Share

Chapter 3: Alok

Author: Keichan
last update Last Updated: 2026-02-24 09:42:40

Nang gabing yun, hindi makatulog si Gea .

Habang nakahiga at tahimik na nag iisip, nakatingin sa kisame,punong puno ng mga tanong at pag asa at mga pinaghalong mga emosyon na hindi mya dapat isawalang bahala.

Isang kontrata

Isang peking kasal

At isang lalaki na halos hindi naman nya kailanman nakilala na sya rin ang Boss.

Pumikit si Gea,kinuha ang unan at niyakap ng mahigpit. Panandalian naibsan ang bigat na nararamdaman sa kanyang dibdib.

bawat pagtunong ng mga busina ng sasakyan at sirena ng ambulansya ang tanging kanyang naririnig sa labas na sya ring mas lalong nagpapabigat at nagpapaalala sa kanya sa realidad at sa kondisyon ng kapatid.

Malubha na ang sakit ni Lea, may malaking utang sa ospital,at pusong sugatan dahil sa pag iwan sa kanya ng nobyo,at halos mawalan na ng pag asa.

Pero may isang malaking opportunidad na dumating at maaring makapagligtas sa kapatid at posebleng makapag pabago ng kanyang buhay sa hinaharap. Ngunit maaring sirain ang kanyang puso.

Samantala, mahimbing na natutulog si Lea sa kabilang kwarto, pero bago ang lahat ay nakapag usap muna sila ng ilang minuto.

"Ate... Okay ka lang ba? "

Napangiti si Gea at sinabing "oo, ayos lang ako... May paraan na." Sabay himas nito sa ulo at hinalikan.

Ngunit sa loob nya ay may takot at pangamba at walang kasiguruhan.

Kinabukasan, maagang nagising si Gea, nag handa ng almusal para sa kapatid at para pumasok sa trabaho. Hindi na rin sya halos kumain ng almusal ngunit pilit nya pa ring ngumiti sa kapatid bago umalis.

"Mag iingat ka po ate!" Sabi ni Lea.

"Oo sige...!" Tugon nya. "Tatawag ako mamaya."

Sa daan, habang papunta sya sa opisina papasok ng trabaho ay wala syang ibang iniisip na pangalan kundi ang ETHAN VALE.

CEO ng kumpanya,lalaking may kapangyarihan na baguhin ang takbo ng buhay nya at iligtas ang kapatid.

Pagdating nya sa opisina,tahimik ang buong paligid,kumpara sa karaniwang araw. May mga bulong bulungan na parang may isang malaking balita na nangyayari.

"May Meeting daw mamaya ang board ngayon!" Sabi ng isa sa mga empleyado sa kabilang side.

"Baka may malaking project!"

Tahimik lang si gea papasok papunta sa sariling mesa at umupo. At bago pa man nya buksan ang loptop ay may kumatok sa kanyang mesa.

"Miss Rivera,pinapatawag po kayo ni Sir Ethan." Sabi ng secretary ng CEO.

Parang biglang may kumabog sa dibdib ni Gea.

" Opo sige, susunod ako. "Tugon nya.

Tumayo si Gea, bawat hakbang papalapit sa pinto ng opisina ng CEO ay taglay nya ang kaba at takot sa dibdib, panginginig ng mga kamay dahil sa pag asang hindi nya inaasahan na darating.

Pagdating nya sa pinto ay agad na huminga ng malalim pagkatapos ay kumatok.

"Pasok!" Sabi ng CEO na mejo mahina pero buo at malinaw ang boses mula sa loob.

Pag bukas nya ng pinto,agad na bumungad sa kanya ang isang napakalawak at marangyang opisina,mabango at organisado ang bawat gamit na nasa loob. Nakita nya ang CEO na nakaupo at nakasandal sa upuan at hawak hawak ang isang folder na kulay pula.

"Yes Sir? Pinapatawag nyo raw po ako." Mahinang sabi ni Gea.

