Ariana Wayne POVIlang linggo na rin ang nakalipas simula noong binyag ni Alex, at sa wakas, pinayagan na ako ni Doc Mendoza na magbiyahe nang malayo-layo. Maaga pa lang ay gising na ang buong bahay sa Forbes Park. Ngayon ang araw ng unang biyahe ng pamilya namin kasama si Alex patungong Laguna para sa pormal na pagbubukas ng bagong learning center at dormitoryo ng Alberto Wayne Legacy Foundation.Nakatayo ako sa harap ng malaking salamin sa kwarto habang inaayos ang simpleng puting linen dress ko. Sa tabi ng kama, nakalatag ang napakaraming gamit ni Alex—mga bag ng diaper, extra na damit, sterilized bottles, at ang paborito niyang gantsilyong kumot. Pakiramdam ko nga, mas marami pa ang bag ng isang buwang sanggol kaysa sa aming dalawa ni Lucas kapag nag-out of town kami noon.Dati, kapag nag-iimpake ako para sa biyahe, puro business attire at laptop bag lang ang laman ng sasakyan. Ngayon, halos mapuno ang trunk ng SUV dahil sa mga baby essentials. Nakakat
Read more