Elena’s Pov Nang magkaroon ng meeting ang bawat department kasama ang CEO, nasa pinakagilid lamang ako. Iyong hindi man lang mahagilap ng kanyang mga mata. Wala pa man siya, pero lahat kami ay kabado na—well, sila lang dahil sanay naman na ako sa ganito, kaya parang warm-up na lang. Si Stella ay tumingin sa akin, inaayos ang kanyang salamin, at ngumiti. Tinaasan ko siya ng kilay. Akala niya ba ay nakalimutan ko na kung anong pinaggagawa niya? Hindi ko pa rin nagustuhan ang kanyang ginawa, kaya bahala siya diyan at hindi ko siya papansinin. Hindi rin nagtagal, saktong pagtuntong ng alas nuwebe ng umaga ay bumukas ang pintuan, kaya agad kaming nagsitayuan upang batiin ang lalaki. Pero halos lahat kami ay nakalimutang huminga, lalo na ako nang magatpo ang aming mga mata. Pakiramdam ko ay bumaba ang temperatura sa loob ng meeting area. Nauna siyang nag-iwas ng tingin. Sinundan ko siyang naglakad patungo sa unahan kung saan siya uupo. He looked even more dangerous; every step
อ่านเพิ่มเติม