LOGINPagkatapos ng event, agad na rin silang umuwi,habang nasa byahe,tahimik sila at nag iisip, parehong tulala na nakarahap sa bintana ng sasakyan,walang kahit na anong ingay ang maririnig na parang may isang pader sa pagitan nilang dalawa. Pagdating nila ng bahay, ang buong akala ni Gea ay makakahinga na siya ng maluwag, nagawa niya ang unang pagsubok bilang si Mrs.Vale. Napabuntong hininga si Gea ng malalim na parang kagagaling lang niya sa isang matinding labanan sa pagitan ng apoy at tubig. "sa wakas, nakauwi na rin." sambit niya.Pero ang inakala niyang makakahinga na siya ng maluwag ay mali pala. Pagkapasok sa pinto, tahimik ang buong bahay, bawat sulok ay wala kang maririnig na kahit anong ingay. Pero ramdam ang bigat ng hangin sa loob na parang walang nakatira. Napaupo saglit si Gea sa sofa at sumandal saglit, iniisip kung nagawa ba niya ng tama ang role niya na pagiging isang tunay na asawa. "Good job tonight," sabi ni Ethan na nakangiti habang nagtatanggal ng tie. T
Pagkapasok nila sa Ballroom,halos lahat ng mga tao na nakapaligid sa kanila ay nakatingin sa kanya,hindi sya sanay sa mga ganitong klase ng pagkakataon na nasa kanya nakatingin ang lahat ng mata ng tao.Ang bawat mga ilaw ng camera na nagkikislapan ay parang simbolo sa kanya ng pagpasok sa kabilang yugto ng buhay sa panibagong mundo. Ang mga reporters na kanya kanyang abot ng kanilang mikropono at kanya kayang tanong ang mas lalong nagpapatunay sa kanya na totoong ito na ang simula ng pagbabago ng kanyang buhay,at bawat pag ngiti niya sa harap ng madla ay pakiramdam niya isang bagay na kailanman ay hindi niya malilimutan.Bakas sa kanyang mga labi ang tuwa at saya,dahil bukod sa pakiramdam na naging asawa na siya ng isang CEO ay nasagot na rin ang pagpapagamot ng kanyang kapatid na matagal na niyang hinihintay na mangyari."Ayos ka lang?“ tanong ni Ethan." Oo ayos lang ako, pakiramdam ko nasa ibang mundo ako,ang sarap sa pakiramdam!" Mahinang sagot niya habang kinakabahan.Hinawakan
Habang binabaybay nila ang mahabang kalsada papunta sa bahay ni Ethan. Tahimik namang nakaupo si Gea sa tabi ng bintana habang hawak nya ang maliit na bag na may laman ng kaunting damit at iilang personal na dokumento. Hindi pa rin sya makapaniwala na ilang oras lang ang lumipas ay biglang nabago ang kanyang buhay. Ang dating karaniwang empleyado lang , ngayon ay asawa na ng CEO ng kumpanya. Habang nakamasid sa labas ng bintana si Gea, hindi nya alam kung ano ba ang mas mabigat sa kanyang dala, ang maliit na bag o ang malaking responsibilidad sa kanyang puso. Samantala, tahimik rin si Ethan sa kabilang side ng upuan sa tabi ng bintana. Nakatuon ang tingin sa labas ng kalsada. Seryosong muka na parang may malalim na iniisip na hindi nya masabi. Napapansin ito ni Gea pero hinayaan nya na lang muna. Matapos ang mahabang paglalakbay, nakarating na sila sa isang napaka laking gate ng malawak na mansyon. Ang bahay ni Ethan. Biglang nanlaki ang mata ni Gea sa nakita. "Wow" napaha
Mahigpit na hinawakan ni Gea ang ballpen. Isang kuntrata sa harap na magpapabago sa kanyang buhay.Muli nyang pinagmasdan ang bawat detalye ng kuntrata,sinisiguro na wala syang nakakaligtaan , walang salita na pwedeng ikapahamak nya at walang lihim na kapalit. Ito na ang tanging paraan at pag asa na hinahanap nya. "Kung may tanong ka,itanong mo na" Mahinang sabi ni Ethan pero seryoso.Tahimik si Gea na nag isip pa ng ilang mga bagay na pwedeng linawin sa likod ng kontrata at Huminga ng malalim."May karapatan ba akong umalis anomang oras ko gustuhin?" Tanong nya ."Oo," sagot ni Ethan. "My clause jan sa kontrata na pwede kang mag exit kung kailan mo gusto,pero kailangan mo ibalik ang nagastos." Biglang nanlaki ang mata ni gea."Ibabalik?" "Oo,lahat kailangan mong ibalik lahat ng natanggap mo hanggng sa panahong iyon." Natahimik si Gea."Ibig sabihin kung aalis ako, lahat ng nagastos mo kailangan kong bayaran? " Tanong ni Gea."Oo,ganun nga," sagot ni Ethan. "Pero di kita haha
Nang gabing yun, hindi makatulog si Gea . Habang nakahiga at tahimik na nag iisip, nakatingin sa kisame,punong puno ng mga tanong at pag asa at mga pinaghalong mga emosyon na hindi mya dapat isawalang bahala.Isang kontrataIsang peking kasalAt isang lalaki na halos hindi naman nya kailanman nakilala na sya rin ang Boss.Pumikit si Gea,kinuha ang unan at niyakap ng mahigpit. Panandalian naibsan ang bigat na nararamdaman sa kanyang dibdib.bawat pagtunong ng mga busina ng sasakyan at sirena ng ambulansya ang tanging kanyang naririnig sa labas na sya ring mas lalong nagpapabigat at nagpapaalala sa kanya sa realidad at sa kondisyon ng kapatid. Malubha na ang sakit ni Lea, may malaking utang sa ospital,at pusong sugatan dahil sa pag iwan sa kanya ng nobyo,at halos mawalan na ng pag asa.Pero may isang malaking opportunidad na dumating at maaring makapagligtas sa kapatid at posebleng makapag pabago ng kanyang buhay sa hinaharap. Ngunit maaring sirain ang kanyang puso. Samantala, mahim
Pagkatapos ay tumalikod at umalis "Marco..! Marco ..! Sandali!" Sigaw nya ngunit hindi na sya ulit pinakinggan at tuluyan ng iniwan. Napaupo si Gea, napahawak sa dibdib at pilit na hinahabol ang pag hinga dahil sa sakit at bigat ng kanyang naramdaman. Hanggang sa di na nya napigilan ang sarili ,unti unting pumatak ang kanyang mga luha hanggang sa humagulgol na ng iyak sa labas ng ospital sa gitna ng maraming tao na may kani kanya ring problema.Kasabay nang biglang pag buhos ng malakas na ulan, pinunasan nya ang kanyang mga luha, tumayo at tumakbong palayo ng hospital. Halos di na alam kung ano ang gagawin at kung saan pupunta.Tumatakbo sa gitna ng kalsada hawak hawak ang isang sobre ng medical bills ng kanyang kapatid, hindi na inintindi ang mga sasakyan pati na ang sarili. "Bakit ganito ang buhay ko...? Bulong nya. " Ano bang nagawa kong mali..? Habang tumatakbo, ay tuloy tuloy pa rin ang pag buhos ng mga luha sa kanyang mga mata at naging malabo ang kanyang paningin dahil







