Mas mahigpit ang security sa loob ng courtroom nang araw na iyon para maiwasan ang posibleng gulo. Mas marami ring media ang nasa labas ng korte para malaman ang susunod na mangyayari sa hearing.Tahimik lang na nakaupo si Rafael habang napapalibutan ng mga pulis. Halata sa mukha nitong ilang araw na itong hindi nakakatulog nang maayos. Tila ba biglang bumilis ang pagtanda niya sa ilang araw pa lang niyang pagkakakulong.Samantala, nasa kabilang side naman sina Kian, Dexter, Emma, Ayesha, at ang iba pa nilang kasama. Ramdam pa rin ang tensyon sa pagitan ng lahat.“All rise.” Agad na tumayo ang lahat nang pumasok ang judge. Nagsimula muli ang hearing pagkatapos maupo ng lahat.“The prosecution may call its next witness,” saad ng judge. Tahimik na tumayo ang prosecutor bago tumingin sa p
Read more