“You’re going to love this, Carter,” natatawang sabi ni Cadmus bago pinatay ang tawag.Ilang segundo lang ang lumipas, agad nitong sinend ang picture.At least ngayon, isang bagay na ang sigurado siya, hinding-hindi makakatakas si Venus Mae Bonifacio sa kaso ni Addison.“You’re finished, Venus Mae Bonifacio,” mahinang bulong ni Cadmus matapos masiguradong na-send na ang larawan sa kapatid niya.***Sa kabilang bahagi ng siyudad, malayo sa magagarang gusali ng Luminous City, ibang-iba ang atmosphere.Sa loob ng isang makitid at madilim na silid, tanging isang dilaw na bombilya lang ang nakasabit sa kisame.Mahina at nakakailang ang ilaw nito habang humahalo sa makapal na usok ng sigarilyo sa paligid.Mabigat ang hangin. Halos nakakasakal.Kaswal na nakasandal si Cadmus sa metal chair habang may isang lalaking nakaupo sa harapan niya.Nakatungo ito. Mahina. Halatang bagsak ang loob.Si Derek Santos.“You understand why you’re here, don’t you?” kalmadong tanong ni Cadmus.Per
Baca selengkapnya