyang mga luha, tumayo at tumakbong palayo ng hospital. Halos di na alam kung ano ang gagawin at kung saan pupunta. Tumatakbo sa gitna ng kalsada hawak hawak ang isang sobre ng medical bills ng kanyang kapatid, hindi na inintindi ang mga sasakyan pati na ang sarili. "Bakit ganito ang buhay ko...? Bulong nya. " Ano bang nagawa kong mali..? Habang tumatakbo, ay tuloy tuloy pa rin ang pag buhos ng mga luha sa kanyang mga mata at naging malabo ang kanyang paningin dahil sa luha at tubig na bumabagsak sa kanyang mukha. Wala na syang ibang maisip na gawin kundi ang tumakbo palayo na parang gusto nyang maka takas sa sakit, mga problema at sa sarili nyang mundo. Nang biglang nabunggo nya ang isang lalaki, bumangga sya sa matigas nitong dibdib ,napa atras sya at halos matumba na sa pagkakabangga. Agad naman syang nahawakan sa braso at bewang ng lalaki. "Miss, ayos ka lang?" Malamig at mahinahong sabi nito. Agad na napatigil si Gea at tumingala. Nakita nya ang isang pogi at gwapong lalaki,may matalas na mga mata pero mahinahon ang ekspresyon at may matipunong pangangatawan na nakasuot ng kulay itim na suit na basang basa na rin ng ulan. Agad nyang naramdaman ang bigat sa dibdib at kasabay ng biglang pag hagugol ng malakas at sinabi... "Pasensya na po..." Sambit nito sabay takip ng muka. "Hindi ko po sinasadya." "Halika,sumilong muna tayo." Saad nito. Agad namang inalalayan ng lalaki at hinawakan sa balikat si Gea at inakay papunta sa gilid ng kalsada at sumilong sa bubong ng maliit na coffee shop. Hindi na sya tumutol , at naupo sa gilid, habang nakatayo naman sa tabi nya ang lalaki. Inabutan sya ng malinis na panyo. "Punasan mo mukha mo..." mahinang sabi nito " baka magkasakit ka nyan." "Salamat.." mahinang sagot nya. Habang tinitingnan sya ng lalaki, napansin nya ang isang sobre ng medical bills na hawak nya at basang basa ng ulan. "May problema ka...? Mahinang tanong nito. " Mukhang malaki. " Dagdag pa nito. Agad na nanlaki ang mata ni Gea. " Pasensya na po, hindi ko po intensyon ipakita ito" sabay tinakpan ng mga kamay. " No! it's fine,di mo kailangan magpaliwang, "putol nito. " Nakita ko na. " Napatigil saglit si Gea pagkatapos ay biglang natawa na may halong pait at sakit . " Hindi ko na po alam ang gagawin ko, pakiramdam ko nauubusan na ako at nawawalan na ng pag asa."mahinang sabi ni Gea na may pag amin sa sarili. " May sakit ba ang kapatid mo? " " Opo, paano nyo po nalaman? "Sabi nya na may pagkagulat. " Nakikita ko sa mga mata mo na punong puno ng pag aalala." Sagot nya. Ilang sigundong natahimik si Gea at pagkatapos ay nagsalita. "Iniwan po ako ng boyfriend ko," sabi nya."iniwan nya ako kung kailan mas lalong kailangan ko sya. " Tinitigan sya ng lalaki at nakinig. "Hindi ko naman hinihingi na akuin nya lahat ng problema ko," patuloy nya. "Kahit kunting tulong lang sana pero mas pinili nya pa ring iwan ako." " Hmmm, mukang masakit nga. " " Opo, sobrang sakit, pero mas masakit sa pakiramdam ang makita kong sobrang nahihirapan ang kapatid ko at unti unting nawawala. " Pagkatapos ay tumulo ulit ang mga luha ng dahan dahan. Sandaling napatigil ang lalaki,at pagkatapos ay dahan dahan ring nagsalita . "May iaalok ako sayo ." Sambit nya. Napatingin si Gea sa lalaki at nagtaka. " Alok...? Anong pong alok? "Tanong nya. Bahagyang tumayo ang lalaki at tumingin sa kalsada pagkatapos ay ibinaling muli ang tingin sa babae. " Kailangan ko ng Asawa. " Deretsong sabi nya. " Ha..? " " I need a contract Wife," paglilinaw agad ng lalaki. "Hmmm... Hindi totoong kasal, kumbaga sa madaling salita, kasal lang tayo sa papel at sa harap ng publiko., ganun." Dagdag pa nya. Agad namang nanlaki ang mga mata ni Gea sa pagka bigla. "Ano pong sinasabi nyo?" Napangiti si Gea ng bahagya na mejo nagtataka . "Tama ang narinig mo Miss." halos mahinang sabi nito, "pakasalan mo