Pinaupo na ni Kian sa mga hita niya si Zayn saka niya ito nginitian.“Zayn, right?” tanong niya. Nakangiti namang tumango si Zayn.“Opo daddy, bakit ngayon ka lang po umuwi? Bakit hindi ka tumitira kasama kami ni mommy? Ayaw mo po ba sa amin?” biglang naawa si Kian kay Zayn. Gusto niyang sabihin ang totoo na hindi siya ang ama nito pero para bang may pumipigil sa kaniya.Hinaplos ni Kian ang pisngi ni Zayn saka siya bumuntong hininga. Hindi niya akalain na bunga lang ng isang gabing pagkakamali si Zayn pero bilib naman siya kay Ayesha dahil kahit ganun ang nangyari, hindi niya ipinalaglag si Zayn.“Daddy, pupunta ka po ba sa family day namin sa school? Sasama ka po ba sa amin ni mommy? Lahat po ng mga kaklase ko may mga daddy sila. Inaasar pa nga po nila ako na wala akong daddy kasi hindi mo ako inihahatid sa school. Sana daddy, sumama ka sa amin ni mommy sa family day namin, please?” pakiusap ni Zayn. Paninindigan ba ito ni Kian? Habang pinapatagal niya lalo namang umaasa si Zayn na
Read more