Lumiko si Carter sa kabilang hallway, ang direksyong papunta mismo sa mga reporters.Paminsan-minsan ay lumilingon si Addison sa likod nila, para siguraduhing walang humahabol sa kaniya.“Miss Castillo, nasa labas na ang sasakyan ni Mr. Sean,” mahinahong sabi ni Janet dahilan para mapunta ulit ang atensyon ni Addison sa harapan. “Hanggang dito lang kita masasamahan.”“That’s more than enough,” masayang sagot ni Sean habang malawak ang ngiti. “Malaking tulong na ito sa’min, Madam Vice Principal.”Biglang napayuko si Janet dahil sa hiya.Sa sitwasyon pa talagang ito?Talagang walang pinipiling oras si Sean para lumandi. Kaya nga siguro kilalang-kilala ito bilang certified flirt.“I-It’s nothing, Mr. Sean,” mabilis nitong sagot.Napatawa si Sean habang halatang aliw na aliw.“Well then,” nakangiting sabi nito, “kapag okay na ang lahat sa pagitan ng kuya ko at ng fiancée niya, I think kailangan kitang maipagpasalamat nang maayos, Miss Cruz.” Bahagya itong yumuko. “You wouldn’t min
続きを読む