Lumabas na muna si Kian at Nick habang naiwan ang mga babae sa kwarto ni Ayesha. Namumula pa rin ang mga pisngi ni Lalaine.“So, siya ang sinasabi niyong lalaking gusto mo, Lalaine, tama ba?” tanong ni Ayesha. Natatawa naman si Kaye.“He is,” sagot ni Kaye.“Bakit natahimik ka na? Pwede mo bang ikwento kung paano kayo nagkakilala?” Napapabuntong hininga si Lalaine at natatawa na lang din.“Hindi naman malalim ang nararamdaman ko sa kaniya at saka hindi naman ako ang gusto niya. Nang makilala ko siya sa bar, sa tingin ko broken hearted siya dahil yung babaeng gusto niya, hindi siya ang gusto.” Natahimik si Ayesha. Umamin si Nick ng nararamdaman nito sa kaniya. Marami na ring nagustuhan si Lalaine pero halos lahat paghanga lang. Pero ngayon, para bang nahulog talaga siya kay Nick.“Nick is still single and I’m sure, nakamove on na siya sa babaeng nagugustuhan niya.” ani ni Ayesha.“I’m fine, itong si Kaye lang ang nagpapalala ng sitwasyon eh. Nakakahiya tuloy kay Nick. Na-hurt lang ako
Read more