Home / Romance / Contranted To My Boss / Chapter 5: Unexpected Wife

Share

Chapter 5: Unexpected Wife

Author: Keichan
last update Last Updated: 2026-02-24 09:45:03

Habang binabaybay nila ang mahabang kalsada papunta sa bahay ni Ethan.

Tahimik namang nakaupo si Gea sa tabi ng bintana habang hawak nya ang maliit na bag na may laman ng kaunting damit at iilang personal na dokumento. Hindi pa rin sya makapaniwala na ilang oras lang ang lumipas ay biglang nabago ang kanyang buhay. Ang dating karaniwang empleyado lang , ngayon ay asawa na ng CEO ng kumpanya.

Habang nakamasid sa labas ng bintana si Gea, hindi nya alam kung ano ba ang mas mabigat sa kanyang dala, ang maliit na bag o ang malaking responsibilidad sa kanyang puso.

Samantala, tahimik rin si Ethan sa kabilang side ng upuan sa tabi ng bintana. Nakatuon ang tingin sa labas ng kalsada. Seryosong muka na parang may malalim na iniisip na hindi nya masabi. Napapansin ito ni Gea pero hinayaan nya na lang muna.

Matapos ang mahabang paglalakbay, nakarating na sila sa isang napaka laking gate ng malawak na mansyon. Ang bahay ni Ethan.

Biglang nanlaki ang mata ni Gea sa nakita.

"Wow" napahanga si Gea sa ganda ng bahay ni ethan. "Hindi ito mansyon! Para itong isang napakalaking palasyo." Sambit nito sa sarili.

Malawak ang hardin, magagandang ang ilaw sa daan, at napakataas na bahay, at napaka tahimik ang paligid na parang naghihintay sa kanilang pagdating.

Naunang lumabas ng kotse si Ethan at agad na binuksan ng pinto para kay gea.

"Maligayang pagdating ," bati nito sa asawa.

Tahimik si Gea na bumuba ng kotse pero hindi pa rin sya makapaniwala sa kanyang nakikita. Kakaibang saya agad ang kanyang naramdaman.

Pag pasok nila sa bahay, agad naman silang sinalubong ng mga kasambahay na nakapila .

"Magandang gabi po Sir!" Sabay sabay na bati ng lahat.

Tumango si Ethan .

"Ito ang aking asawa, si Mrs. Gea Vale!" Kalmadong Pagpapakilala nya sa lahat ng naroon.

Parang may kumurot sa dibdib ni Gea ng marinig.

Mrs. Vale, isang apelyedong hindi nya inakala na magiging kanya kailanman.

"Magandang gabi po Ma'am!" Bati ng lahat ng sabay sabay.

"Magandang gabi rin sa inyong lahat." Tugon nya na nakangiti at bahagyang nakayuko.

Biglang nakaramdam si Gea ng kakaibang bigat sa kanyang dibdib na parang hindi sya nararapat na kabilang sa bahay ni Ethan.

"Samahan nyo muna si Mrs. Vale sa kanyang kwarto para makapag pahinga ." Utos ni Ethan sa isang kasambahay.

"Yes sir!" Sagot ng kasambahay.

Habang tahimik na sinusundan ni Gea ang kasambahay ay mariin nyang pinagmamasdan ang bawat desensyo sa paligid, mga paintings na nakasabit sa ding ding, malalaking ilaw sa kisame, mga mamahaling kagamitan, at ang katahimikan sa bawat sulok ng bahay na parang may kasamang lihim.

" Dito po ang kwarto ninyo Ma'am," sabi ng kasambahay pagkatapos ay binuksan ang pinto.

Bumungad sa paningin ni Gea ang isang maluwag na kwarto, napakalaking kama, may sariling banyo dalawang malalaking bintana na tanaw ang buong hardin.

Ngunit sa kabila ng kagandahan nito at katahimkan habang pinagmamasdan ay naramdaman ni Gea na parang may isang uri ng kalungkutan sa loob ng kwarto na hindi pa natitirhan ng isang tao na may pusong sugatan.

"Maiwan ko na po kayo Ma'am, kung may kailangan pa po kayo, sabihin nyo lang po." Sabi ng kasambahay bago umalis.

"Oo, sige." Sagot ni Gea.

Naiwan nang mag isa si Gea sa kwarto

Umupo sa gilid ng kama. "Ganito na pala ang buhay ko,di ako makapaniwala na ilang oras lang ang lumipas. "Bulong nito sa sarili.

Ilang sandali ay may kumatok sa sa pinto.

Napabalikwas si Gea .

"Pasok!," sabi nya.

Pumasok si Ethan.

"Kumusta? May kailangan ka ba?" Tanong nito sa asawa.

"Wala po." Tugon nya. "Salamat."

Tahimik silang dalawa sandali pagkatapos ay nagsalita si Ethan.

"May event tayo mamaya" sambit niya. "Kailangan natin mag mukang mag asawa."

Tumango si Gea at sinabi.

"Opo" sagot nito. "Pero paano kung magkamali ako, at hindi ako kumilos na parang asawa mo?" Tanong nya na may halong pangamba.

