Elena’s Pov Matapos ang naging tagpo namin ng kapatid ko at ni Spencer, hindi na ulit iyon naulit, pero alam kong hindi iyon ang huli. Pero imbes na unahin pa sila, mas inuna ko na lamang ang mga bagay na dapat kong gawin. Nang matapos na ako, nagpaalam na ako sa mga naiwan dahil kailangan ko na talagang umuwi sa condo. May napag-usapan kasi kami nina Cassandra at Stacey na mag-iinom kami sa rooftop ngayong gabi. Pero pagdating ko sa rooftop, hindi ko akalain na may iba pa pala kaming makakasama doon. What the hell? Why are they here, too? Sina Liam at Enzo ay kalmadong nakaupo sa upuan, habang ako naman ay natigilan sa aking nakita. Saglit na nagkatitigan kami ni Enzo. Hindi siya umiwas ng tingin, kaya ako na lamang ang umiwas ng tingin. Dumako ang paningin ko kay Cassandra habang nag-aayos ng pagkain. Sinamaan ko siya ng tingin, pero ininguso niya si Stacey, na ngumisi lamang. “Halika na, Elena.” Tawag niya sa akin. Napapikit ako sa inis, pero sa huli, wala
Mehr lesen