"Oo ...maupo ka" sabi nya. "Pinag isipan mo ba ang iniaalok ko?"

Huminga ng malalim at nagsalita.

"Opo,buong gabi ko po syang pinag isipan at hindi ko po gustong tanggapin ang alok nyo ng hindi ko naiintindihan."

Tumango si Ethan .

"Mabuti kung ganun" tugon nya,"kaya kita ipinatawag dito para ipaliwanag sayo ang detalye." pagkatapos ay iniabot ang folder na hawak nya.

"Ano po ito sir?" Mahinang tanong ni Gea.

"Buksan mo..,basahin mo."

Kinuha ni Gea ang folder at binasa ang nasa loob.

Bumungad sa kanya ang isang kontrata ,detalyado at malinaw.

Agad namang naramdaman ni Gea ang bigat sa kanyang dibdib habang binabasa at iniintindi ang bawat detalye.

Clause 1: Ang kasal ay panlabas lamang at walang romantic obligation.

Clause 2: Ang kontrata ay lihim at hindi dapat malaman ng kahit sino.

Clause 3: Ang babae ay maninirahan sa bahay ng lalaki.

Clause 4: Ang lalaki ang sasagot sa lahat ng gastusin ng pamilya ng babae.

Clause 5: Ang kontrata ay may takdang panahon—dalawang taon.

"Dalawang taon..?gulat na pagkakasabi ni Gea. " Dalawang taon,pagkatapos nito tapos na rin ang lahat?"

" Oo,ganun nga."

Natahimik sandali si Gea.

" Pero pwede ba akong magtanong sir?"

" Go ahead,"sabi nya.

" Bakit nyo po ba kailangan ng Asawa?"

" May mga bagay kasing hindi ko maipapaliwanag sa ngayon,pero bilang CEO ng kompanya ay maraming mga nakatingin sakin at naghahanap ng katiyakan dahil ang CEO na walang asawa ay madaling kwestunin.." sagot ni Ethan.

" Pero bakit po dalawang taon lang?"patuloy na pag tatanong.

" Dahil yun lang ang panahon na kailangan ko,at sa tingin ko ay sapat na yun para sayo." Sabi nya.

Parang biglang may lumitaw na pader sa pagitan nilang dalawa.

"Kung gusto mo,pwede ka pa namang tumanggi, sabi ni Ethan. "Hindi kita pipilitin."

Tahimik si Gea ngunit ,muling bumalik ang imahe ng mukha ni Lea sa kanyang isipan.

"Kung ganun, ano ang magiging kapalit?" Tanong nya .

"Babayaran ko lahat ng gastusin mo sa ospital, pati na pagpapagamot sa kapatid mo ako na ang bahala... Bukod pa dyan, bibigyan din kita ng sapat na pera allowance mo buwan buwan kasama na pati pamilya mo ." Sagot ni Ethan na nakangiti.

Agad na nanlaki ang mga mata ni Gea.

"Talaga po?"

"Oo"

"Wala po bang kapalit na kahit na anong pisikal?" Paninigurong tanong nito.

Tumingin si Ethan ng deretso sa mga mata ni Gea at seryosong sinabi.

"Hindi kita gagalawin ng walang pahintulot mo." Mariing sagot nya. "Hindi kita pipiliting gawin ang isang bagay na hindi mo gusto."

" Kung ganun, ano lang ang dapat kong gawin? "Tanong nya.

" Umarte kang totoong asawa ko sa publiko," sagot ni Ethan. " Sa mga Event,sa pamilya,pati na rin sa social media kung kinakailangan...yun lang."

" Paano naman sa pribado?"tanong pa nya.

" Magkasama tayo sa bahay, pero may kanya kanya tayong kwarto. "

Huminga ng malalim si Gea.

" Paano kung sakaling may maramdaman kayong kakaiba...? Anong mangyayari? "Tanong pa nya.

Tumayo si Ethan at humarap sa malaking bintana pagkatapos ay ibinaling nya ulit ang tingin kay Gea.

