Ariana Wayne POV Hindi ko alam kung ilang beses nang pabalik-balik si Lucas sa kusina para kumuha ng kung ano-ano. Isang baso ng gatas, isang platito ng hiniwang mansanas, at ngayon naman ay isang makapal na unan na pilit niyang isinisiksik sa likod ko habang nakaupo ako sa sofa. Simula nang sabihin ko sa kanya ang balita kagabi, parang nag-reset ang utak ng asawa ko. Nawala ang Cold CEO, at napalitan ng isang overprotective na bodyguard. "Lucas, seryoso, okay lang ako. Kanina mo pa ako pinapakain," tawa ko habang pilit na iniiwas ang mansanas. "Hindi pa ako naglilihi, okay? Katatapos lang nating mag-breakfast." "Doc Mendoza said you need nutrients, Ariana. Stress causes depletion, and you've been under a lot of it lately," seryoso niyang sabi habang chine-check ang temperature ng gatas. "At saka, Rule One Hundred and Six: No more skipping meals. Or snacks. Or even vitamins." "Rule One Hundred and anim agad? Kagabi lang Rule One Hundred and five tayo ah," biro ko. "I’m updating t
Read more