Unang pumasok sa hotel si Ayesha nang makarating sila sa room nila. Sumalubong sa kaniya ang mabangong paligid, mga candles at nagkalat na mga rose petals sa sahig. Hawak-hawak niya na rin ang bouquet na binili ni Kian kanina.Nakangiti si Ayesha habang nakatingin sa paligid. May lamesa sa gitna at mga pagkain, may wine na rin at mga bulaklak sa vase.“Hindi mo naman kailangang gawin ang lahat ng ‘to pero thank you so much, Kian. You always make me feel that I’m special.” Ani ni Ayesha saka niya tiningnan si Kian na nasa tabi niya.“Palagi ko itong gagawin, may okasyon man o wala. Dahil sa ginawa ko sayo noon, maaga kong kinuha ang kalayaan mo. Maaga kang naging ina bago mo pa man natupad ang pangarap mo. Masyado ka ng nagfocus kay Zayn at kinalimutan mo na ang sarili mo. Gusto kong maramdaman mo ulit ang dati
Read more