“Sabi po ni Miss Frances, ang good friends nagshi-share,” sagot ng isa sa mga bata nang may kumpiyansa. Tumango naman agad ang iba bilang pagsang-ayon.Tumango rin si Dashiel, halatang natuwa sa narinig.“That’s a wonderful lesson,” sabi niya habang nakangiti. “Thank you for teaching it to me.”“Kain na po kayo with us, Mr. Dashiel!” masayang sabi ng isa sa mga bata.“Yes, Mr. Dashiel,” dagdag ni Mari na medyo nahihiya habang inaabot sa kanya ang maliit na kahon ng strawberry milk. “Here… para sa inyo.”Mas lalo pang lumawak ang ngiti ni Dashiel.“Why thank you, Little Girl,” sabi niya habang tinatanggap iyon. “And what’s your name?”“Mari,” mahina nitong sagot.“Well then, Mari. I gratefully accept it.”Nagpatuloy ang lunch nila na puno ng tawanan at masayang kwentuhan. Masigla ang atmosphere sa loob ng classroom.Sa mga kamay ni Dashiel ay may kung anu-anong pagkain na ibinigay ng mga bata. May chicken nuggets, mga piraso ng sandwich, at kahit juice box.Para sa mga bata,
더 보기