ako, pagkatapos ang kapalit ay babayaran ko ang lahat ng bayarin mo at iba pang gastusin sa ospital,at bibigyan din kita ng sapat na pera na ipanggagastos mo." paliwanag pa nya. Biglang natahimik si Gea at hindi nakapag salita agad. Tanging tunog lamang ng pagbuhos ng ulan ang naririnig mula sa bobong. " Ngunit hindi po ako... " Biglang pinutol ng lalaki. " Huwag kang mag alalala,hindi ko to ginagawa para bilhin ka o para sa sarili ko,at hindi ko rin hihilingin ang katawan mo" paliwanag nya."isipin mo nalang na isa lang itong kasunduan sa papel ." " Pero bakit ako?" Tanong nya. "Hindi nyo naman po ako kilala at hindi ko rin po kayo kilala." " Dahil nakikita ko sa mga mata mo na may mabuti kang puso at wala kang intensyon na samantalahin ako,"tugon nya "at wala ka ring dapat na itago, isipin mo pareho tayong nangangailangan, diba? Bat di tayo magtulungan?" Dagdag pa nya. Agad na napayuko si Gea at tahimik na nag isip. Biglang naalala nya ang mga mukha ni lea, payat, maputla at nanghihina na dahil sa pagtitiis. Sa isip nya, kung ito lang ang tanging paraan para mailigtas nya ang kapatid at maipagamot sa lalong madaling panahon ay wala na syang ibang pagpipilian kundi ang tanggapin. Ngunit may kunting pagaalinlangan ito na baka mas lalong masaktan ang kapatid kapag nalaman nya. "Hindi mo kailangan magpasya agad," sambit ng lalaki," hindi kita mamadaliin pero tandaan mo na hindi mo hawak ang oras at buhay ng kapatid mo." Tahimik pa rin si Gea pero dahil sa agarang gamutan ng kapatid ay kailangan nyang makapag pasya agad at siguruhin na magiging maayos ang kalagayan ni Lea. "Pwede po ba akong mag tanong?" Sabi nya. "Oo,sige,go ahead." "Sino po ba talaga kayo?" Mahinang tanong nya na mejo nahihiya. Ngumiti ng bahagya ang lalaki at sumagot. "Ako si Ethan Vale... CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuhan mo." Biglang nanlaki ang mga mata ni Gea sa gulat. "Ha..?! kaw...? Ikaw pala ang boss ko." Biglang namula ang mukha ni Gea at mejo nahiya sa nalaman. " Oo" Ang isang lalaki na di nya kilala na nabangga nya sa gitna ng ulan,ay sya rin ang lalaki na makapangyarihan at nag mamay ari ng kumpanya kung saan sya nagtatrabaho.Ngayon ay nagaalok sa kanya ng isang kasunduan na pwedeng makapagpabago ng kanyang buhay sa hinaharap. " Pwede ko po bang pag isipan muna?"tanong nito. " Oo sige,bibigyan kita ng oras hanggng bukas para makapag isip. Tumango sya at agad na umalis. Habang naglalakad sya palayo ay ramdam nya ang isang mabigat na disisyon na kailangan nyang gawin kung tama ba ito subalit wala syang ibang pagpipilian kundi ang tanggapin .Habang binabaybay nila ang mahabang kalsada papunta sa bahay ni Ethan. Tahimik namang nakaupo si Gea sa tabi ng bintana habang hawak nya ang maliit na bag na may laman ng kaunting damit at iilang personal na dokumento. Hindi pa rin sya makapaniwala na ilang oras lang ang lumipas ay biglang nabago ang kanyang buhay. Ang dating karaniwang empleyado lang , ngayon ay asawa na ng CEO ng kumpanya. Habang nakamasid sa labas ng bintana si Gea, hindi nya alam kung ano ba ang mas mabigat sa kanyang dala, ang maliit na bag o ang malaking responsibilidad sa kanyang puso. Samantala, tahimik rin si Ethan sa kabilang side ng upuan sa tabi ng bintana. Nakatuon ang tingin sa labas ng kalsada. Seryosong muka na parang may malalim na iniisip na hindi nya masabi. Napapansin ito ni Gea pero hinayaan nya na lang muna. Matapos ang mahabang paglalakbay, nakarating na sila sa isang napaka laking gate ng malawak na mansyon. Ang bahay ni Ethan. Biglang nanlaki ang mata ni Gea sa nakita. "Wow" napaha
