Isang linggo ang lumipas, sa isang linggo na yan palaging umiiwas si Kian kay Ayesha. Ayaw niyang makatrabaho si Ayesha, hindi niya alam kung matatagalan niya bang makasama si Ayesha.Napapaisip na lang si Kian kung i-aassign niya na lang ba sa ibang branch si Ayesha para hindi na magtagpo ang mga landas nila.Nang malaman ni Ayesha na nakabalik na si Kian sa office niya, pinuntahan niya ito kaagad.“Ma’am, hindi ka pwedeng pumasok.” Panghaharang ng secretary ni Kian kay Ayesha. Masama namang tiningnan ni Ayesha si Hannah.“Kayang kaya kitang paalisin sa posisyon mo kaya tumabi ka.” May diing saad ni Ayesha. Magsasalita pa sana si Hannah nang tuluyan nang binuksan ni Ayesha ang pintuan at isinarado ito saka niya inilock.Nang marinig ni Kian ang paglock ng pintuan niya ay napaangat ang tingin niya. Hindi siya nagsalita ng makita niya si Ayesha. Ibinalik niya ang paningin at atensyon niya sa ginagawa niya.“Ano bang problema mo? Hindi ko maintindihan kung bakit ang init init ng dugo mo
Read more