" Walang kahit na anong mararamdaman at mangyayari." Sagot nya. "Isa lang itong kasunduan."

" Kung sakaling pumayag ako...,kailan naman magsisimula?

"Ngayong gabi...maghanda ka."

"Ngayong gabi? Gulat na tanong ni Gea." Ang bilis naman sir!"

" May event mamaya ,kailangan ko ng asawa kaya ngayong gabi tayo magsisimula."paliwanag ni Ethan.

Pumikit si Gea at marahang huminga ng malalim.

" Pero paano naman kung tumanggi ako? "

" Ede walang mangyayari,"sagot ni Ethan. " babalik ka sa buhay na meron ka at yung problema mo baka mas lalo pang lumala... Hindi mo naman siguro gugustuhin na magdusa at mamatay ang kapatid mo hindi ba?" Dagdag pa nya.

Tumahimik si Gea at muling ipinikit ng madiin ang kanyang mga mata.

Muli nyang naalala ang huling ngiti ng kapatid , at ang paghawak ng kanyang mga kamay at haplos nito sa ulo.

" Kung ito lang ang tanging paraan para mailigtas kita at maipagamot Lea, gagawin ko to"bulong nito sa sarili.

" Sige..!Papayag na ako!!" Sagot nito na may buong pagtitiwala sa disisyon nya.

"Talaga? Kung ganun sige,. Pirmahan mo na ang kontrata.

"Opo, para sa pamilya ko at para sa kapatid ko." Sagot nya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Contranted To My Boss    Chapter 5: Unexpected Wife

    Habang binabaybay nila ang mahabang kalsada papunta sa bahay ni Ethan. Tahimik namang nakaupo si Gea sa tabi ng bintana habang hawak nya ang maliit na bag na may laman ng kaunting damit at iilang personal na dokumento. Hindi pa rin sya makapaniwala na ilang oras lang ang lumipas ay biglang nabago ang kanyang buhay. Ang dating karaniwang empleyado lang , ngayon ay asawa na ng CEO ng kumpanya. Habang nakamasid sa labas ng bintana si Gea, hindi nya alam kung ano ba ang mas mabigat sa kanyang dala, ang maliit na bag o ang malaking responsibilidad sa kanyang puso. Samantala, tahimik rin si Ethan sa kabilang side ng upuan sa tabi ng bintana. Nakatuon ang tingin sa labas ng kalsada. Seryosong muka na parang may malalim na iniisip na hindi nya masabi. Napapansin ito ni Gea pero hinayaan nya na lang muna. Matapos ang mahabang paglalakbay, nakarating na sila sa isang napaka laking gate ng malawak na mansyon. Ang bahay ni Ethan. Biglang nanlaki ang mata ni Gea sa nakita. "Wow" napaha

  • Contranted To My Boss    Chapter 4: Pirma ng Kapalaran

    Mahigpit na hinawakan ni Gea ang ballpen. Isang kuntrata sa harap na magpapabago sa kanyang buhay.Muli nyang pinagmasdan ang bawat detalye ng kuntrata,sinisiguro na wala syang nakakaligtaan , walang salita na pwedeng ikapahamak nya at walang lihim na kapalit. Ito na ang tanging paraan at pag asa na hinahanap nya. "Kung may tanong ka,itanong mo na" Mahinang sabi ni Ethan pero seryoso.Tahimik si Gea na nag isip pa ng ilang mga bagay na pwedeng linawin sa likod ng kontrata at Huminga ng malalim."May karapatan ba akong umalis anomang oras ko gustuhin?" Tanong nya ."Oo," sagot ni Ethan. "My clause jan sa kontrata na pwede kang mag exit kung kailan mo gusto,pero kailangan mo ibalik ang nagastos." Biglang nanlaki ang mata ni gea."Ibabalik?" "Oo,lahat kailangan mong ibalik lahat ng natanggap mo hanggng sa panahong iyon." Natahimik si Gea."Ibig sabihin kung aalis ako, lahat ng nagastos mo kailangan kong bayaran? " Tanong ni Gea."Oo,ganun nga," sagot ni Ethan. "Pero di kita haha

