Nang lumabas ng kwarto si Kian ay nakaluto na rin si Ayesha. Amoy na amoy ni Kian ang mga niluto nito.“Good morning! Kain na tayo.” Nakangiting bati ni Ayesha saka niya inalis ang apron niya. Nakatingin naman si Kian sa mga niluto ni Ayesha. Fried rice, frozen foods at fried chicken ang nakahanda.“Nagluto ka?” tanong ni Kian saka siya naupo.“Oo dahil ayaw kong kumain sa labas. Black coffee o may gatas?” tanong ni Ayesha habang nagtitimpla siya ng kape niya.“Black,” tipid na sagot ni Kian. Nakatitig pa rin siya sa fried rice at sa fried chicken. Hindi niya na matandaan kung kailan ba siya kumain katulad ng mga niluto ni Ayesha. Bahagya siyang ngumiti, hindi niya maiwasang hindi maalala ang kaniyang ina. Noong nabubuhay pa ito, mahilig din itong magluto ng fried rice at isa yun sa mga paborito ni Kian na kainin every breakfast.“Here’s your coffee,” masiglang saad ni Ayesha saka niya ibinaba ang baso sa gilid ni Kian. Naupo na rin siya sa kabilang upuan kung saan magkaharap silang d
Read more