LOGINSa labas ng Grand Legacy Business Gala ay tila lalong dumami ang tao. Sunod-sunod ang pagdating ng mga luxury cars habang halos hindi na magkandaugaga ang mga reporters sa pagtawag sa bawat kilalang negosyanteng bumababa sa red carpet.Nagkikislapan ang camera flashes.Sunod-sunod ang live broadcast.Maging ang mga business vloggers at lifestyle influencers ay nakaabang sa entrance.“Welcome back to our live coverage! Nasa Grand Legacy Business Gala tayo kung saan magsasama-sama ngayong gabi ang pinakamalalaking pangalan sa mundo ng negosyo!”“Hindi pa rin dumarating ang Blackwell Group, isa sa pinakahihintay ng media ngayong gabi.”“Marami ang curious kung sino ang magiging kasama ni CEO Rafael Blackwell.”Sa kabilang bahagi ng venue, tahimik na nakatayo sina Victor at Rosset habang nakikipag-usap sa ilang investors.Ngunit paminsan-minsan ay napapatingin sila sa entrance.“Late.”Mahinang sabi ni Rosset habang nakangiti.“Style niya talaga.”Kalmadong tugon ni Victor.“Mas gusto niy
Nagmistulang dagat ng ilaw ang buong paligid ng Grand Legacy Business Gala. Nakalatag ang mahabang pulang carpet mula sa pangunahing entrance hanggang sa napakalaking ballroom. Sa magkabilang gilid ay nakapuwesto ang dose-dosenang photographers, reporters, at camera crew na halos walang tigil sa pagkuha ng larawan ng bawat kilalang negosyanteng dumarating.Sunod-sunod na huminto ang mga mamahaling sasakyan sa harap ng venue.Isa-isang bumababa ang mga CEO ng pinakamalalaking kumpanya sa bansa, mga international investors, founders ng unicorn startups, banking executives, at mga business tycoon na madalas lamang makita sa mga magazine cover.“Sir! Sir! One photo please!”“This way!”“Congratulations on your latest acquisition!”“Welcome to the Grand Legacy Gala!”Sunod-sunod ang sigaw ng media habang nagkikislapan ang mga camera flash na halos magmistulang kidlat sa dami.Sa loob naman ng ballroom ay mas lalo pang kapansin-pansin ang karangyaan. Napakalalaking crystal chandelier ang na
Tatlong araw bago ang pinakahihintay na Grand Legacy Business Gala, tila nabuhay ang buong mundo ng negosyo. Mula sa mga business magazine hanggang sa online news pages, iisa ang laman ng mga headline. Hindi na lamang ito simpleng taunang pagtitipon ng mga negosyante—isa na itong event na hinihintay ng buong bansa.Sa bawat television screen sa lobby ng malalaking kumpanya ay paulit-ulit na ipinapalabas ang balita.“Tatlong araw na lamang bago ang pinakamalaking business gala ng taon. Mahigit isang daang CEO ng pinakamalalaking kumpanya sa bansa ang inaasahang dadalo, kasama ang mga international investors, global business partners, financial analysts, at kilalang media personalities.”Lumabas sa screen ang iba’t ibang larawan ng engrandeng venue na kasalukuyang inaayos.Crystal chandeliers.Napakalaking ballroom.Mahabang red carpet.Isang stage na halos kasing laki ng isang concert hall.Libo-libong upuan ang maingat na inaayos ng event organizers.May hiwalay pang media area kung s
Makapal ang katahimikan sa loob ng modernong penthouse ni Victor, ngunit ilang segundo lang ang lumipas ay napalitan iyon ng malakas na pagtawa. Nakaupo siya sa mamahaling leather sofa habang umiikot ang whiskey sa kristal na baso na hawak niya. Sa kabilang sofa naman ay nakaupo si Rosset, nakahalukipkip ngunit bakas sa mukha ang kakaibang pananabik.Sa gitna ng mesa ay nakabukas ang laptop.Hindi pa nila binubuksan ang laman ng GDrive.Nandoon lamang iyon, parang isang alas na matagal nilang pinaghandaan.“Tingnan mo nga sila,” natatawang sabi ni Rosset habang ipinapakita ang cellphone kay Victor. “Halos araw-araw nang laman ng mga entertainment pages ang patamaan namin. Ang daming naniniwala, ang dami ring nalilito. Ang saya palang pag sila mismo ang nagbibigay ng atensyon.”Napangisi si Victor.“Hindi pa nga tayo nagsisimula.”“Tama.”Napahilig si Rosset sa sandalan ng sofa bago uminom ng alak.“Imagine mo na lang kapag lumabas na talaga ang nasa GDrive.”Tumawa silang pareho.Hind
