Elena’s Pov “Stop!” Sigaw ni Stacey, kaya napatingin kami sa kanyang gawi. Pulang-pula na ang kanyang mukha at hindi na maayos ang kanyang posisyon. She looks like she was about to cry, but she's holding back her tears. “Ang sama mo talaga, Steve!” Halos batuhin na niya kami ng mga lata, kaya mabilis akong umalis sa gitna ng dalawa para pigilan si Stacey. Dahil kahit si Cassandra ay nasa lamesa na ang kanyang ulo. Mukhang natutulog na ata. Damn, ilang oras ba kaming ganoon at tila wasted na itong mga kaibigan ko?Nilingon ko silang dalawa na pinagmamasdan lang pala ako. “Ano? Tutunganga na lang ba kayong dalawa?” Singhal ko, nagkatinginan sila bago tumayo. Ang magpinsang ito talaga! Naging magulo ang pangyayari dahil hindi nila alam kung ano ang gagawin, at ako naman ay sinigawan ko lang sila, lalo na si Stacey, na kung anu-ano na lang ang sinasabi. “Humanda ka Steve!” She shouted out loud, “Magbabayad ka ng mahal!” Inalalayan ko si Stacey, kaso sobrang likot niya, kaya mu
Read more