Tahimik lang si Ayesha, iniisip ang suggestion ng mga kaibigan niya. Naiinis na rin siya sa sarili niya. Kung kailan malapit na ang kasal nila ni Kian, ngayon pa siya nakaramdam ng ganito. Hindi niya naman ito naramdaman noong nanganak siya sa panganay niya. Siguro dahil wala siyang naramdamang stress, wala siyang iniisip.Nakokonsensya siya sa nararamdaman niya. Alam niyang masaya at excited si Kian sa kasal nila pero siya, ganito ang nararamdaman niya.“Pag-iisipan ko, kakausapin ko rin muna si Kian tungkol diyan.” Sagot niya sa mga kaibigan niya.“Mabilis lang ang isang buwan. Magrelax muna tayo, hindi ka namin iiwan. Sasamahan ka namin hanggang sa makabalik tayo rito. Magstay muna tayo sa isla na pagmamay-ari ng Daddy Dexter mo. Sa Maldives yun hindi ba? Dun na muna tayo.” Wika ni Kaye. Tumango na lang si Ayesha.“I’ll talk to him later.” Sagot niya. Bahagya naman ng ngumiti si Lalaine at Kaye.“Nasaan nga pala si Kenneth?” Pag-iiba na nila.“Nasa hardin sila nila ni mommy. Mas gu
Read more