Nang marinig ni Dustin ang request na iyon, agad na lumiwanag ang mukha niya. “Of course!”Mukhang may sasabihin pa sanang paalala si Sean, pero nang makita niyang okay lang naman kay Dustin at wala ring dapat ikabahala, hinayaan na lang niya ang lalaking katabi niya na yumuko para mapantayan ang height ng bata. Ilang segundo lang, mahigpit nang niyakap ni Dashiel si Dustin.Parang… matagal silang hindi magkikita ulit.“Have fun in school, Dustin,” sabi ni Dashiel habang dahan-dahan niyang niluwagan ang yakap. Ayaw man ng puso niyang bumitaw, wala naman siyang magagawa.“Yes, Mr. Handsome!” masayang tawa ni Dustin. “I guess kailangan ko nang pumasok.” Diretso siyang tumingin kay Dashiel. “See you again, Mr. Dash.”Napailing si Sean at nag-click ng dila. “Wow ah. Invisible na ba ako sa 'yo, Dustin?”Inilabas ni Dustin ang dila niya. “Bye, Uncle Sean. After school, laro tayo ulit sa arcade.”“Tapos hindi ka natatakot mapagalitan ni Uncle Cadmus?”Umiling si Dustin. “Kagabi pinaya
続きを読む