"Gawin natin ng natural paunti unti,"kalmadong sagot ni Ethan." Walang perpekto sa atin. "

Tahimik si Gea at tumango

"May darating na stylist maya maya, tutulungan ka nilang maghanda at mag ayos. "Sabi ni Ethan.

" Opo, "tugon nya.

Huminga ng malalim si Gea

" May tanong ka pa ba? "

" Wala na po." Sabi nya.

"Kung ganun lalabas na ako." Tugon ni Ethan.

"Opo."

Pagkatapos ay lumabas na si Ethan ng kwarto, maya maya pa ay dumating na rin ang Stylist Team.

Pinagandahan nila si Gea, inayos ang buhok, pinasuotan ng magarbo at eleganteng gown na kulay pula at nilagyan ng simpleng make up.

Habang nakaupo sa harap ng salamin, hindi na makilala ni Gea ang sarili.

Isang babae na napaka ganda ang kanyang nakikita.

Hindi na sya ang dating Gea na umiiyak sa gitna ng ulan,palaging pagod, walang pag asa at desperado.

Sya na ngayon ang bagong Gea, babaeng may dignidad, lakas, at katahimikan at isang babae na kayang tumayo sa tabi ng CEO.

Pero sa kaloob looban ng kanyang puso, ay sya pa rin ang Gea na may takot at pangamba at pagdududa sa sarili at umaasa na tama ang kanyang naging disisyon.

"Ayan!! Handa na po kayo Ma'am!" Sabi ng stylist.

Tumayo si Gea sa harap ng salamin at huminga ng malalim habang nakatingin sa sarili.

Paglabas nya ng kwarto, nakita nya si Ethan na naghihintay, nakasuot na kulay itim na suit at seryoso ang mukha.

Sa sandaling iyon, ay nagkaroon ng panandaliang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

Hindi sya nagsalita at hindi rin sya gumalaw, ngunit sa mga mata ni Ethan ay may kaunting pag iwas dahil sa naramdaman nyang hindi inaasahan.

"Handa kana ba?" Tanong ni Ethan.

"Opo,handa na ako," sagot nya.

Kinuha ni Ethan ang mga kamay ni Gea at sabay na lumabas ng bahay patungo sa sasakyan.

Habang nasa loob ng sasakyan, ay muling naging tahimik ang bawat isa.

Nagkaroon ng kakaibang tensyon sa kanilang dalawa hindi dahil sa event kundi dahil sa hindi nila alam na pareho na nilang naaapektuhan unti unti ang isa't isa.

Pagdating nila sa venue.

Agad silang sinalubong ng mga camera, ilaw at ng mga taong naka abang.

"Sir Ethan, sino po ang kasama ninyo?" Tanong ng isang reporter.

Huminga ng malalim si gea at sinabing "ito na!"

Agad namang maingat na inilagay ni Ethan ang kanyang kamay sa likod ni Gea ,sapat lang para maramdaman nito ang init ng palad ng kanyang kamay.

"Ito ang aking Asawa! Si Gea Vale!" Malinaw na sagot ni Ethan sa mga reporter.

Pakiramdam nya biglang tumigil ang mundo.

Lahat nakatitig sa kanya.

Nakangiti pero ramdam ang panginginig sa loob nya .

Sa sandaling iyon ay hindi na sya ordenaryong babae kundi isa na syang ganap na bahagi ng mundo ni Ethan Vale.

Sa gitna ng mga camera, ilaw at mata ng publiko ay naramdaman ni Gea ang kirot sa kanyang dibdib, hindi dahil sa takot kundi dahil sa isang pakiramdam na bigla nalang sumulpot.

Isang pakiramdam na hindi nya dapat maramdaman sa relasyon na nagsimula lang sa kontrata.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Contranted To My Boss    Chapter 5: Unexpected Wife

    Habang binabaybay nila ang mahabang kalsada papunta sa bahay ni Ethan. Tahimik namang nakaupo si Gea sa tabi ng bintana habang hawak nya ang maliit na bag na may laman ng kaunting damit at iilang personal na dokumento. Hindi pa rin sya makapaniwala na ilang oras lang ang lumipas ay biglang nabago ang kanyang buhay. Ang dating karaniwang empleyado lang , ngayon ay asawa na ng CEO ng kumpanya. Habang nakamasid sa labas ng bintana si Gea, hindi nya alam kung ano ba ang mas mabigat sa kanyang dala, ang maliit na bag o ang malaking responsibilidad sa kanyang puso. Samantala, tahimik rin si Ethan sa kabilang side ng upuan sa tabi ng bintana. Nakatuon ang tingin sa labas ng kalsada. Seryosong muka na parang may malalim na iniisip na hindi nya masabi. Napapansin ito ni Gea pero hinayaan nya na lang muna. Matapos ang mahabang paglalakbay, nakarating na sila sa isang napaka laking gate ng malawak na mansyon. Ang bahay ni Ethan. Biglang nanlaki ang mata ni Gea sa nakita. "Wow" napaha