Mahigpit na hinawakan ni Gea ang ballpen. Isang kuntrata sa harap na magpapabago sa kanyang buhay.Muli nyang pinagmasdan ang bawat detalye ng kuntrata,sinisiguro na wala syang nakakaligtaan , walang salita na pwedeng ikapahamak nya at walang lihim na kapalit. Ito na ang tanging paraan at pag asa na hinahanap nya. "Kung may tanong ka,itanong mo na" Mahinang sabi ni Ethan pero seryoso.Tahimik si Gea na nag isip pa ng ilang mga bagay na pwedeng linawin sa likod ng kontrata at Huminga ng malalim."May karapatan ba akong umalis anomang oras ko gustuhin?" Tanong nya ."Oo," sagot ni Ethan. "My clause jan sa kontrata na pwede kang mag exit kung kailan mo gusto,pero kailangan mo ibalik ang nagastos." Biglang nanlaki ang mata ni gea."Ibabalik?" "Oo,lahat kailangan mong ibalik lahat ng natanggap mo hanggng sa panahong iyon." Natahimik si Gea."Ibig sabihin kung aalis ako, lahat ng nagastos mo kailangan kong bayaran? " Tanong ni Gea."Oo,ganun nga," sagot ni Ethan. "Pero di kita haha
Nang gabing yun, hindi makatulog si Gea . Habang nakahiga at tahimik na nag iisip, nakatingin sa kisame,punong puno ng mga tanong at pag asa at mga pinaghalong mga emosyon na hindi mya dapat isawalang bahala.Isang kontrataIsang peking kasalAt isang lalaki na halos hindi naman nya kailanman nakilala na sya rin ang Boss.Pumikit si Gea,kinuha ang unan at niyakap ng mahigpit. Panandalian naibsan ang bigat na nararamdaman sa kanyang dibdib.bawat pagtunong ng mga busina ng sasakyan at sirena ng ambulansya ang tanging kanyang naririnig sa labas na sya ring mas lalong nagpapabigat at nagpapaalala sa kanya sa realidad at sa kondisyon ng kapatid. Malubha na ang sakit ni Lea, may malaking utang sa ospital,at pusong sugatan dahil sa pag iwan sa kanya ng nobyo,at halos mawalan na ng pag asa.Pero may isang malaking opportunidad na dumating at maaring makapagligtas sa kapatid at posebleng makapag pabago ng kanyang buhay sa hinaharap. Ngunit maaring sirain ang kanyang puso. Samantala, mahim
Pagkatapos ay tumalikod at umalis "Marco..! Marco ..! Sandali!" Sigaw nya ngunit hindi na sya ulit pinakinggan at tuluyan ng iniwan. Napaupo si Gea, napahawak sa dibdib at pilit na hinahabol ang pag hinga dahil sa sakit at bigat ng kanyang naramdaman. Hanggang sa di na nya napigilan ang sarili ,unti unting pumatak ang kanyang mga luha hanggang sa humagulgol na ng iyak sa labas ng ospital sa gitna ng maraming tao na may kani kanya ring problema.Kasabay nang biglang pag buhos ng malakas na ulan, pinunasan nya ang kanyang mga luha, tumayo at tumakbong palayo ng hospital. Halos di na alam kung ano ang gagawin at kung saan pupunta.Tumatakbo sa gitna ng kalsada hawak hawak ang isang sobre ng medical bills ng kanyang kapatid, hindi na inintindi ang mga sasakyan pati na ang sarili. "Bakit ganito ang buhay ko...? Bulong nya. " Ano bang nagawa kong mali..? Habang tumatakbo, ay tuloy tuloy pa rin ang pag buhos ng mga luha sa kanyang mga mata at naging malabo ang kanyang paningin dahil
Tahimik ang buong pasilyo ng ospital, nakaupo si Gea Rivera sa gilid habang tahimik na tinititigan ang numero na nakasulat sa papel. May bigat sa dibdib na para bang pasan nya ang buong mundo. May isang sigaw na parang gusto nyang ilabas. Habang mahigpit nyang hinahawakan ang papel ng medical bills ng kanyang kapatid, unti unting pumapatak ang kanyang mga luha dahil hindi nya mabigkas sa labi ang mga numero na kailangan nyang bayaran sa pag papagamot sa kapatid. Tanggap nya ang buong katotohan sa sarili na kahit anong gawin nya ay hindi nya kayang bayaran ang malaking halaga sa lalong madaling panahon. "Miss Rivera," mahinahong sabi ng nurse. "Kailangan na pong masimulan agad ang gamutan sa kapatid nyo, dahil kung hindi , baka mas lalo pang lumala ang kondisyon nya,at baka mas lalo rin pong mahirapan ang pasyente." Tumango si Gea bilang pag tugon sa nurse. "Uhmm, opo sige, salamat." Sagot nya habang ramdam na ramdam nya ang panginginig ng buong katawan. "Gagawan ko po ng paraan."







![My Professor, My Fuck Buddy [SSPG]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)