“At sa tingin ko naman, kaya mo nang buuin sa isip mo ang totoong nangyari base sa mga ipinaliwanag namin, hindi ba?” tanong ni Sean.Wala na ang kanina nitong magaan na aura. Naging seryoso ang mukha nito, at halatang ibang tao si Sean kapag trabaho na ang usapan—lalo na kung may kinalaman kay Benson.“Malaki ang halaga ng project na ‘to,” kalmadong sabi ni Carter habang itinutulak ang makapal na folder papunta kay Dashiel. “Pero noong time na hawak pa namin ito, nagkaroon ng problema sa additional funding at ilang internal issues. Kaya napagdesisyunan naming ihinto muna.”Binuksan ni Dashiel ang folder.Sa loob no’n ay puro reports, evaluation files, at projections tungkol sa magiging development ng project.Malinaw na kung maipagpapatuloy iyon, malaki ang magiging kita.Habang tumataas din ang market value ng lugar, mas lalong nagiging obvious na kapag natuloy ulit ang construction, malaking profit ang naghihintay sa side ng Gutierrez Group.“Sa estimate namin,” dagdag ni Car
続きを読む