Ariana Wayne POV Sabado ng umaga nang tahakin namin ang daan paakyat ng Tagaytay. Sa loob ng sasakyan, ramdam ko ang bigat ng hangin kahit naka-full blast ang aircon. Si Lucas ang nagmamaneho, habang si Madam Victoria ay nasa front seat. Ako naman ay nasa likod, katabi si Celeste na hindi tumitigil sa pagkukuwento tungkol sa paborito niyang vineyard sa France. "You know, Lucas, your dad always said this rest house has the best view. Sayang at hindi ko ito napuntahan noong huling visit ko," sabi ni Celeste habang tinitingnan ang kanyang sarili sa pocket mirror. "But Ariana, aren't you worried? Sabi nila, malamig daw rito. Baka hindi kayo sanay." "Sanay ako sa lamig, Celeste. At saka, may fireplace naman sa loob," simpleng sagot ko. Lumingon si Victoria sa amin. "I want this weekend to be about relaxation, but also about alignment. New York is a big step. Ariana, I hope you brought the initial market study." "Nasa laptop ko po lahat, Victoria," sagot ko. Nakarating kami sa rest ho
Read more