  • Contranted To My Boss    Chapter 4: Pirma ng Kapalaran

    Mahigpit na hinawakan ni Gea ang ballpen. Isang kuntrata sa harap na magpapabago sa kanyang buhay.Muli nyang pinagmasdan ang bawat detalye ng kuntrata,sinisiguro na wala syang nakakaligtaan , walang salita na pwedeng ikapahamak nya at walang lihim na kapalit. Ito na ang tanging paraan at pag asa na hinahanap nya. "Kung may tanong ka,itanong mo na" Mahinang sabi ni Ethan pero seryoso.Tahimik si Gea na nag isip pa ng ilang mga bagay na pwedeng linawin sa likod ng kontrata at Huminga ng malalim."May karapatan ba akong umalis anomang oras ko gustuhin?" Tanong nya ."Oo," sagot ni Ethan. "My clause jan sa kontrata na pwede kang mag exit kung kailan mo gusto,pero kailangan mo ibalik ang nagastos." Biglang nanlaki ang mata ni gea."Ibabalik?" "Oo,lahat kailangan mong ibalik lahat ng natanggap mo hanggng sa panahong iyon." Natahimik si Gea."Ibig sabihin kung aalis ako, lahat ng nagastos mo kailangan kong bayaran? " Tanong ni Gea."Oo,ganun nga," sagot ni Ethan. "Pero di kita haha

  • Contranted To My Boss    Chapter 3: Alok

    Nang gabing yun, hindi makatulog si Gea . Habang nakahiga at tahimik na nag iisip, nakatingin sa kisame,punong puno ng mga tanong at pag asa at mga pinaghalong mga emosyon na hindi mya dapat isawalang bahala.Isang kontrataIsang peking kasalAt isang lalaki na halos hindi naman nya kailanman nakilala na sya rin ang Boss.Pumikit si Gea,kinuha ang unan at niyakap ng mahigpit. Panandalian naibsan ang bigat na nararamdaman sa kanyang dibdib.bawat pagtunong ng mga busina ng sasakyan at sirena ng ambulansya ang tanging kanyang naririnig sa labas na sya ring mas lalong nagpapabigat at nagpapaalala sa kanya sa realidad at sa kondisyon ng kapatid. Malubha na ang sakit ni Lea, may malaking utang sa ospital,at pusong sugatan dahil sa pag iwan sa kanya ng nobyo,at halos mawalan na ng pag asa.Pero may isang malaking opportunidad na dumating at maaring makapagligtas sa kapatid at posebleng makapag pabago ng kanyang buhay sa hinaharap. Ngunit maaring sirain ang kanyang puso. Samantala, mahim

  • Contranted To My Boss    Chapter 2: Sa Gitna ng Ulan

    Pagkatapos ay tumalikod at umalis "Marco..! Marco ..! Sandali!" Sigaw nya ngunit hindi na sya ulit pinakinggan at tuluyan ng iniwan. Napaupo si Gea, napahawak sa dibdib at pilit na hinahabol ang pag hinga dahil sa sakit at bigat ng kanyang naramdaman. Hanggang sa di na nya napigilan ang sarili ,unti unting pumatak ang kanyang mga luha hanggang sa humagulgol na ng iyak sa labas ng ospital sa gitna ng maraming tao na may kani kanya ring problema.Kasabay nang biglang pag buhos ng malakas na ulan, pinunasan nya ang kanyang mga luha, tumayo at tumakbong palayo ng hospital. Halos di na alam kung ano ang gagawin at kung saan pupunta.Tumatakbo sa gitna ng kalsada hawak hawak ang isang sobre ng medical bills ng kanyang kapatid, hindi na inintindi ang mga sasakyan pati na ang sarili. "Bakit ganito ang buhay ko...? Bulong nya. " Ano bang nagawa kong mali..? Habang tumatakbo, ay tuloy tuloy pa rin ang pag buhos ng mga luha sa kanyang mga mata at naging malabo ang kanyang paningin dahil

  • Contranted To My Boss    Chapter 1: No Choice

    Tahimik ang buong pasilyo ng ospital, nakaupo si Gea Rivera sa gilid habang tahimik na tinititigan ang numero na nakasulat sa papel. May bigat sa dibdib na para bang pasan nya ang buong mundo. May isang sigaw na parang gusto nyang ilabas. Habang mahigpit nyang hinahawakan ang papel ng medical bills ng kanyang kapatid, unti unting pumapatak ang kanyang mga luha dahil hindi nya mabigkas sa labi ang mga numero na kailangan nyang bayaran sa pag papagamot sa kapatid. Tanggap nya ang buong katotohan sa sarili na kahit anong gawin nya ay hindi nya kayang bayaran ang malaking halaga sa lalong madaling panahon. "Miss Rivera," mahinahong sabi ng nurse. "Kailangan na pong masimulan agad ang gamutan sa kapatid nyo, dahil kung hindi , baka mas lalo pang lumala ang kondisyon nya,at baka mas lalo rin pong mahirapan ang pasyente." Tumango si Gea bilang pag tugon sa nurse. "Uhmm, opo sige, salamat." Sagot nya habang ramdam na ramdam nya ang panginginig ng buong katawan. "Gagawan ko po ng paraan."

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status