Ariana Wayne POV Maaga kaming umalis ni Lucas para bisitahin ang ancestral house namin ni Papa. Habang nasa biyahe, hindi ko maiwasang mapatingin sa labas ng bintana. Ang mga kalsadang dinadaanan namin ay pamilyar—ito ang mga rutang tinatahak ko noong bata pa ako, noong ang tanging inaalala ko lang ay kung ano ang ipapabalot ni Papa na pasalubong pag-uwi niya. "You're quiet," pansin ni Lucas habang nagmamaneho. "Kinakabahan ka ba?" "Konti," pag-amin ko. "Last time na nandun ako, pinalayas ako ni Marcus. Literal na itinapon niya ang mga gamit ko sa labas. I never thought I’d see that house again, let alone own it." Hinawakan ni Lucas ang kamay ko at pinisil ito. "It’s yours now, Ariana. No one can ever kick you out of your own history again." Nang makarating kami sa tapat ng malaking gate, halos tumigil ang tibok ng puso ko. Akala ko talaga ay gigibain na ito, pero gaya ng sabi ni Lucas, pinahinto niya ang demolition. Medyo mataas na ang mga damo sa garden at may ilang bintana na
Read more