  • Contranted To My Boss    Chapter 3: Alok

    Nang gabing yun, hindi makatulog si Gea . Habang nakahiga at tahimik na nag iisip, nakatingin sa kisame,punong puno ng mga tanong at pag asa at mga pinaghalong mga emosyon na hindi mya dapat isawalang bahala.Isang kontrataIsang peking kasalAt isang lalaki na halos hindi naman nya kailanman nakilala na sya rin ang Boss.Pumikit si Gea,kinuha ang unan at niyakap ng mahigpit. Panandalian naibsan ang bigat na nararamdaman sa kanyang dibdib.bawat pagtunong ng mga busina ng sasakyan at sirena ng ambulansya ang tanging kanyang naririnig sa labas na sya ring mas lalong nagpapabigat at nagpapaalala sa kanya sa realidad at sa kondisyon ng kapatid. Malubha na ang sakit ni Lea, may malaking utang sa ospital,at pusong sugatan dahil sa pag iwan sa kanya ng nobyo,at halos mawalan na ng pag asa.Pero may isang malaking opportunidad na dumating at maaring makapagligtas sa kapatid at posebleng makapag pabago ng kanyang buhay sa hinaharap. Ngunit maaring sirain ang kanyang puso. Samantala, mahim

  • Contranted To My Boss    Chapter 2: Sa Gitna ng Ulan

    Pagkatapos ay tumalikod at umalis "Marco..! Marco ..! Sandali!" Sigaw nya ngunit hindi na sya ulit pinakinggan at tuluyan ng iniwan. Napaupo si Gea, napahawak sa dibdib at pilit na hinahabol ang pag hinga dahil sa sakit at bigat ng kanyang naramdaman. Hanggang sa di na nya napigilan ang sarili ,unti unting pumatak ang kanyang mga luha hanggang sa humagulgol na ng iyak sa labas ng ospital sa gitna ng maraming tao na may kani kanya ring problema.Kasabay nang biglang pag buhos ng malakas na ulan, pinunasan nya ang kanyang mga luha, tumayo at tumakbong palayo ng hospital. Halos di na alam kung ano ang gagawin at kung saan pupunta.Tumatakbo sa gitna ng kalsada hawak hawak ang isang sobre ng medical bills ng kanyang kapatid, hindi na inintindi ang mga sasakyan pati na ang sarili. "Bakit ganito ang buhay ko...? Bulong nya. " Ano bang nagawa kong mali..? Habang tumatakbo, ay tuloy tuloy pa rin ang pag buhos ng mga luha sa kanyang mga mata at naging malabo ang kanyang paningin dahil

  • Contranted To My Boss    Chapter 1: No Choice

    Tahimik ang buong pasilyo ng ospital, nakaupo si Gea Rivera sa gilid habang tahimik na tinititigan ang numero na nakasulat sa papel. May bigat sa dibdib na para bang pasan nya ang buong mundo. May isang sigaw na parang gusto nyang ilabas. Habang mahigpit nyang hinahawakan ang papel ng medical bills ng kanyang kapatid, unti unting pumapatak ang kanyang mga luha dahil hindi nya mabigkas sa labi ang mga numero na kailangan nyang bayaran sa pag papagamot sa kapatid. Tanggap nya ang buong katotohan sa sarili na kahit anong gawin nya ay hindi nya kayang bayaran ang malaking halaga sa lalong madaling panahon. "Miss Rivera," mahinahong sabi ng nurse. "Kailangan na pong masimulan agad ang gamutan sa kapatid nyo, dahil kung hindi , baka mas lalo pang lumala ang kondisyon nya,at baka mas lalo rin pong mahirapan ang pasyente." Tumango si Gea bilang pag tugon sa nurse. "Uhmm, opo sige, salamat." Sagot nya habang ramdam na ramdam nya ang panginginig ng buong katawan. "Gagawan ko po ng paraan."

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status