Gaya ng nakasanayan, maayos at elegante ang pagkakaayos ng dining table sa Gutierrez family estate. Kumakalat sa paligid ang amoy ng bagong toasted na tinapay at matapang na black coffee, humahalo sa preskong hangin ng umaga.Sa dulo ng mesa, dahan-dahang hinahalo ni Dashiel ang kape niya, paikot-ikot ang kutsara sa tasa habang malalim ang iniisip. Sa tapat niya, maingat na nagsasalin si Diana Gutierrez ng cream soup sa saucer niya.“So,” panimula ni Diana habang diretso ang tingin sa anak, “...did you have a fight with Venus?”Bahagyang kumunot ang noo ni Dashiel.“Where did that come from?” sagot niya.“Well,” kalmadong sabi ni Diana, “kung hindi kayo nag-away, bakit mag-isa kang umuwi kagabi?”Hindi inalis ni Diana ang tingin sa kanya. Simula nang lumipat sina Dashiel at Venus sa sarili nilang tirahan, hindi na sila madalas bumisita sa main house. Pero tuwing pupunta sila, palagi silang magkasama.Hindi iyon pinapansin ni Diana noon. Mag-asawa sila, at natural lang na minsan
Read more