Ariana Wayne POV Hindi ko inakalang ang pagpapakasal ay magiging kasing-lamig ng isang business transaction sa loob ng isang boardroom. Walang simbahan, walang puting gown, at walang mga bulaklak. Ang tanging saksi namin ay dalawang matitikas na abogado, si Jayson na hindi maipinta ang mukha sa gulat, at ang malamig na aircon sa penthouse ni Lucas. Sa harap ko ay ang Marriage Certificate. Ang mga blankong linya ay tila humihingi ng aking kalayaan, pero sa bawat segundo na naaalala ko ang pangmamaliit ni Marcus, mas lalong bumibilis ang pagtipon ng lakas ng loob ko. "You have ten minutes to read the pre-nuptial agreement, Miss Wayne—I mean, Mrs. Reyes," saad ng abogado ni Lucas na si Atty. Ramos. Binasa ko ang mga kondisyon. Walang pakialamanan sa personal na buhay, protektado ang assets ng bawat isa, at higit sa lahat—ang kasal ay mananatiling valid sa loob ng dalawang taon o hanggang sa makuha ni Lucas ang chairmanship. "Wait," pagpigil ko habang nakatingin kay Lucas na pre
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-02-25 อ่านเพิ่มเติม