Naroon pa rin sina Rafael at Luna sa loob ng pribadong opisina. Tahimik ang buong palapag. Sa labas ay halos wala nang empleyado, at ang tanging maririnig ay ang mahinang ugong ng air conditioner at ang ilaw ng lungsod na kumikislap mula sa malawak na salamin ng opisina.Nakaupo si Rafael sa sofa habang nakasandal ang magkabilang siko sa mga tuhod. Magkahawak ang dalawang kamay niya at halatang malalim ang iniisip. Samantala, si Luna ay tahimik lamang na nakaupo sa tapat niya, hawak ang isang tasa ng mainit na tsaa na ilang minuto nang hindi nababawasan.Nauna siyang nagsalita.“Sir… kung sigurado na talaga kayong ilalabas nila iyon, ibig sabihin wala na tayong magagawa para pigilan sila.”Hindi agad sumagot si Rafael. Ilang segundo muna siyang nakatingin sa sahig bago marahang tumango.“Tama ka. Hindi natin sila mapipigilan.”Napakunot-noo si Luna.“Kung gano’n… bakit parang kalmado pa rin kayo?”Unti-unting umangat ang tingin ni Rafael.“Dahil hindi ko kontrolado ang gagawin nila.”
Kinagabihan ay unti-unti nang nagsiuwian ang mga empleyado. Isa-isang namatay ang mga ilaw sa bawat department hanggang sa maging tahimik ang buong floor. Tanging ang opisina na lamang ni Rafael ang nanatiling may ilaw.Tahimik na kumatok si Luna.“Sir… pinatawag niyo po ako?”Hindi agad sumagot si Rafael. Nakaupo siya sa swivel chair habang seryosong nakatingin sa ilang dokumentong nakalatag sa mesa. Nang marinig ang boses ni Luna ay saka lamang siya tumingin.“Come in.”Marahan niyang isinara ang pinto.Napansin niyang iba ang ekspresyon ng lalaki. Hindi ito ang pamilyar na Rafael na palaging may oras mang-asar o ngumiti kapag silang dalawa lang ang magkasama. Ngayon ay halatang mabigat ang iniisip nito.Lumapit siya sa mesa.“Sir… may nangyari po ba?”Huminga nang malalim si Rafael bago itinuro ang sofa.“Sit beside me. We need to talk.”Hindi na siya nagtanong pa. Tahimik siyang naupo sa sofa habang si Rafael naman ay naupo sa katabi niyang upuan. Sa unang pagkakataon matapos ang
Nakatayo si Luna sa tapat ng malaking gate, hawak ang cellphone habang paulit-ulit niyang binabasa ang address na sinend ni Rafael. Kahit malinaw ang nakasulat, hindi pa rin siya makapaniwala sa nakikita niya. Ang gate pa lang—mataas, bakal, at elegante ang disenyo—parang katumbas na ng buong boardi
Tahimik na ang buong kumpanya. Sa executive office, nakaupo pa rin si Rafael Blackwell sa likod ng mesa niya, ngunit halatang hindi na siya nagtatrabaho. Nakabukas ang laptop, ngunit hindi gumagalaw ang cursor sa screen. Sa isip niya, paulit-ulit ang nangyaring usapan nila ni Roset. You’re jus
Gabi na sa kumpanya. Isa-isa nang nagsisiuwian ang mga empleyado. Unti-unting nawawala ang ingay ng keyboard, tawanan, at pag-uusap sa bawat cubicle.Sa executive floor, nakaupo si Rafael Blackwell sa likod ng malawak niyang mesa, tahimik na nakatitig sa mga dokumento.Pinindot niya ang intercom.“
Kinaumagahan, mas maaga si Rafael sa opisina.Pagbukas pa lang ng elevator sa executive floor, narinig na niya ang pabulong na usapan mula sa cubicles sa ibaba.“Grabe, kahapon na naman nasa office ni sir si Luna.”“Alam mo na ’yon.”“Hindi naman siguro—”“Please. CEO ‘yon.”Huminto siya sandali sa



![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



