Ariana Wayne POVIsang araw na lang bago ang binyag ni Alex. Sa kabila ng napakagandang panahon sa labas, ramdam na ramdam ko ang kakaibang kabog sa dibdib ko habang nakaupo sa tabi ng malaking bintana sa study room. Nakatitig ako sa malinis na lawn sa garden kung saan unti-unti nang itinatayo ng mga ingress workers ang mga mapuputing canopy at wooden platform.Ewan ko ba, parang kailan lang, ang itinatayo sa buhay ko ay mga barikada laban sa pamilya Valdez, laban sa mga dudang board members, at laban sa sarili kong takot na baka bumagsak ang Wayne Group. Dati, kapag may ganitong kalaking event sa bahay, puro PR team, media, at business executives ang iniisip ko. Pero ngayon, habang pinapanood ko ang mga tauhan na naglalagay ng maliliit na fairy lights sa mga sanga ng puno, ang tanging pumapasok sa utak ko ay kung magiging komportable ba si Alex sa dami ng karga sa kanya bukas.Gusto ko lang namang maging maayos ang lahat para sa anak ko. Yung walang halong tensyon, walang halong poli
Ler mais